Chapter 1 (Part II)

940 15 2
                                    

A/N: This specific part of the story is dedicated to my ex at itago natin siya sa pangalang "MEDOTAKUCHI". Yes, this is for you!

_________________________________________________________________________

Mag-aalas dose na ngunit hindi parin ako nakakatulog. Kanina pa ako nakatingin sa bintana ng aking kwarto. Kitang kita ang buwan at ang mga bituin.

Naalala ko nung kami pa ni Josh. Habang kausap ko siya sa telepono, lagi niyang sinasabi sakin na tignan ko daw yung buwan dahil siya din nakatingin. Sabay daw naming tignan na parang magkasama lang kami. Magdamag kaming nagkwekwentuhan. Kahit yung pinakawalang kwentang topic pinag-uusapan namin pero hindi kami nababagot. Hanggang sa makatulog kaming dalawa hindi namin pinapatay ang telepono.

Hindi ko inakalang magkakaganito lahat. Ilang buwan bago kami magbreak, napansin kong iniiwasan niya ako. Madalang siyang magtext at tumawag. Sa classroom kapag nilalapitan ko siya, lagi niyang idinadahilan na may gagawin siya. Pinilit ko siyang intindihin kahit mahirap para sakin.

Hanggang sa isang gabi nagpasiya akong pumunta sa kanila. Nakita ko siya sa labas ng bahay nila. Nakaupo siya sa may garden mag-isa at malalim ang iniisip. Ilang minuto pa'y yumuko na siya at tinakpan niya ang kanyang mukha sa palad niya.

Hindi ko alam kung anong problema niya at bilang girlfriend niya gusto kong malaman iyon. Gusto kong damayan siya kung ano mang pinagdaraanan niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

Tumingin siya sakin at kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Josh, alam kong may problema ka. Sabihin mo naman sakin para matulungan kita." wika ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mata.

Inilayo niya ang tingin sa akin at inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. 

Hinaplos niya ang kanyang noo at sinabing, "Gusto ko nang makipagbreak Andrea. Gusto ko nang itigil to."

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Tumayo ako habang nakaharap sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya at nanatili siyang nakayuko.

Tinaasan ko na siya ng boses.

"Josh bakit?  sabihin mo bakit? Ano bang problema? Sabihin mo naman para 'di ako magmukhang tanga. Please Josh tell what's going on. Have I done something wrong?"

Maya maya pa'y umiiyak na ako sa harapan niya. Tumayo siya at hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin siya sa mga mata ko, naluluha na din ang kanyang mga mata.

"There's nothing wrong with you Andrea," sabi niya sa mahinang boses, "ako ang may problema. May mga bagay talaga na mahirap iexplain. Hindi mo ako maiintindihan. And I would rather have it this way. Hindi ako ang lalaki para sa'yo."

Gulong gulo ang isip ko. Hindi ko maiintindihan kung anong ibig sabihin nang lahat ng sinasabi niya.

"Have it this way? Kahit magmukha na akong tanga? Ba't di mo ipaintindi sakin lahat? Handa naman akong makinig."

Hirap na ako sa pagsasalita dahil sa pag-iyak ngunit itinuloy ko parin.

"And don't you dare tell me that you're not the right guy for me because you're the best thing that ever happened to me Josh." humahagulgol na ako sa harapan niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Pagkatapos ay bumulong siya sakin.

"You'll soon understand Andrea. When the right time comes. Pero sa ngayon, ito muna ang dapat nating gawin. It's for the best."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko na alam ang sasabihin. Kahit ano pang gawin ko, buo na talaga ang isip ni Josh. Tanging tunog nalang ng pag-ikbi ang naririnig ko mula sa sarili ko.

Hinalikan ako ni Josh sa noo at sinabing, "I love you goodbye Andrea."

Tumalikod siya at naglakad papasok ng gate. Tinawag ko ang pangalan niya ngunit tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Mula nang gabing 'yon, parang nawala ako sa sarili ko. Isang linggo akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako pumasok sa school. Hindi ako makakain kaya't nanghina ako at nagkasakit. Ilang linggo din akong naconfine sa hospital ngunit tanging ang mga kaibigan ko lang na sina Coleen at Nica ang dumalaw sakin. Wala si Josh

Nang gumaling ako at pumasok na ng school, madalas ay hindi ako nakikinig. Nakatingin lang ako lagi kay Josh na nakaupo sa harapan habang ako naman ay nasa dulong likod. Buti nalang dun ang pwesto ko dahil hindi ako nakikita ng propesor ko. Ilang quizzes din ang nabagsak ko. 

Dahil dito, pinagsabihan ako ni Mama at Papa. Doon ko napagtanto na unti-unti na akong nawawala sa tamang landas. Pinilit kong buuin muli ang sarili ko.

Dalawang buwan ang nakalipas mula nang magbreak kami ay unti-unti akong bumalik sa dati kong sigla. Pero hindi pa ako totally nakakamove on. Hanggang ngayon laman parin siya ng panaginip ko at siya parin ang nasa isip ko bago ako matulog. Lalo na't ngayon na alam kong may iba nang laman ang puso niya. 

Napakasakit lang isipin na ganun lang pala ako kadaling ipagpalit. Siya may iba na samantalang ako hindi parin nakakaalis sa kinalalagyan ko. Ang masakit pa dito ay yung pinipilit kong maging masaya sa harap ng ibang tao ngunit ang hindi nila alam ay ang tanging paraan ko na lamang upang makatulog sa gabi ay ang pag-iyak dahil sa sakit ng pag-iwan niya sakin.

OUR SACRIFICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon