Chapter 13

50 0 0
                                    

=Curt Tyler's POV=

"Bumalik na kayo sa room. Malapit na ang next subject." Mahinahong sabi ni sedraq na nakasandal sa pader habang nakapamulsa.

Oo nga pala!

"Paano kayo?" Walang gana kong tanong. Sandali naman syang tumingin samin ni ash bago ulit nagsalita.

"Kami na bahala kay Dunkan. Papapasukin ko na rin yung kaibigan nyong madaldal at nuknukan ng yabang pag labas nya." Seryoso nyang sagot. gusto ko namang matawa dahil sa sinabi nya pero hindi ito ang tamang oras.

"Hindi naman namin kaibigan yun. Yabang nun!" Sagot naman ni nash na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko.

"Whatever." Walang pakialam naman na sagot ni sedraq.

"Ge una na kami." Paalam ko at tumango naman sya. Nagsimula na akong maglakad habang si Ash naman ay nakasunod na rin sakin.

"Bakit nga pala nandun yung madaldal?" Si ash na diretso lang ang tingin sa daan. Si allison yung tinutukoy nya.

Saglit naman akong napaisip. Ang alam ko lang ay hindi sya sa clinic galing. naabutan ko lang sila dun ni sedraq sa field.

"Kasama syang nagdala kay dunkan sa ospital." Simpleng sagot ko.

Magtatanong pa sana sya ng biglang may humarang na babae sa harapan namin.

"Ikaw ba yung Curt?" Tanong nya. Tinignan ko naman muna sya mula paa hanggang sa mukha bago sumagot. "Ako nga bakit?" Walang interes na sagot ko.

"Pinapatawag kayo ni Vaunross sa Office nya. Isama nyo si----" di nya natapos ang sinasabi nya dahil biglang sumigaw si sedraq mula sa likod. Di pa naman kami ganun kalayo sa ospital.

"Kris!" So sedraq habang mabagal na tumatakbo palapit samin.

'So kris pala ang pangalan nya?'

"Oh rak! Sakto nandito ka." Sabi nung kris.

'Pfft rak?! Hahaha rakenroll!'

"Bakit? Is there any problem?" Si sedraq.

Kaya nga pinapatawag malamang may problema! Sabagay di naman laging problema ang dahilan kung bakit pinapatawag. Pero sa ganitong sitwasyon? Malamang meron!

"Pinapatawag kayo ni Banros! Isama mo silang dalawa tsaka yung isang babae."

"Si allison." Singit ni ash.

"Is that her name? Well kailangan nyo nang pumunta dun."

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now