Chapter 19

43 2 2
                                    

Please support, vote, and comment.. thank you!
-sydsydsyd

=Curt Allison's POV=

Maaga akong umalis ng bahay dahil trip kong maagang pumasok ngayon. Isa pa, pinapatawag kami sa office ni banross the great.

-,-

Nakakainis lang kasi gusto ko pa sanang manuod muna ng ufc bago pumasok.

Pagdating sa school ay dumiretso agad ako sa room namin kung saan ko hihintayin ang iba ko pang kasama papunta sa office. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan ng makasalubong ko si...

>__<

"Pwede ba, umalis ka nga sa dadaanan ko!! Ang aga-aga nabubwisit ako sa pagmumukha mo!!" Singhal ko dahil nakaharang lang naman sya sa dadaanan ko. Agad namang kumunot ang noo nya at saka nag-cross arms sa harapan ko.

Tss ang panget nya!!!

"Ang makasalubong ang gwapong nilalang na nag ngangalang Curt Tyler Vale ay isa sa pinakamagandang bagay na mangyayari kaninuman." Malumanay pero puro kayabangan nyang saad saka tumungo sakin para magpantay ang mukha naming dalawa. "Kaya naman..pasalamat ka dahil naging mabait sayo ang langit ngayong araw." Ngisi nya sa mukha ko saka tinap ang balikat ko. "Una na ko sayo." Dagdag pa nya bago tuluyang bumaba ng hagdan. Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa sobrang pagkainis sa assumero na yun!

Grrrrrrr kung hindi lang talaga ako pupunta sa office ni banross the great baka naibalibag kita pababa ng hagdan!!!!

>>>.<<<

Saglit pa kong tumigil sa lugar na yun bago ako padabog na nagpatuloy sa room.

Halos kumpleto na lahat ng mga kaklase ko nung dumating ako kahit na maaga pa naman para pumasok. Oh well ganun talaga siguro sila.

Wala na si Dunkan at sedraq sa room kaya naman bumaba na ko para pumunta sa office.

Bahagyang nakabukas ang glass door kaya naman sumilip muna ako bago pumasok.

Mukhang ako ang pinakahuling dumating.

Saglit pang napunta sakin ang atensyon ng lahat bago ako maupo.

"So I guess I should start?" Panimula ni Vaunross na nagsscan ng kung anumang dokumento sa folder na hawak nya.

"Tss..late." dinig kong bulong ni tyler na katabi ko sa mga oras na to. Hindi ko sya pinansin dahil nakafocus ako sa sasabihin ni banross sa araw na to.

Tinapunan nya kami ng tingin isa-isa bago pagsalikupin ang mga kamay nya sa ibabaw ng table.

"Napaimbistigahan na ni Principal ang insidente.." panimula nya na lalo kong ikinagana sa pakikinig. Narinig ko pa ang bahagyang pagsinghap ni Dunkan mula sa harapan.

"Napag-alaman na may nakapasok na mga outsider sa campus..at may nangyaring sabwatan."

Sabi na nga ba eh!

"Napag-alaman din namin na mula sila sa kabilang unibersidad.. mukhang matagal na nilang pinlano ang pagpasok sa campus natin para rumesbak sa grupong kinabibilangan ng ilang studyante sa school na ito. Funny! I didn't know na hanggang ngayon pala ay tuloy pa ring pinapatakbo ang binuong grupo ng mga takaw-gulong studyante ng MIU. All we know is..its already terminated by our principal year ago." Kunot noo nyang saad. May pqgtataka naman akong napatingin sa mukha nya pero nananatiling tahimik ang bawat isa bukod sa kanya.

Ano bang meron sa school na to?

"The Reignhart University...ang unibersidad na matagal nanahimik dahil sa isang insidenteng katulad na katulad ng nangyari kamakailan.." saad nya na parang may malalim na inaalala. Lalo akong nagulat sa mga narinig ko..na maging si tyler at ash ay halatang nagulat rin sa narinig nila...maliban kila sedraq,dunkan, at kris. Mukhang alam nila ang sinasabi ni Banross.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now