Pang-pito

21 2 3
                                    

"I-measure mo muna kasi ito, kahit maganda yung gawa mo, kung di pulido, walang mangyayari." sabay turo ko sakanya ng tamang pagsusukat para dun sa project.

Tangina.

Napangiti siya.

NGUMITI SIYA!!!!!!

Blythe naman eh! :<

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

"Wala."

Then he pat my head.

HE PAT MY HEAD!!

"Nagugulo naman yung buhok ko eh!" sermon ko.

"And?"

"Eh kasi siyempre, kailangan maganda ako always pag nanjan ka sa tabi ko." sabay smile ko.

Ganyan talaga, pakapalan na ng feslaks!

Napairap siya at napangiti.

One point! ♥

Malapit naman na namin matapos 'tong plates. Madali lang naman 'to eh. Kaya nga nagtataka ako bakit di magawa ni Blythe mag-isa.

Well, baka di niya talaga kaya.

Tumayo na ko at aalis. Para kasing gusto ko pumunta sa basketball court. Ewan, nafifeel ko lang na para—

"Saan ka pupunta?"

WAIT.

Tinanong niya kung saan ako pupunta?!!!

Jeskelerd!

"Sa basketball court?"

Lalong napakunot ang noo niya.

"Bakit mo kailangan pumunta dun?"

Bakit nga ba?

"Eh? Parang gusto ko lang—"

"Walang aalis."

Baliw! ☹

"Eh? Tapos naman na natin—"

PUNYETA!

TINAPON NIYA LANG NAMAN YUNG INK NG BALLPEN SA GAWA NAMIN!

"ANO BANG GINAGAWA MO BLYTHE?!"

"Opps! Di ko sinasadya.."

WOW. Di sinasadya?! Eh kita ko mismo na tinapon niya talaga!

"BAKIT NAMAN KASI—"

"Akala ko ba crush mo ko?"

Then suddenly, nahiya na ko.

Bakit kasi kailangan pa sabihin yun?!

Umupo nalang tuloy ako sakanya.

"Oo! Eh ano naman kinalaman nun dito?!" Pinilit ko parin mag galit-galitan ha!

"Pag crush mo ang isang tao, di mo siya sisigawan.. nako.. parang di mo naman ata ako crush eh.. niloloko mo lang—"

ABA'T!

"Sorry. Di ko naman alam na ganun pala 'yon. Eh kasi nainis lang ako, tapos naman na natin tapos bigla kang gagawa ng nonsense na eksena. Pero anyway, sorry na talaga. Di na mauulit. Crush naman talaga kita eh, maniwala ka naman sakin. Aamin ba ko kung hindi diba? Tsaka pwede naman tayong gumawa ulit kaya sige, di nalang ako maiinis."

Okay na ko, napangiti ko na siya.

Kahit medyo naiinis parin ako, may part sakin na kalma na. Madali lang naman kaya ulitin nalang namin. Although imbes na wala na kaming gagawin—hay! Tama na. Nangyari na.

Scalene LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon