Chapter 15

68 1 0
                                    


E N J O Y R E A D I N G ! ! !

=Krishaira's POV=

I was shock hearing that krishalexa's back. pero mas nagulat ako na sya ang may kagagawan nun kay Dunkan. well hindi pa naman kumpirmado pero alam kong isa sya dun.

Ilang beses na ring nasali sa gulo ang MIU sangkot ang iba't ibang Universities and Colleges. Ilang beses na ring nabugbog ang grupo nila Dunkan pero ngayon ko lang narinig na napasali ang kambal ko sa gulong yun.

Simula pagkabata ay hindi na kami magkasundo ni krisha. Halos lahat ng bagay ay pinag-aawayan namin kaya naman pinaghiwalay kami nila Dad at Mom kahit na labag sa loob nila. Yun lang kasi ang naisip nilang paraan para matapos na ang away naming dalawa. Away na wala namang kinahihinatnan.

Magkasalungat ang ugali naming dalawa. Masyado syang mataas at halos hindi ko sya maabot. Lahat ng bagay gusto nya tama. Ayaw nya ng may kumokontra sa kanya. Ayaw nya ng napapagsabihan. Magaling sya sa pagrerebelde at nakakairita sya!

Nakakahiya ang ginawa nya. Feeling ko tuloy bumaba ang tingin sakin ni dunkan dahil sa pagkakadawit ng pangalan ko sa insidenteng yun.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa bahay. Mula sa gate ay natanaw ko ang isang gray na kotse na nakaparada sa garahe. Alam kong si krisha ang may-ari nun.

agad akong pumasok sa loob ng bahay para hanapin sya. Agad ko naman syang nakita sa kusina,kumakain mag-isa.

"Kailan ka pa nakauwi?" Malamig kong panimula.

Lumingon naman sya sa direksyon ko saka umirap. "I never thought that you'll be interested huh?" Sagot nya saka pinagpatuloy ang pagkain.

Lumapit ako sa ref para kumuha ng maiinom saka tumayo sa gilid ng kinauupuan nya. "Hindi ko rin maisip na isang araw maiisipan mong sumali sa grupo ng mga low class." Mapang-asar kong litanya na ikinatigil nya sa ginagawa nya.

agad nya kong binato ng masamang tingin. Binagsak nya ang hawak nyang spoon and fork kasunod ng dalawa nyang kamay.

"Low class? What did you just call the group that I belong? You don't have the right to judge my group cause you know nothing-----" I slam the glass on table causes her not to finish her words.

I laugh bitterly in disbelief. "I can't believe na mahuhuli kita ng ganun kadali..." Nakangisi kong saad.

She remain silent. Shocked drawn on her face. That's hilarious!

"Look, hinuhuli lang naman kita kung totoo ang mga balitang naririnig ko..and I can't believe na totoo nga at nakakatawa lang dahil napaamin kaagad kita ng hindi mo manlang nahahalata na hinuhuli lang kita." Litanya ko. Kitang-kita ko naman kung paano sya mainis dahil sa mga naririnig nya. Kitang-kita ko rin kung paano nya pakalmahin ang sarili nya. Pilit nyang inayos ang sarili nya saka diretsong tumingin sakin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Well, hindi ko alam na ganyan na pala tumakbo ang isip mo ngayon? Dati kasi lagi kang talunan sating dalawa. Eh ano naman sayo kung kasali ako sa isang grupo? Sarkastiko nyang litanya.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now