Chapter 17: ChadLiza Part II

43 1 2
                                    

Hello! May nagbabasa pa ba nito?

E N J O Y   R E A D I N G ! ! !

=Coney Aliza's POV=

Maaga akong gumising dahil kailangan ko pang ayusin ang research paper ng group namin.

3:30 am..

"Mukhang masyadong napaaga ang gising mo coney ah?" Nakangiting tanong ko sa sarili ko habang inaayos ang buhok sa harap ng salamin.

Saglit pa akong nagpacute sa salamin bago ako naligo at nagbihis muna ng pambahay dahil masyado pa namang maaga.

Bumaba ako sa kusina saka naghanda ng agahan namin ng dyosa kong kapatid na si curt. At dahil nga maaga pa ay inayos ko muna ang research paper namin bago ako nagscan ng notes.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman yun kinuha saka saglit na tinitigan ang naka-flash na pangalan sa screen.

si min.

Tss..

Matapos kong titigan ang screen ay sinagot ko naman yun agad.

"Hello?" Tamad kong sagot.

"[Hi! aga mo yata nagising coney aliza?]" Malambing ang tonong usisa nya.

Yucks men!

"Kailangan eh. Why did you call ba?" May pagkairitang usisa ko naman. Narinig ko naman syang bumuntong hininga bago magsalita.

May problema kaya to?

"[Oh that? Ano kasi..its all about our sched in our documentaries later.]" Bakas ang lungkot sa tono ng pananalita nya ng sabihin nya yun.

Eh?

"What about that? Is there any problem?" May pagkainis kong tanong. Naiinis ako eh! Feeling ko kasi may maling mangyayari sa group project namin sa biochem.

Na-approve kasi ang pagdodocu namin tungkol sa mga pinag-aaralan ng mga BS Astrophysics students. Yun kasi ang sa tingin namin na kamangha-manghang kurso na inooffer ng SMIU.

Ang sabi kasi ni Miss Yakiro ay mag-isip daw kami ng sa tingin namin ay kamangha-manghang course na inooffer ng university namin at kailangan naming mabigyan ng proof kung anuman ang napili namin. Every semester daw kasi ay iba't iba ang naiisip nyang ipa-project sa mga nagiging student nya as a plus point pambawi sa mga failing grades sa mga quizes if ever na meron man. At kung wala naman ay para na rin mahatak pa pataas ang grade sa kanya. Malapit na rin kasi magfinals kaya pinupush nya kami para walang bumagsak sa klase nya.

"[Wala naman. Its just that na hindi na ako magiging part ng group nyo dahil nagkaroon ng konting changes sa groupings. Miss Yakiro decided to put me into another group. Kila Mhilan Kaneki ako napalipat dahil kulang sila ng members and they chose me as their leader so ayun..]" Malungkot nyang kwento.

Sus! Eh yun lang naman pala kala mo naman napakalaking problema eh!

"Tss..yun lang naman pala kung makaemote ka naman dyan kala mo bumagsak ang buong section natin sa subject ni miss yakiro! Tss.. Ayaw mo nun hindi na ko mauumay sa mukha mong yan? Haha" pang-aasar ko.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now