Chapter 22: Continuation

23 1 0
                                    


=Dunkan's POV=

Gaya ng iba ay hindi ko inaasahan ang nangyari.

Parang sandaling nanakit ng matindi ang ulo ko kaiisip kung ano nanaman ang ibig sabihin ng nangyaring yun.

Mahaba haba na ang pananalagi ko sa school na to pero hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na nangyayari nanaman ang ganitong bagay.

Bagay na dati ng naganap sa school na to.

Bagay na hindi ko alam ang eksaktong pangyayari at dahilan.

Bagay na hindi ko parin lubos na naiintindihan.

At bagay na tanging si Vaunross lang ang lubos na nakakaalam.

Darating ang araw na ang katotohanan na mismo ang lalabas at sa oras na iyon magkakawatak-watak na ang lahat.

"Dunkan."

"Anong balita,sed?"

"nasa imbistigasyon parin ang lahat. Pero alam kong may ideya na si Vaunross dito."

Tama si sedraq. Kung may taong nakakaalam ng mga bagay bagay na ito sa ngayon ay walang iba kundi si Vaunross.

"bakit bumabalik sila ngayon?" walang anu-anong tanong ni sedraq na ikinalingon ko sa gawi nya.

"tingin mo pre?" seryosong tanong nya muli.

"wala akong ideya." simpleng sagot ko. Ano nga kaya ang kailangan nila sa ngayon? Ilang taon narin mula nun. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko saka tumitig sa kawalan.

"tingin ko kailangan na muna nating umuwi. Kakaalis lang din nung dalawang kert eh."

Ang dalawang yun. Kamusta na kaya sila?

"sa tingin ko kailangan ko na nga rin magpahinga. Medyo kumikirot na yung binti ko."

"nice. Makakauwi narin."

=Kurt Tyler's Pov=

"Allison! Ghad! What happened to you?" a'nang isang pamilyar na boses matapos nitong makapasok sa loob ng opisina ni Vaunross.

"Ate,what are you doing here?" walang ganang tanong naman ni Allison Curt dito.

Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kapatid nya sa mga oras na iyon ngunit parang wala lang kay allison yun. Bakit ba sya ganyan?

naputol ang pagmamasid ko sa kanilang dalawa ng may lumapit sakin. Pabango palang ay alam ko na kung sino yun.

"Yow kapatid! How are you feeling? Do you want me to drive you to the hospital?" bahagya pa kong napangiti ng mabasa ang pag-aalala sa mukha ni kuya Irvine.

Ang cool talaga nya kahit kelan.

"I heard about the incident and so I hurriedly flew here with her." bahagya naman kumunot ang noo ko ng sabihin nya yung huling linya. "whom?"

"Curt's Sister? Look! Its not what you think." natawa nalang ako sa reaction nya. Wala naman akong sinasabi pero masyado syang defensive.

"so you too hang out?" mapanukso kong saad.

"No. Its by accident." nakakatawang napakadefensive nya sa mga oras na to.

"to hang out?" sarkastiko kong saad

"Kurt Tyler! We're talking about you in here." hahaha naiinis na sya sa lagay na yan.

"are we?"

"fine. I'll call Dad."

"where we were?"

"pfft.." alam na alam talaga nya kung pano ko patatahimikin tss.

"what exactly happened? You're wounded tsk"

"I'm with allison curt when it happened. We're on the field when an explosion shake us. Medyo magulo pa isip ko." hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat gamitin para maidescribe ng maayos ang nangyari.

"I guess you should take some rest for now. I'll drive you home." inalalayan nya kong tumayo saka kinuha ang mga gamit ko na hinatid ni ash kanina bago sya umuwi.

Saglit ko pang binato ng tingin so Allison Curt na nakatulala sa kung saan habang kinakausap ng ate nya.

Ayos lang ba sya?

"c'mon kapatid." muling anyaya ni kuya Irvine.

Papalabas na sana kami ng biglang nag-iba ng atmospera. Parang naging kakaiba.

Ang mga taong abala sa kani-kanilang ginagawa kanina ay parang awtomatikong tumigil at nagbigay pansin sa kung sino mang paparating. Lahat sila aya parang gulat na nakatingin sa pintuan ng opisina.

Maging kami ni kuya Irvine ay napatigil sa paghakbang.

Parang nag-slowmo ang bawat paghakbang ng kung sino man na paparating. Parang binibigyan ng magandang entrada na para bang isang mataas na panauhin.

Isang pigura ng isang lalaking matikas ang dating ang sumilay sa may pinto.  Sa isang tingin ay masasabi mong matalino at mayaman sya sa kabila ng pagiging simple nya.

Masasabi kong isa syang perpektong indibidwal kahit na ngayon ko lamang sya nakita.

"Vaunross.." sarkastikong bulong nito ng tuluyang makapasok sa opisina.

sa sinabi nyang iyon ay may kung anong takot akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag.

Agad kong binato ng tingin si Vaunross. Laking gulat ko ng makitaan sya ng emosyon. Sanay ako na iisang emosyon lang ang pinapakita nya bukod sa pagkamisteryosa nya. Makikitaan sya ng pagkabigla at..

Totoo ba to? Natatakot si Vaunross?

"Dad?" agad naman lumipat ang paningin ko sa nagsalitang si allison. Bahagya pang nagbigay ng pagtataka yun sa isipan ko kahit na malinaw naman ang pagkakasabi nya.

"Ugh! That's what I'm telling you several times but you're not listening." maarteng saad ng ate ni allison.

Nakangiting lumapit sa direksyon nila allison ang tinawag nyang Dad saka marahan na humalik sa pisngi nya at ng ate nya. Para naman kaming naging tagapanood sa isang sikat na nobela sa mga oras na yun.

"I'm with dad tss." -coney

"Dad? What are you doing here?" -allison

"You must say you miss me,Curt." -curt's dad

Parang habang tumatagal ay mas nagiging misteryoso ang lahat.

Bakit ganun nalang ang dating ng Daddy ni Allison?

Bakit ganun ang naging reaksyon ng lahat?

Bakit sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng takot si Vaunross?

Bumalik lang ako sa katinuan ng bahagya akong alalayan ni kuya Irvine papalabas ng opisinang iyon.

"I think we should go." seryosong ani kuya Irvine.

Praning lang ba ko? O pati sya ay kumikilos ng kakaiba ngayon?

"Its been a decade" dinig kong saad ng Daddy ni Allison. Batid kong si Vaunross ang kausap nya sa paraan ng pananalita nya. May galang ngunit sarkastiko at halo-halong emosyon.

"Zyon?"

Zyon?

"keep going,bro." muling anyaya ni kuya Irvine. Sa pagkakataong yun ay pinilit kong bilisan ang pagkilos para tuluyan ng makaalis sa lugar na iyon.

Kakaiba. Lahat ng nangyari ngayon ay nakakapanakit ng ulo.

To be continued...

Its just a teaser for the next update kaya very short lang.
-baby syd

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now