Pang-apat

35 3 6
                                    

Nakakainis naman si Blythe. Friends na daw kami pero, di naman ako pinapansin. As in dedma! Well, papansinin nga pero alam niyo yung pag nagsalita ka, dun lang din siya magsasalita.

"Blythe.. akala ko ba friends na tayo? Bakit ka ganyan?"

"Yes, I said fine. Friends for me was nothing. Kaya wag kang mag expect."

Bakit ba parang ang tigas ng puso ng lalaking 'to?!

"Ano favorite color mo?" I asked. Ma-segway lang para di awkward.

"Your eyes."

Wait, bakit feeling ko umiinit yung pisngi ko? Pwede ba yun?

Parang gusto ko ngumiti na ewan!!

"Ha? Color!" paglilinaw ko.

"As I said, your eyes."

Hala bat ang bilis ng heartbeat ko?! Di kaya may sakit na ko sa puso? Hala bakit!!

"Blue?" tanong ko. Medyo blue kasi ang mata ko, ewan ko ba. Mahirap naman kami pero blue ang mata ko, lakas maka-sosyal!

"Stating the obvious?" wow. Sabi ko nga eh blue nga.

Ano ba naman, Abigail! Sabi na nga niya diba, eyes daw! Eh blue yang mata mo malamang blue! Kaya ka napapahiya eh!

"Movie?" Tanong ko. Alam ko naman ako nalang lagi magtatanong kasi wala naman siyang pakialam sakin.

"Up." wow. From a hearthrob guy, yan ang isasagod? Well, maganda naman talaga yon, ang cut nga nung batang lalaking mataba eh! Sarap kurutin ng cheeks! Tsaka yung nadala ng balloons yung bahay nila!

Natahimik na ko, ang awkward. Sobra. Pero bakit ganun? Kahit na di siya nagsasalita at normal na pag uusap lang 'to bat ang saya saya ko?

"Yours." sabay abot niya ng spaghetti sakin.

Ako? Siguro naaawa na siya kasi puro nalang ako tubig..

"Ah, hindi na okay lang—"

"I. Said. Yours."

Nakakatakot.

Jusmiyo Marimar.

"Oo nga akin nga." nilantakan ko agad yung spaghetti para hindi siya magalit.

Bakit ako natutuwa? Kainis naman eh! Nababaliw na ba ko? Oo na cute siya diba! Pero di ko naman siguro siya crush? Babaeng manang ako at wala akong alam diyan!

"Blythe, nag kacrush ka na ba?" tanong ko. Malay mo alam niya sagot sa tanong ko.

"Wag kang chismosa."

Shut up, Abby.

Bakit may nararamdaman akong kung ano sa tiyan ko?

Nagsisigalaw ba yung mga spaghetti?!

Ay teka!

Nababasa ko 'to sa novels eh!

Yung chuchunezz....

Basta chembang in my stomach..

Kaso, baka spaghetti yun? Kasi parang ang nababasa ko is butterfly..

Bakit di buttefly ang sa akin?!

Hmp, sino nga ba naman ang kakain ng butterfly. Baka spaghetti yun but they always change sa butterfly. Mga manlolokong authors.

Bigla naman akong napatingin sa likod ni Blythe at nakita ko si Shai na kumakaway. Baliw talaga.

Huh?

Okay, iniwan na pala ako ni Blythe.

"Oy ikaw ha! Bakit mo kasama si Blythe?! Parang kahapon stalker ka lang ngayon admirer ka na! Iba ka frenny!"

"Ano ka ba! Baka marinig ka!" Baliw talaga si Shai!

Nahagip ng vision ko si Blythe at, may kausap siyang babae. Kakapunta lang sakin, dun na agad.

TEKA!

Ano bang pinagsasasabi mo, Abby?!!!!

"BEBBBBIIII! Alam mo may bago akong crush!!" lagi naman.

"Oh sino?"

"Si Adrianne! Nako pag umuwi na 'yon, ay ewan ko nalang! Nasa states pa kasi kaya di pumapasok, sobraaaaang gwapo!" at nagtititili pa siya.

Itanong ko kaya sakanya?

"Bebi, pano malalaman pag crush mo na ang isang tao?"

"Yieee, may crush kay Blythe!" sabay kiliti niya sakin.

"Gusto mo ba siya always nakikita?"

"C-Check." sagot ko. Totoo naman gusto ko lagi siyang nasa paningin ko, gusto ko lagi kaming magkasama.

"Nagseselos ka ba pag may iba siyang babaeng kasama?"

Nagseselos nga ba ko?

"Hindi—"

"PAKIPOT!"

"OO NA!!" bwiset!

"Parang may nararamdaman ka ba sa tiyan mo? Parang may mga kung ano ano sa tiyan mo?"

Ahh.. yung spaghetti in my stomach?

"Meron..."

"Siya ba ang pinakagwapo sayo?"

Grabe naman 'yon!

"Hindi naman! Pero I admit, sa lahat ng gwapo medyo siya lang feel ko pero di ibig sabihin na siya na pinakagwapo sa lahat."

"Pabebe pa, oo rin pala tutumbukin mo."

"So ano nga, pano ba malaman?"

"You passed the exam."

"Ha?!" Bakit? Di pa naman kami nag eexam! Kakasimula palang ng pasok—

"BALIW! MAY CRUSH KA NA BABAENG MANAAAAAANG!! MAY CRUSH NA 'TONG BESTFRIEND KO!!" sumigaw sigaw pa siya habang nakatayo at tinuturo ako.

Nakakahiya naman!!

"Baliw!"

"Totoo naman eh? At di naman masama magkacrush, inday! Late bloomer ka talaga!"

Oo na, manang na. Atleast maganda at matalino.

So crush ko na talaga siya?

Ganito pala mag karoon ng crush?

"Okay lang ba yun? Crush mo kahit wala pang ilang taon ang nakakalipas?"

Napairap naman siya. Bakit?

"WOW LANG BEBI HA! taon talaga?! Aba edi uugod ugod ka na non! Crush lang naman, paghanga! Di naman ibig sabihin na pag crush eh kung ano ano na agad! Yung iba nga diyan makakita lang ng gwapo kahit di kilala crush eh!"

Di ko alam pero..

Napapangiti ako..

May dahilan na ko upang sumaya kaso, diba sakit sa puso lang ang pag ibig? Pero, kung susubukan ko magiging masaya rin ako.

Bakit kaya nagpapakahirap pa ang mga tao. Alam naman nilang masasaktan sila pero nagmamahal parin sila?

At ako 'tong nagtatanong, ay may crush na.

Ano na kayang mangyayari samin?

Imposible naman na crush niya rin ako. At imposible rin na may 'kami'.

"BEBIII! I'm so proud of you tao ka na!" sakit talaga sa ulo neto.

I can feel it.

"Oo na, crush ko na nga talaga siya."

——————
Author's note:

Sorry kasi ang tagal ng update, naging busy po kasi ako last past few days pero keri na 💘💯 medyo bibilisan ko na po para makabawi 😌♥

Scalene LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon