Chapter 2: DCD (Dear Crush Diary)

80 6 1
                                        

Pheeew. Yung kahit napagod ka galing sa school, pag iniisip mo yung crush mo nawawala pagod mo. Hayyyys Alexanderrrr <3

Gusto kita kausapin kaso babae ako, siya dapat unang kakausap saakin. Hahaha! Uhm, uso pa ba yung SECRET DIARY?

Naghanap ako ng notebook 📓 ayun nakita ko na yung mga old notebooks ko. Kaso may logo ng school namen. Ano kaya gagawin ko? Uhm siguro bili nalang ako ng colored paper para mas tipid, may tape naman kami dito tsaka may plastic cover pang natitira.

Kinuha ko na yung isang notebook ko yung walang masyadong sulat. Tapos ginupit ko na yung mga may sulat. Pag tapos kong gupitin, bumaba ako tapos kinuha ko wallet ko. Uy may natira pang 20 pesos sa wallet. Ayun nalang siguro yung ipambibili ko para di na ko humingi kay mama. Hahaha s sermonan ako nun. Pero kahit ganun yun mahaaal na mahal ko parin yun!<3

Lumabas ako tapos pumunta ako sa may malapit na tindahan saamin. "Ate pabili po ng colored paper. Color blue, violet, at pink po. Tig d dalawa".

Piso isa lang naman dito yung colored paper. So may sukli pa akong 14.. siguro ubusin ko na yung sukli ko. Babaunan pa naman ako bukas ni mama.
"Ito na beh."
"Salamat po. Pabili po ng Coca-Cola mismo. Magkano po?"
"13"
Ayy 13 pala yun. Isang candy 🍭 nalang yung piso. Hahaha
"Okay po, isa po ng Coca~Cola mismo, tsaka po isang candy kahit anong candy po"
"Ayan na be. Salamat be"

Yas! Sumi-secret diary na ang lola mo HAHAHAHA Siguro duon ko nalang isusulat yung mga gusto kong sabihin sakanya na hindi ko masabi nang harap-harapan. Kaya tatawagin ko yung notebook na yun na Dear Crush Diary.

Nasa pinto palang ako nag salita agad si maderrr "Bili ka ng bili ng softdrinks ha. Ano yang colored paper? Project ba yan?"
"Opo ma, project to ma"
PALUSOT.COM hahahah
"Magkano natira sa baon mo ha?!"
"t-twenty p-po m-ma"
"Patingin nga ng wallet mo"
"I-ito p-po. W-wait l-l-lang"
Hala lagooot. Hahahaha nag sinungaling kasi ako shems
Binuksan ko na yung wallet ko at nanginginig yung kamay ko tas pinakita ko sakanya.

"Nasaan yung pera dyan ha!! Nagawa mo pang magsinungaling ha. Ok lang naman na wala ka nang natira pero nag sinungaling ka. Sa susunod wag mo nang uulitin yan"
Si mama naman hahaha sorry na ma di na mauulit
"O-opo m-ma s-sorry p-p-po"
Umakyat nako papuntang kwarto.

Ginawa ko na yung #project este DEAR CRUSH DIARY ko. At sa school na ko mag susulat. Wala naman akong kasama. Hayyys yung mga besprend ko kasii mga PLASTIK kaya siguro mas maganda wala nang kasama.

Pag tapos kong gawin yung Dear Crush Diary, nanood na ako ng KDRAMA <3 Uncontrollably Fond <3 May dinownload na ko sa flashdrive ko buong episode kaya kahit may wifi o wala, nakakanood ako.

Ewan ko ba kung bakit nakakaadik yung KDRAMA.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

10:30 pm

Ayy 10:30 na pala Episode 14 na ko. Kailangan ko nang matulog mmaaga pa bukas. P pray muna bago matulog "Dear God. Salamat po sa mga blessings na natanggap ko ngayong araw, salamat po talaga. Sorry po sa mga kasalanan ko. At sana po maging close pa kami ni Alexander. Hehe. Amen"
Hayyyys. Tulog nakoo

Zzzz

.

Authors note:

Sorry may mga typo. Bukas po ako mag u update salamat!

-t

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon