Kabanata 2, Loob
"Balita ko'y pumunta ka raw sa palayan at nasugatan?" Tanong ni Dad pagkauwi. Himalang ngayon ay maaga siya.
Inispatan ko ang aking kapatid na nanonood sa amin. May hawak itong calculator at mukhang nag-aaral.
"Ah... opo dad." Sambit ko sabay tingin sa aking sugat sa tuhod.
Napatingin din siya roon. "Sinusundan ko ho kasi si Pierce. Gusto ko po sanang masubukang mag-araro. Pero nadulas po ako. Ginamot niya rin po."
Namilog ang kanyang labi. Tinanggap ang aking paliwanag. "Mabuti." Sambit niya. "Pero para sa akin ay huwag mo na munang subukan iyon. Mabigat iyong trabaho... isa pa'y hindi mo naman kailangan."
Agad akong napalunok. Pinisil ko ang aking daliri bago bumuntong hininga.
"I just want to do it for experience dad." Tinignan niya ako saglit. Tinitimbang ang aking sinagot.
Kalaunan ay tumango. "Naiintindihan ko anak pero sumubok ka na lamang ng iba pang gusto mong ma-experience."
Hindi na lamang ako umimik. Mabilis na lumipas ang oras noong gabing iyon.
Hindi ako tinawagan ni Leger at hindi ko rin binalak na mag-text. Kahit ayaw kong nag-aaway kami. Ayaw ko ring nasasanay siya na siya ang susuyuin. Girls should always be treated special. Kahit wala ang aking ina upang sabihin iyon, alam ko iyon sa sarili ko. At hindi bukod tangi si Leger sa mga lalaking tatratuhin ako nang ganoon.
Lumipas ang Linggo nang tahimik. Pumatak ang Lunes at balik eskwela nanaman.
Ngayon ay narito kami ni Marky sa cafeteria. Hindi pa rin nagpaparamdam si Leger. Buti na lamang ay hindi kami magkaklase sa mga nauna dahil hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong emosyon sa kanya.
"Seriously girl, parang nakaka-guilty na nagkakilala pa kayo." Ani Marky habang umiinom sa kanyang juice.
Kinagatan ko ang aking inorder na hotdog at umiling. "I'm okay, Marky. Sadyang hindi lang kami nagkakaintindihan minsan..."
"Minsan? Racia! He's toxic!" Napailing ito. "Siguro'y tanggap ko siya maging kaibigan, pero hindi ko tanggap na ginaganyan ganyan ka lang niya."
Pagod akong ngumiti. Hindi ko rin alam ang aking sasabihin.
Baka natural lang talaga ito. Dalawang taon na kami. Baka dumarating talaga ang stage na ito sa mga magkakasintahan.
O tama talaga si Pierce na masyado pa akong bata para rito? Jeez! I'm eighteen! Legal na rin naman.
At bakit ko ba iyon iniisip?
Wala sa sarili kong pinilig ang aking ulo. Sa last subject pa naman ay magkaklase na kami. Magkikita at magkikita. Kung kausapin niya ako, fine.
Pero hinding hindi ako ang gagawa ng first move sa kanya.
Nang matapos ang lunch ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase. Fine Arts ang kinuha ni Marky. Buti na lamang ay suportado siya ng kanyang pamilya sa kanyang gusto.
Ang iba kasi'y minamaliit ang ganoong kurso. Hindi nila alam na pantay-pantay lamang ang ideya noon sa iba pa. Kung gusto nila iyon? Hayaan. Kaysa pilitin ang propesyon na hindi nila napupusuan. Sa huli'y sila rin ang nahihirapang panghawakan ang daang kanilang tinahak.
"Hello Racia." Bati sa akin ng aking mga kaklase at nginitian ko na lamang sila.
Dahil sa malawak na lupa namin ay kilala ang aming pamilya. Ang aming apelyido'y kalat sa buong bayan ng Alañan, dahil dito nanggagaling ang mga bigas, prutas at ibang gulay. Pero sa kabuuan ng Arcena, marami pang mayayaman na nagmamay-ari ng mga hacienda.
BINABASA MO ANG
Chasing Fire
RomanceRosally Eustacia Ricaforte is the perfect girl of Arcena. Halos lahat ng ninanais ay nasa kanya na! Pera, kagandahan, kaibigan at kasintahan. Kung tutuusin nga'y isang pitik lang ng kanyang daliri'y ihahain na sa kanya. Pero bakit may isang tao siy...