"Dito?!"
Ang OA naman ne'to makareact! Anong masama dito?!
"Bakit? Ano bang meron at parang diring diri ka?!" tanong ko.
"Seriously, Abby? Dito talaga?!"
Nandito lang naman kami sa isang karinderya. Anong masama dito? Inaya ko kasi siyang makipagdate diba? At ang mokong? Di ba naman nagreply! Napuyat na nga ako sa mga utos kagabi pati pa sa kakaintay ng reply niya! Kaya ayan, hinatak ko siya dito!
"Wala naman akong nakikitang monster dito so I think it's fine?" sarcastic kong sabi.
"Oo nga pero—okay okay."
Salamat naman, kanina pa yan sobrang ingay eh!
Hinila ko na agad siya.
"Wala namang masama dito, Love. Tsaka ano naman kung karinderya lang? It doesn't mean na di na kita crush pag dito kita dinala at hindi sa fast food chain! Yung iba nasa mamahaling restaurant nga pero naglolokohan lang! Yung pagkacrush ko sayo sagad sa veins kaya shut up na!" sermon ko.
"Ako na oorder, baka kung ano pa sabihin mo kay Manang." pagpaparinig ko.
Siyempre! Halatang di sanay sa karinderya kaya baka kung ano anong kabalbalan ang sabihin! Eto pa jusko! Sakin nga na medyo kilala niya di makapagpigil na maglabas ng masasakit na salita, sa iba pa kaya?
"Ayan na, libre ko kasi ako naman nag aya mag date eh." inabot ko na sakanya ang sisig na may rice, parehas nalang inorder ko.
"I think kaya mo 'to inorder because this is the cheapiest one?"
Aba naman! Pigilan niyo ko!
"Oy! Alam ko di ako kasing yaman mo pero, favorite ko lang talaga 'to kaya ito inorder ko! Tsaka, ano naman ang kahalagahan ng pera?! Basta crush mo yung isang tao, laban lang te!"
Napangisi nalang siya at nagsimula kumain. Nasasarapan naman siguro siya kaya di na siya makausap at sunod sunod na ang pag subo.
"See? Tignan mo ikaw! Paayaw ayaw pa jusko! Yan ang isang malaking halimbawa ng pabebe!"
"Charot." pahabol ko. Baka kasi magalit, mahirap na jusko.
"Pero seryoso, dinala kita dito kasi ito lang kaya ng budget ko. Mahirap lang naman kami eh alam mo naman 'yon. Pero I'm trying my best na maging satisfied ka parin. Wala naman sa ulam o sa kanin, o di kaya sa libreng sabaw, nasa kasama mo kung napasaya ka ba niya sa date niyo. Well, yun ang paniniwala ko.."
Ang awkward naman! Bakit kasi nakatitig lang siya at di manlang magsalita!
"Binenta ko yung luma kong cellphone kahapon, 300 din ang nakuha ko kaya ayun, nilibre na kita. Tapos yung matira ipon ko nalang. Sorry ito lang nakayanan ko ha? walang wala lang talaga eh. Pero atleast sana manlang, napasaya kita." nginitian ko muna siya bago sumubo ng pagkain.
Nakita ko naman na napailing siya habang ngumingiti.
Okay? What does that mean?
"Liar." bulong niya.
WOW! Ako ba yun? Well, siyempre ako nga kasi ako lang naman kasama niya pero what the! Kahit kailan, di ako magiging sinungaling!
"Anong liar ka dyan! Baka gusto mong isubo ko lahat ng sisig sayo dito!"
"Kung binenta mo yung phone mo, then paano mo ko natext kahapon?"
Yun lan pala, nakajudge agad siya. Judgemental na talaga mga tao ngayon noh?
Pinisil ko yung ilong niya bago ako magsalita.
Shet! Breezy na ata ako ha!
"A-ano kasi.. binigyan ako ni Shaira ng phone. Kaya ayun na ginamit ko. Masyado ka namang judgemental!"
"Charot." baka magalit mga inday, mahirap na.
"Tara na, may next class pa tayo." aya ko at pinatayo na siya.
Malapit lang naman 'to sa school kaya naglalakad nalang kami pabalik.
Ay shit!
Kinuha ko yung paper flowers na ginawa ko sakanya kagabi. Habang nag iintay kasi ako ng reply niya, naisipan kong gumawa ng flowers.
"For you! Sana naging masaya ka today!" sabi ko then tuluyan ng inabot sakanya yung gawa ko.
"What's this?" ay, slow pala. Turn off. CHAROT!
"Paper flowers, obvious ba?"
"For me?" gulat niyang tanong.
"Ay hindi! Para sakaniya!" Sabay turo ko dun sa halaman. "Oh ayan, may friend ka na! Unique pa dahil papel lang yan! Never kang makakakita ng ganito kaya you should be thankful! Baka mainlove—"
Habang kinakausap ko yung halaman, nagulat nalang ako ng hinablot nanaman niya yung flowers na gawa ko kaya napatigil ako sa kabaliwan ko.
"Bakit mo 'to binibigay sakaniya? Akin 'to diba? Akin 'to." angkin niya sa mga bulaklak.
Ngiing ngiti siya at hawak niya lang iyon.
Mukha tuloy siyang bading, may hawak ba naman na mga red tapos pink roses at girly colors tapos ngumingiti mag isa.
Hahablutin ko sana ulit yung flowers para ilagay sa bag niya kaso—
"Bakit mo nanaman ba kinukuha? Akala ko ba binigay mo na? Bakit mo binabawi? Bakit—"
"Ilalagay ko lang sana sa bag mo, para di ka narin mahirapan at mangalag. Mukha ka kasing ewan. May hawak na paper roses habang naglalakad. Nakangiti pa."
"Eh ano naman ngayon? Who cares? pakialam ko sa opinyon nila? Di ko 'to ilalagay sa bag ko, baka mamaya maipit lang don masira or mapunit pa."
Did I just blushed? Grabe! Sobrang pula na ata ng pisngi ko!
Yung crush mo ba naman pahalagahan yung gawa mo! Ewan ko nalang kung di ka kiligin!
"Wag kang kiligin. Actually, this was nothing. To tell you honestly, I don't like this. Napipilitan lang talaga kong kunin since nag effort ka—di naman pala mukhang pinag effortan. This is just a piece of cake. Ang isang rose was just 50 pesos then di ka pa makabili? Tapos idedate pa ko sa isang karinderya lang? Cheap." sabi niya sabay pasok sa school.
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng school at nawala na siya sa paningin ko, pagkatapos niyang sabihin yung mga salitang yun.
Alam ko naman, mahirap lang ako. Pero di niya kailangan ipamukha sakin yun. Di niya kailangan pang isulsol sa mukha ko na wala akong binatbat kung anong pera meron siya.
Masakit, sobra.
————-
Author's note:
May update na agad kasi matagal kong di naupdate yung "Pang-pito" so pambawi 💙
Vote, Read and comment ♥