Pangalawa

51 5 1
                                    

"The earth has music for those who listen."
-William Shakespeare

"Miss, wag mong gagawin yan.."

Ha?

Pagkaatras ko ay tinignan ko ang lalaking pumigil sakin.

Bakit parang nakukuryente ako sa hawak niya?

Hindi ko siya kilala.

"I said, don't do that thing." sabay turo niya sa lugar kung saan sana ako tatalon.

Nagpo-process pa sa utak ko kung bakit niya ako pigilan pero umalis na agad siya.

Bumaba nalang rin ako at pumunta sa prof ko na hindi ko napasahan ng plate.

"Sir.."

"Yes, Ms. Flordeliz?"

"Sorry po. Hindi ko napasa yung plate 1 ko which is Areal Perspective. Ginawa ko naman po talaga kaso--"

"You're forgiven. Submit it the next day. Pero may minus 2 points na okay?"

Agad agad? forgiven na!?

"Okay, Sir! Thank you!"

Tuwang tuwa ako pagkatapos kong marinig yun. Thank you, Lord!

Pero di parin talaga ako makamove on dun sa lalaki kanina..

Well, oo naman. Lahat naman ng tao na may makita na ganung scene is pipigilan. Ang pinagtataka ko lang, bakit siya pumunta sa rooftop? Nais niya rin bang gawin yung gusto kong gawin?

"Uy! Tulala ka dyan? Di ba tinanggap yung excuse mo? Ako! Pipilitin ko si Sir!" sabay tulak niya sakin at papasok na sa office pero pinigilan ko.

"Okay na daw.." sabi ko kaya naman napatigil siya.

"Talaga?! Buti naman kung ganun! Eh bakit parang.. parang.. teka di ko maisip yung tamang word.." at nag-isip na siya

"Parang ano?"

"AYUN! Di pala parang, namumula ka sa kilig! Imposible man sabihin pero ganun talaga eh! Blushing ka! Sinong maswerteng manliligaw mo ang sinagot mo?"

"Wala ano ba naman!" Ito talagang si Shaira ang daming alam!

"Ako pa? Jusko naman bestfriend mo ako ng taon tapos di ka magshishare? Tsaka sumagot ka man lang ni isa dyan oh! Ang dami daming nakapila sayo! Ikaw na nga pinakamaganda sa campus seryoso, pero ngangabels? Jusko naman try mo rin para naman malagyan ka ng kilig bones sa katawan!"

"Alam mo naman na gusto ko munang mag aral, sa lagay kong ito, wala akong panahon para unahin pa ang kilig kilig na yan, lovelife o kung ano pa. Aral muna."

"Ano ba yan! 21st century na teh! Ayos ayos! Di ka naman manang! Jusko ka! Pero bakit ka kinilig?"

Di naman ako kinikilig! Siya lang nagsasabi nun! 🙄

"Magpapakamatay--ARAY!"

BIGLA BA NAMAN AKONG BINATUKAN?!

Scalene LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon