"Our doubts are traitors, and make us lose the good we oft might win, by fearing to attempt." -William Shakespeare
"Aray! Tita! A-Ansakit po! Tama na po!" daing ko habang sinasabunutan ako ni Tita.
"Hindi! Magtanda ka! Lagi ka nalang palpak bata ka! Sakit ka lagi sa ulo dito sa bahay! Wala ka ng ginawang maganda!"
Kaya mo yan, Abigail. Okay? Iiyak ka lang naman ngayon. Okay?
Nagsunod sunod ang tulo ng luha ko ng ilublob ni Tita ang mukha ko sa isang drun na puno ng malamig na tubig.
"Wala ka ng naitulong! Pahirap ka sa buhay namin dito!"
Paulit ulit niya akong sinasaktan. At masasabi kong, masakit na talaga.
"Mama! Tama na! Kawawa naman si Ate Abby oh! Tama na!" pigil ni Marco.
Inahon na naman ni Tita ang mukha ko kaya nakita kong umiiyak si Marco.
"B-Baby, o-okay lang si Ate. *huk* Play ka nalang d-dun ha? W-Wag mo na k-ko isipin.." at sinubukan ko pang ngumiti para sakanya.
"Nagpaawa ka pa talaga sa anak ko?!"
Pinigilan ni Marco si Tita kaya nabitawan ako ni Tita. Napabagsak nalang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina.
"Magbihis ka at linisin mo lahat yan! Labhan mo narin yung mga libagin namin dun!"
Hindi pa ko makasagot dahil sa patuloy tuloy na pagtulo ng luha ko.
"BILIS!"
Agad akong tumayo at umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon umiiyak.
Kinuha ko agad ang picture ng mama ko at niyakap. "Ma naman kasi, sabi ko wag mo muna ko iwan eh!"
"Sana ako nalang nawala kesa ikaw. Ma, hindi ko na kaya. Hindi na."
"Hirap na hirap na ko, ayoko na. Bakit kailangan ko maranasan 'to? Sabi mo po, walang iwanan. Lagi kang nanjan kahit anong mangyari, ikaw yung energy booster ko d-diba?" pinupunasan ko yung picture ni mama na punong puno na ng luha ko.
"Kinakayanan ko po, para sayo Ma. Sabi mo diba wag ako susuko? Nangako po ako. At tutuparin ko yun. Sus! P-Para yun lang d-diba? Ako pa!" sabay yakap ko kay Mama.
Nakakaiyak lang yung katotohanan na hanggang picture ko nalang siya mayayakap. Kasi iniwan na nya agad ako eh. Kinuha na siya agad ni God eh. Bakit kasi kailangan niyang masagasaan?? Bakit hindi nalang ako!
"Ate Abby?"
"Oh! B-Baby Marco! Namiss mo agad si Ate? Bababa pa naman ako eh!" biro ko sakanya at pinilit kong tumawa kahit patuloy parin tumutulo ang luha sa pisngi ko.
"Ate, wag ka na masad. Love kaya kita. Kung iniisip mo na walang nagmamahal sayo sa house na 'to, well I'm here. Hindi ako aalis sa tabi mo, Ate."
Yan. Kaya hindi ko magawang umalis sa bahay na 'to dahil kay Marco. Hindi niya ko kayang mawala. Yung papa ko ang bumubuhay samin. Pangalawang pamilya na niya si Tita kaya naman nakikitira nalang ako dito. Hindi naman ako basta basta pwedeng umalis kasi, gusto ko pang magtapos ng pag aaral. Pinangako ko kay Mama na magtatapos ako at siya ang magsasabit ng medal sakin.
Pero hindi na mangyayari yun...
Kaya sana, makayanan ko pa at makapagtapos ako. Hindi dapat ako sumuko. Hindi dapat.
Isa lang ang anak ni Tita kay Papa at yun ay si Marco. Sobrang close namin, pag wala si Tita. Dahil ayaw ni Tita na lumalapit ako sa anak niya. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil nalang rin sa galit niya sakin.