Chapter 7 : Friendship Over?

48 6 2
                                    

[6:00]

RIIIIIINNNNGGG!!!

Hays! Ayoko na pumasok huhuhu. Pero kailangan eh. Pag tapos ko maligo at mag bihis ng uniform, hindi na ko kumain ng breakfast.

Lumabas agad ako ng bahay. Nag iipon na ko kaya di na ko binibigyan ni mama. Pag kailangan nalang ako binibigyan. Maaga ako umalis sa amin para di ako maabutan ni Alex. Lalayo muna ako sakanya para wala ng gulo sa buhay ko.

.

Nakasakay na ko sa jeep. Nag bayad na rin ako. Andami kong iniisip ngayon.

Hindi ko namalayan andito na ko sa school. Pag pasok ko sa school. Pinag t tinginan ako ng mga tao. Hayyyys! Kasi naman e. Nakakahiya.

.

May lalaking lumapit sakin tapos hinawakan yung balikat ko. "Hi miss." Sambit niya. Halaaa! Ayoko naa. Tapos nagulat ako bumitaw siya sakin bigla. Ayun pala andun si Alexander. "Hoy pre! Babae yan, nirerespeto ha!" Sigaw niya sa lalaki. Hays. Gulat na gulat sila Kathleen sa ginawa ni Alexander.

.

Nilapitan ako ni Alexander "okay kalang ba" sambit niya. Hindi ako sumagot. Lumayo nalang ako sakanya. "Uyy! Galit ka ba sa akin?" tanong nya ulit saakin. Hays "ano ba! Lumayo ka na sa akin! Dahil sayo gumugulo na yung buhay ko!" Sigaw ko. Nagulat din ako sa sinabi ko. Pati siya nagulat rin.

"Ah g-ganun b-ba. S-sorry ha." Sagot niya. Tapos lumayo nalang sa akin. Mukhang malungkot siya. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Pumunta ako sa CR. At dun ako umiyak. Huhuhu napaka hina ko! Napaka duwag ko!

Pumunta na ko sa classroom. Si Alexander mukhang malungkot pa din. Naapektuhan ata sa sinabi ko. Hays. Nakakainis! Bwiseeet.

Si Kathleen, nag paparinig sa akin "malandi malandi malandi" sabi niya. Syempre naririnig ko siya. Katabi ko eh. Hindi ko na pinatulan. Siguro titigil na rin sila kasi nilayuan ko na si Alex.
Nag sulat nalang ako sa diary ko habang nag iintay sa teacher

.

[Dear Crush,

Sorry talaga ha. Sila Kathleen kase e. Tsaka duwag rin kasi ako. Para rin to sayo. Baka sa sunod ikaw naman yung siraan nila. Sana maintindihan mo to

-Andree

]

.

Andito na yung teacher namin. Si Alex mukhang walang gana. Haaayyyyyy. Sorry talaga ha. Kasalanan toh nila Kathleen! Kung wala siya dito, hindi ito mang yayari!

.

Recess hanggang lunch, wala akong kasabay. Woooh. Loner ulit akoooo! Pumunta nalang ako sa clinic mag aacting nalang ako na masakit yung tyan ko. Pinauwi rin ako. Yez. Best actress.

.

Pag uwi ko sa bahay. Alam naman ni mama na pinauwi ako kasi tumawag yung clinic sa bahay namin. Kaya di na ko mag e explain. Konting acting lang.

"Andree! Okay ka lang ba? Ano ba kasi kinain mo ha" sabi ni mama.
"Ewan ko nga rin mama e. Aakyat muna ko mag papahinga muna ako ma" sagot ko. At umakyat na rin ako.

.

Iniisip ko parin yung nang yari kanina.

"Uyy galit ka ba saakin?"
"ano ba! Lumayo ka na sa akin! Dahil sayo gumugulo na yung buhay ko!"
"Ahh g-ganun b-ba. S-sorry ha"

.

Waaaaah! Arrrrrrgggghhhh! Nakakainis! Babawi ako sainyo Kathleen at Chrishane balang araw. Pag malakas na loob ko.

__________________________

Author's note:

Maikli ulit na part! Hahaha. Next update po sa friday or sa saturday. May pasok na kaseee.

Hey CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon