Simula
"Sunduin kita mamaya?" Lumipad ang tingin ko sa nagsalita. Pinapaikot ni Leger ang susi ng kanyang pick up sa kanyang hintuturo.Lumabi ako at mabilis na tumango.
"Sure!" Sambit ko bago tinapunan ng tingin ang ilan naming kaibigan.
Tapos na ang klase at naisipan naming pumunta sa Manambon. Iyong katabing probinsya ng Arcena. Forty five minutes ang madalas na biyahe pero mabilis naman siyang magpatakbo kaya sa tingin ko'y nasa thirty minutes lang.
"Hindi ka sasama sa akin?" Tanong ni Marky. Bahagyang kumikislap ang diyamante sa kanyang hairband na nasisikatan ng araw.
"Mamaya pag-uwi." Ngisi ko sa kanya.
Inirapan niya lamang ako bago lumingkis kay Leo. Natawa lamang ako bago bumaling muli kay Leger.
Nagkwentuhan kami saglit bago namin napagpasiyahang umuwi.
Kailangan pa naming magbihis at magdala ng damit dahil naisip naming lumangoy sa lawang madalas naming puntahan.
"Susunduin kita mamaya hah..." malambing na sambit ni Leger noong mapag-iwanan kaming dalawa.
Ngumisi lamang ako. Dumukwang naman siya palapit sa akin upang mahalikan ako sa labi.
"Bye!" Paalam ko bago nilapitan ang aming Ford Ranger.
Pinagbuksan ako ng pinto ni manong Manoy bago ako nginitian. Sinarado niya ang pinto bago umikot sa driver's seat.
"Sa mansion po ma'am?" Tanong niya bago ako tinignan sa rear view mirror.
Lumabi ako bago tumango. Parang ayaw kong bumisita sa kamalig. Nagmamadali ako, pipili pa ako ng damit.
Buong biyahe'y kinalikot ko lamang ang aking cellphone. Tinetext ko sila Marky at sinabing magdadala ako ng two piece. Sumang-ayon naman sila at sinabing ganoon din ang susuotin nina Jessa.
Binuksan ko pa ang huling text message ni Leger at namataan ang kanyang sinabi.
Leger:
Ako na lang maghahatid sa iyo mamaya?
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang magpigil ng ngiti.
Leger is my boyfriend. Dalawang taon na kami. Madalas kaming on and off pero nalalagpasan din naman namin iyon kaya hindi pa rin kami naghihiwalay.
Ako:
Sasabay ako kay marky :((( kawawa naman siya nag-eexpect
Naghintay ako ng reply ngunit walang dumating. Kaya naman noong tumigil kami sa tapat ng aming mansion ay bumaba na ako.
Sinalubong pa ako ng ilang katulong upang tulungan sa aking dalang gamit. Umiling lamang ako bago nagmamadaling tumakbo paakyat.
Ngunit bago ako tuluyang pumasok ay sumigaw ako ng, "pasabi na lang po kay daddy lalangoy po kami sa Manambon!"
BINABASA MO ANG
Chasing Fire
Любовные романыRosally Eustacia Ricaforte is the perfect girl of Arcena. Halos lahat ng ninanais ay nasa kanya na! Pera, kagandahan, kaibigan at kasintahan. Kung tutuusin nga'y isang pitik lang ng kanyang daliri'y ihahain na sa kanya. Pero bakit may isang tao siy...