Kabanata 7

59 3 1
                                    

Kabanata 7, Sa Baba Lang Ako

Alas siyete y media na kami nakauwi dahil nagpatila pa ng ulan. Nakita rin si Popsicle ng ibang manggagawa kaninang umaga at naihatid na rin sa kamalig. Ang buong oras na iyon ay nagmistulang marathon para sa akin gawa ng mabilis na tibok ng aking puso.

"Sinabi ni Don na pumunta ka..." aniya habang magkatabi kaming nakaupo.

"A-ah... oo, akala ko kasi'y nasa bahay ka." Sinulyapan ko siya at namataan ko siyang nakatingin na sa akin.

Uminit ang aking pisngi.

Binalot kami ng panandaliang katahimikan. Tanging tunog lamang ng pagpatak ng ulan ang aking naririnig.

"Why didn't you fight back?" Wala sa sariling tanong ko.

Narinig ko siyang suminghap. Nang hindi siya sumagot ay muli akong lumingon sa kanya.

"He's your boyfriend." Blangko niyang sambit. "Anong laban ko roon..."

Lumabi ako. "Then why did you punch him once?"

Muli itong natigilan.

"I didn't like what he did." Aniya sabay tingin sa aking braso na may bahid pa ng gasa.

Natahimik ako. Hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung ilang oras kami nandoon. Ang naisip ko lamang ay nawala ang nararamdaman kong lamig sa ideyang naroon siya sa tabi ko.

"Earth to Racia?" Napakurap ako ng bumungad ang mukha ni Marky sa akin.

Nandito kami sa cafeteria katatapos lang magpasa ng case report sa nangyari. Pagkakaalam ko'y inasikaso na rin iyon ni Pierce.

Hindi siya nagsampa ng punishment ngunit sabi ng counselor ay need pa rin itong mabigyan ng aksyon. Ngayon wala na akong balita kay Leger kaiiwas.

"Sorry medyo malayo lang ang iniisip." Sambit ko bago binalik ang tingin sa aking sandwich.

"Ang sabi ko, ang sarap pasakan ng embutido ngalangala ng mga tsismosa!" Irap niya. "Tignan mo yung Klera ba yun... post nang post sa twitter, panay parinig. Mukhang may gusto sa boylets mo."

Inabot niya ang kangang phone at pinakita ang isang tweet ng sinasabi niya.

@klerana_: Hindi ito drama pero two guys at the same time? Ew things?

Nakita ko naman sa reply ni Marky na nakalagay, "active sa twt, walang ma recite? Ew have some class (literal)"

Tinampal ko ang braso niya. "Delete that."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Girl, no."

"Delete!" Nag-agawan pa kami sa cellphone. Kalaunan ay binato niya na ako ng tirang basil sa kanyang plato.

Natawa ako kaya binato ko rin siya ng ilang crumbs ng aking tinapay. Nauwi sa lokohan ang aming tsismisan. Natigil lamang iyon ng magring ang aming bell, hudyat na kailangan na bumalik sa klase.

Bumuntong hininga ako. Unfortunately, kaklase ko si Leger at wala akong magagawa para pigilan iyon.

Nilakad ko ang direksyon ng aming klasrum at binati ako ng bulungan at titig mula sa aking mga kaklase.

Akmang uupo na ako sa madalas kong pwesto ngunit agad akong sinalubong ni Dominic. Ang salamin niya ang una kong napansin.

"R-Racia, may partner ka na ba para sa project?" Ulit niyang tanong mula noong nakaraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon