Ano ng gagawin ko?
Ano bang ginagawa pag crush mo ang isang tao?
"Aminin mo." sagot ni Shai kahit di ko naman tinatanong.
"Ha? Pano mo nalaman?"
"Alam ko na kung paano tumakbo ang isip mo. At, first time mo magkacrush diba!"
Sabagay..
"Aminin mo sakanya na crush mo sya, malay mo crush ka din diba?"
"Eh? Paano pag di nya pala ko crush?"
Jusko! Ang landi ko na ata! 😣
"Pano mo malalaman kung di mo susubukan?"
Oo nga naman.
Nakikita ko sa novels, sabi nila dapat daw..
'May gusto akong sabihin sayo...'
Ang unang line.
Jusko, makakasalita pa ba ko!
"Go!" Sabay tulak sakin ni Shai.
Napamura nalang ako ng may nabangga akong lalaki. Matangkad. Kaya naman, tiningala ko muna bago makita.
Si Blythe.
"May ano.." ano ba?
Nakatingin lang sya sakin, cold eyes.
"Ay hindi pala! May..." jusko sabihin mo na!
"Ano..."
"What the fuck." sabay umalis na siya pero hinila ko muna siya. Di ko na siya makakausap mamaya kung papalagpasin ko 'to!
"Makinig ka muna!"
"What?!"
Bakit ba lagi 'tong highblood? Eh kung sapakin ko kaya? Joke! Ayoko masuspend, scholar pa naman.
Sabihin mo na!
"Bukas kasi zipper mo! Kita brief mo, butas pa!"
Run like hell.
Yan lang talaga ang nasa isip ko ngayon.
Kaya ayun, tumakbo ako ng tumakbo, wala na kong pakialam kung ipahiya niya ko.
BASTA TATAKBO AKO!!
Nakakahiya naman kasi! Hindi naman butas brief nya at lalong di bukas zipper niya!
Saan ba kasi nanggaling yun ha, Abby?!
Anlayo layo sa 'may gusto ako sayo..'
Juskooooo!
"Naamin mo na?"
Bwiset 'tong si Shai! Siya may kasalanan eh! Kung di niya ko tinulak edi sana nakapagprepare pa ko!
"Andali dali lang sabihin!" Wow ha!
"Oh sige! Tutal lukaret na chararat ka naman, ikaw na magsabi!" sabay tulak ko sakaniya.
"Eh ako ba may gusto? Baliw!"
Oo nga sabi ko nga.
Bakit ngayong nakaraang araw pansin ko, lahi nalang akong nababara?
Sasabihin ko na talaga!
Tumakbo ako pabalik kay Blythe, di ako tumingin sa mata niya, basta hinablot ko yung kamay niya at hinila siya papuntang rooftop.
Nakatingin lang siya sakin.
Di ba marunong magsalita 'to?
"Uhmm..." ano na! Simula na kasi, Abby!