"Siguro may nangyari nooooh?"
Kanina pa 'to nangungulit si Shaira. Pano, di namin sinusundan si Blythe edi siyempre nawiwindang siya kasi ngayon ko lang naman na di sinundan yung mokong na iyon.
"Wala. Manahimik ka."
"Meron ehhhh."
Bibigwasan ko 'to!
"Pano ba naman kasi, dinate ko siya sa karinderya! Aba, sinabihan pa ko ng cheap daw! Sobrang wala daw akong effort!"
"NASAAN YAN NAKO WAG MO KO PIPIGILAN TARA RESBAKAN NATIN NASAAN!!!!" at talagang mananapak na siya.
"Ano ka ba!"
"ABA! ABIGAIL ANONG 'ANO KA BA?!' Kaano ano mo ba siya?!"
Huh? "Edi siyempre wala. Friends?"
"Tignan mo! Wala! Tapos may karapatan siyang sabihin sayo yan?! Eh ako nga na bestfriend mo since birth eh ni-kailanman di ka ininsulto! Nakakainis!!!"
Pero wala naman na 'kong magagawa eh.
"Nakakapanggigil ha! Tinotolerate kita sa katangahan na yan pero bebi! Maghunosdili ka! Sinasabi ko sayo, tatlong chances lang!! Yun lang!! Tapos lalayo ka na diyan! Sabihin mo sakin pag sinaktan ka niya dahil 2 chances nalang ang natitira sa hinayupak na yan!"
"Lalayuan ko siya after ng three chances??"
Bakit kailangan may pag-ganun pa?
"Aba oo! Sineswerte naman ata siya! Lalaki siya tapos siya ang nililigawan sabay babaliwalain niya? Wow! Buti sana kung kamukha manlang ni James Reid eh pero nganga! Oo, gwapo! Marami naman gwapo diyan kaya wala parin siyang maipagmamayabang!"
Parang siya pa yung nainsulto ha! >.<
"Mga bakla! May laro daw ngayon ah sa court? Nandun yung team natin eh! Tara gora!" narinig naming sabi ng mga baklang chararat.
"Tara nalang don. Baka makakita ka ng mas gwapo at matanggal yang pagkacrush mo dyan sa hayop na yan!"
——————-
Hinila na nga niya ko dito. Jusko, nakakairita. Sobrang daming tao! Gusto niya pa talaga sa harap kaya eto, siyempre siya ang nasunod.
"Go, FAFA BLYTHE!!!" nakakabingi kayo!!
"Go, Zaaaaaach!" ansasakit niyo sa tenga!
"Oy babae! Bat di mo pansinin yang si Zach? Ang alam ko may gusto sayo yan diba? Loyal naman yan ah! Tsaka teka— bat siya nandito? sila ba yung kalaban ng school natin?"
Ayoko naman kasi kay Zach. Ewan ko, di naman siya playboy or what. Basta ayoko lang. Di ko siya feel.
Alam niyo yung feeling na ganun? Na parang ayaw mo sa isang tao ng walang dahilan?
Tinignan ko si Zach. Gwapo siya, actually mas gwapo pa siya kay Blythe kung tutuusin. Mas matangkad at mas maputi. Pero ewan ko ba, kung sino pa kasi talaga yung ayaw sayo dun ka ma pahuhulog ng husto.
*blag*
"Putcha!" nagulat tuloy ako! Ano ba yon?!
Hinanap ng mata ko at ayun, nakita ko ang galit na aura ni Blythe at siya ang nag dribble sa bola ng sobrang lakas. Inaano ka ba?! Bwiset!
"Go Zach sabi ni Abby!" at ayun, nashoot ni Zach ng three points.
May sinabi ba ko?!!!
Napatingin tuloy dito si Zach, namula at nag wave ng hand sakin. Yung ibang babae naiirita na tapos yung iba naman di ko malaman yung ekspresyon ng mukha!