Chapter 12

79 4 0
                                    

Previously on Bad meets Evil...

same sceneries and same stupid persons. Center of attraction? tsk. that's my section, and to say, I'm the President. habang pinagchi-chismisan ng lahat ang section namin ay walang kaalam-alam ang lahat na may nalalapit na namang kaguluhan.

Continuation..

=Dunkan's PoV=

"Sedraq, pagtakpan mo muna ako kay Vaunross. May kailangan akong ayusin." Bulong ko kay sedraq habang naglalakad papunta sa room namin.

"Yes, Boss! Isang tawag lang darating kami." Sagot nya bago ako tuluyang nagpaiwan sa field.

Pinasadahan ko ng tingin ang pader na bakod ng school. "Masyadong mataas para maakyat ng ganun-ganun lang." Bulong ko sa sarili ko. Naglakad pa ako sa direksyon ng pader na bakod papalapit sa isang lumang building na may taas na limang palapag. Agad kong iginala ang paningin ko sa kabuuanng building. Mula baba pataas sa...

"Sa roof deck!" Tama! Sa roof deck. Maaaring nandun sila pero paano silang nakapasok?

Agad akong napalingon sa guard house malapit sa gate three. Yung gate sa pinaka likod ng school.

Iisa lang yung guard na naka duty dun. Nakakapagtaka. Usually mga dalawa hanggang tatlo ang nagbabantay sa bawat gate ng school. Kunot-noo kong tinignan yung guard na nakaupo sa gilid ng guard house ng bigla syang tumingin sa direksyon ko at... Ngumisi ng nakakaloko. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya saka ito inilipat sa roof deck. Tsk! Yari nanaman ako nito kay Vaunross!

Tumalikod na ako sa building at akmang lalakad na pabalik sa room ng biglang...

"Araaaaay!!!! Bullshiiiiiiit!!!!!" Sigaw ko ng bumagsak ako sa semento. Agad akong napahawak sa kaliwang binti ko ng makaramdam ako ng sakit at pamamanhid. "T*ngina!!" Sigaw ko ng makita kung gaano kalaling bubog ang nakatusok dito. Tuloy-tuloy naman sa pag-agos ang dugo mula sa parte kung saan nakatusok ang bubog. Ramdam ko kung gaano kalalim ang pagkakatusok kahit pa nakapantalon ako. Masyadong malakas ang pagkakabato nun at asintado. Tumingala ako sa roof deck habang nakahawak sa binti ko. Dahan-dahan akong tumayo saka tinignang mabuti ang roof deck. Hindi! Masyadong mataas yun para maasinta ako. Agad napabaling ang tingin ko sa second floor ng building ng may maaninag akong tumakbo mula sa glass window. "Bullshit! They're here!" Bulong ko sa sarili bago pilit na tumatakbo papunta sa fourth year building. Masyadong malayo ang distansya mula rito kaya malamang bago pa ako makarating dun ay naubusan na ako ng lakas. Nakakaramdam na rin ako ng hilo at panlalambot ng tuhod. Naramdaman ko ang dahan dahan kong pagbagsak sa lupa. Nanghihina na ako. Sa sobrang panghihina ay kusa nang pumikit ang mata ko.

Pinilit kong ibukas ang mga mata ko.. Blurred ang paligid ngunit alama kong may nakatayo sa harapan ko. Mula sa pagkakatayo ay umupo sya sa harap ko saka hinawakan ang binti kong puro dugo. Hindi ko alam kung sino sya. Hindi ko makilala pero alam kong babae sya. Kinusot ko ang mata ko at dun ko sya namukaan.

"K-kris?" Usal ko. Nakita ko pa syang ngumiti bago ako tuluyang manghina at mawalan ng ulirat.

=Allison's POV=

Matapos ang flag ceremony ay tumuloy na kami sa classroom.

Mula sa upuan ko sa tabi ng bintana ay tanaw na tanaw ang halos kabuuan ng field. Wala na ang mga studyante dun maliban sa dalawa. 'Tss si unknow specie at yung alagad nya.' Sandali ko pa silang pinagmasdan hanggang sa makita kong naglakad na sila sa magkahiwalay na direksyon. Yung alagad nya ay malamang pabalik na dito sa room habang sya naman ay papunta sa direksyon ng isang lumang building sa dulo ng field. 'Akalain mong magka-cutting classes pa ata!' 

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now