Chapter 21

18 1 0
                                    

=Someone's POV=

Masyado na kong nangigigil sa mga isiping bumabagabag parin sa isipan ko.

Ilang taon narin mula noon pero eto parin ako at parang walang nangyaring pagbabago sa bugso ng nararamdaman ko sa insidenteng yun.

Kailangan ko na silang balikan dahil mukhang hindi ako matatahimik habang walang hakbang na naisasakatuparan.

Nais ko lamang ipabatid na hindi ako magpapahuli sa larangan na ito.

Sa mga Swartz

sa mga Legazpi

At sa iba pa. Hintayin nyo lamang ang unti unti kong pagbangon. Sisiguraduhin kong sa paghaharap natin ay hindi nyo na ko magagawang tapakan muli.

Panoorin nyo ang pagbangon ko.

"napasok na natin minsan ang lugar nila. Hindi na tayo mahihirapan pang pasukin muli ito. Nais kong simulan ang bagong hakbang ngayon na mismo." saad ko sa mga kaharap ko. Tinignan ko sila isa isa at marahang pinagaralan ang bawat emosyon at reaksyon sa mga mukha nila. Lahat sila ay nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi ko. Batid kong alam nila ang gusto kong mangyari.

"nag eexpect sila ng bisita kaya naman nais kong masorpresa sila sa hindi inaasahang entrada." nakangisi kong saad.

Dinig ko rin ang pag ngisi ng pinakabago.

"sa makalawa na ang araw na hinhintay nila. Nais ko lamang silang bigyan na magandang opening. puntiryahin ang subject at lisanin ang lugar." mariin kong utos sa lahat. Ang pinakabago ang pinagkatutukan ko at mukhang nakuha nya naman ang gusto kong iparating.

"it would be fun, hennares." wika nya habang naka ngisi.

Hindi ko nagugustuhan ang pagkawalang modo nya pero hindi ko sya magawang bigyan ng leksyon dahil alam kong sya ang pinakamabilis na daan patungo sa tagumpay na aking inaasam.

"kailangan ko ng sapat na tao at kagamitan. Magandang panimula para sa entrada at maaksyon na paglarga. Mauna na ko sayo." muling wika nya bago ako talikuran.

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagkuyom ng kamao. Binubwisit mo ko Aker.

Malapit na ang araw na magugulat nalang kayo sa mga malalaman nyong kasinungalingan.

Iniikot ang swivel chair ko paharap sa bintana saka tinanaw ang magandang simula ng umaga.

pagsisisihan nyo ang pag iwan sakin mga hangal!

=Kurt Tyler's POV=

Tulala ako buong oras na nilalapatan ng paunang lunas ng mga nurse. Hindi ko lubos maisip na maari palang mangyari sa totoong buhay ang ganoong klase ng pangyayari.

Sa loob ng ilang taon na inilalagi ko sa paaralan ay ngayon lang ako nakaranas ng ganung klase ng insidente.

Nakapangingilabot at talagang hindi ako makapaniwala.

Ang babaeng yun. Sigurado ako na kaedaran ko lang din sya pero may lakas sya ng loob na gawin ang ganoong klase ng bagay sa eskwelahan.

Hindi ko sya nagawang mamukhaan dahil sa suot nyang hoody at dahil sa may kadilimang parte ng field sya naroon. Ngunit pamilyar ang tindig nya. Ang postura nya. Ang kilos nya. Hindi ako sigurado pero parang nakasalamuha ko na sya.

Isang mabilis na pangyayari ang naganap kanina lang.

Saglit kong tinapunan ng tingin si Dunkan Go na tahimik na nakamasid samin ni allison Curt. Mukhang malalim ang iniisip nya. Parang may kung anong inaalam sya. Hindi ko mapigilan ang pag tiim ng bagang ko at ang pagkuyumos ng kamao ko. Katatapos lamang ng nangyari sa kanya pero eto na agad ang sumunod. at samin pa talaga ni allison Curt nangyari. Paanong nangyari na kami ang pinuntirya gayong bago lamang kami sa school na to?

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now