Kabanata 3

154 9 0
                                    

Kabanata 3, Tignan

"B-bakit pala ako pinasundo ulit?" Tanong ko noong binuhay niya na ang makina ng sasakyan.

Siguro'y binigay ni kuya Manoy ang susi sa kanya kanina. Pinisil ko ang aking daliri at naghintay ng sagot.

Ngunit imbes na pagtuonan ng pansin ang aking sinabi'y deretso ang tingin siyang umimik.

"Bakit ka nakikipaghalikan sa likod ng college building?" Flat ang tono ng kanyang boses.

Uminit ang aking pisngi at agad na suminghap. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nalalagpasan namin at inisip kung dapat ko pa ba iyong sagutin.

"N-nagkabati na kasi kami." Utal kong sambit.

Nang tuluyan kaming makalabas sa arko ng school ay tinuon ko na ang atensyon sa aking hita.

"Pag nagkakabati ba dapat ganoon na?" Sarkastiko nitong tanong.

Narinig ko ang hindi makapaniwalang tawa neto na tila ba'y walang sense ang aking sinabi.

Napabaling ako sa kanya. Seryoso ang tingin niya sa harap. Lusaw na ang ngiting pinagmulan ng kanyang tawa.

"Hindi mo iyon alam. Wala ka namang girlfriend." Deretso kong sagot.

Nakita kong nagtiim bagang ito at hindi na lamang nagsalita. Tinutop ko ang aking labi.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming ganoon hanggang sa mapansin kong hindi ito ang daan pauwi.

"Saan tayo?" Tanong ko habang pinapanood ang mga bakang nadaraanan.

"Pinapapunta ka sa bayan. May kikitain ata ang ama mo roon..." aniya.

Hindi na lamang ako nagsalita ulit. Sino naman kaya iyon?

Buong akala ko'y wala na kami ulit pag-uusapan pero ilang sandali pa'y umimik ito.

"Kamusta na iyong sugat mo?" Malamig pa rin ang kanyang boses.

Napatingin ako sa aking tuhod na tinapalan ko ng gasa. Kahit na ayaw kong mayroon, nilagyan ko na lang para hindi ako maasiwa.

"Okay na rin naman... hindi na masakit." Pagkatapos noon ay hindi na siya sumagot.

Inaliw ko na lang ang nadaraanang hayop sa daan. Tantiya ko'y trenta minutos pa bago kami tuluyang makarating. Hindi naman ako dinadalaw ng antok kaya nanatili akong mulat buong biyahe.

Nang mapansing sobrang dilim na ng atmosphere namin sa loob ay napagpasiyahan ko na lang na buksan ang radyo. Hindi ko pa iyon naisip mula kanina.

"Nasaan pala si kuya Manoy?" Tanong ko.

"Umuwi ng Morayta. Nanganak ang asawa niya kaya baka hindi muna siya ang magmamaneho sa iyo."

Bumilog ang aking labi. Ang Morayta ay ang katabi nitong Alañan. Malapit lang din at dati'y madalas kaming naroon dahil nandoon ang aking Lolo't Lola.

Nang tuluyan kaming makarating sa bayan ay pinarke niya ang sasakyan sa harap ng isang Cafe. Bumaba ako at mula sa loob ay namataan ko na ang aking kapatid na kumakain ng donut.

Napatingin ako kay Pierce at nakitang binaba niya lang ang bintana. Pagkatapos ay pinatay ang makina ng sasakyan.

"Let's go." Aya ko sa kanya.

Umangat ang kilay nito na para bang kinukwestiyon iyon.

"Dito lang ako." Aniya.

Lumabi na lamang ako bago tumalikod upang makapasok.

Sinalubong ako ng halimuyak ng mabangong kape. Onti lang ang tao at puro estudyante ang nasa loob.

Agad kong tinahak ang daan papunta kila Dad. Namataan ko itong nakaupo sa kaliwa. Katabi ng aking kapatid. Nakatalikod sila sa akin.

Chasing Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon