Kabanata 4, Okay
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko si Cicero na umiinom ng gatas mula sa mesa. Mamaya pang tanghali ang pasok niya pero ako'y kailangan ng umalis ng alas otso.
Lalo na pati'y iba ang maghahatid sa akin. Kaya kahit maaga ako'y hindi ko na nagawa pang mag-blowdry ng buhok.
"Goodmorning ate." Ani Cicero bago minuwestra ang kanyang mangkok kung saan may cereals.
"Goodmorning baby." Hinalikan ko siya sa pisngi.
Kasabay lamang noon ay ang matinis na boses ng aming katulong.
"Pasok ka hijo, kakain pa si Racia! Maghintay ka na lang dine!" Aniya sabay turo ng sofa.
Mabilis akong napasinghap. Kahit hindi ko man kita ang kanyang kausap ay kilala ko na kung sino iyon.
Maingat akong tumayo upang mapuntahan ang kanilang pwesto.
At gaya nga ng inaasahan. Nakatayo si Pierce sa hamba noon. Iniilingan ang alok ng katulong.
"Ako na po ate..." sabi ko sa matanda.
Ngumiti lamang ito sa akin bago tumango. Kalaunan ay naglakad na rin palayo.
Nang hindi ko na siya natanaw ay bumaling akong muli kay Pierce. Nakatitig lamang ito sa akin.
"Come in." Ngiti ko sa kanya.
"Okay lang, sa kotse na lang ako." Seryoso niyang sambit.
Lumabi ako at mabilis na hinablot ang kanyang braso. "I said come in!"
Bumagsak ang tingin niya sa aking kamay na nakahawak sa kanya. Nag-igting ang kanyang bagang. Parang napapaso ko naman iyong binawi.
"Sa kotse na lang..." mahina niyang saad.
Napasimangot ako. Bahagyang napahiya sa kanyang naging aksyon. "You're following my father's order pero sa kanyang anak hindi?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Muling nagtagis ang kanyang panga. Kalaunan ay huminga nang malalim bago tumango.
Bumuntong hininga na lamang ako.
"Kuya Pierce!" Ani Cicero noong mamataan kami.
Mula sa gilid ng aking mata'y ngumiti ito. Hindi ko na lamang pinansin.
Hindi ko alam na gagana sa kanya ang pangongontrol. Kahit ayaw ko mang gumamit ng awtoridad...
Dumiretso ako sa kusina upang makapaghanda na rin ng aking cereals. Gumawa rin ako ng lemon water bago tuluyang pumunta sa hapag.
"Kain tayo Pierce." Tawag ko sa kanya noong mamataan siyang nakaupo sa sofa.
Nasa kanyang kamay ang susi. Tinignan niya ako ng ilang sandali. Tila ba'y inaalala ang sinabi ko kanina.
"Okay lang... kumain na ako." Lumabi ako. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya hinayaan ko na.
Kumain kami ni Cicero nang tahimik hanggang sa tuluyan akong matapos.
"Toothbrush lang ako ulit." Sambit ko kay Pierce at tango lang ang sinagot niya.
Nang makaakyat ay dumiretso ako sa banyo para magsepilyo. Pagkatapos ng ilang minuto'y nagmumog na ako para makalabas ulit.
Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at nagdala ng hairpins.
Mahilig kasi ako sa style na nagagawa ng hairpin. Simple lang pero iyon ang bumabagay sa aking mukha.
Nang matapos kong ayusin ang aking buhok na pinarte ko sa gitna at dinisenyuhan ng aking makislap na clip ay bumaba na ako.
Mula sa aking pagbaba'y namataan ko na ang seryosong tingin sa akin nito. Inaaral ang aking bawat galaw.
BINABASA MO ANG
Chasing Fire
RomansaRosally Eustacia Ricaforte is the perfect girl of Arcena. Halos lahat ng ninanais ay nasa kanya na! Pera, kagandahan, kaibigan at kasintahan. Kung tutuusin nga'y isang pitik lang ng kanyang daliri'y ihahain na sa kanya. Pero bakit may isang tao siy...