Finale

996 21 9
  • Dedicated kay Xtiine Mhae
                                    

A/N: At dahil finale na, dinededicate ko ito sa bes ko. I love you bes tin:)

I would like also to congratulate those readers who reached this part of the story because this is already the last chapter. Many things will be revealed. Thanks for reading! Hope you guys had a great time. Til next story!!

_____________________________________________________________________________

"Sabi ni Coleen ibigay ko daw sayo yan. Sulat niya sayo," sabay iniabot ko kay Josh ang sulat. 

Binuksan niya ito at binuklat ang maliit na berdeng papel. Hindi ko alam kung anong nakasulat pero gusto ko iyong makita. Matapos niya basahin ay yumuko siya. Nabitawan niya ang papel at nahulog ito sa sahig. Tumalikod siya at tumingin sa malayo. Lumapit ako at pinulot ang papel na may sulat ni Coleen. Binasa ko ito.

TELL HER THE TRUTH JOSH

"Anong ibig sabihin nito Josh? Anong kailangan kong malaman?" puno ng katanungan ang isipan ko.

Anong lihim ba ito na matagal nang itinatago ni Josh at Coleen sakin? Tumingin ako kay Josh, namumutla siya.

"Siguro nga ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan." sagot ni Josh na matamlay parin ang boses.

"Ano nga? Sabihin mo sakin!" bulalas ko kay Josh.

"Bago tayo nagbreak, nalaman ko na may sakit si Coleen. Stage 4 na ang kanyang brain tumor at sandali nalang ang ilalagi niya sa mundong ibabaw." tumigil sandali si Josh.

Nabigla ako sa sinabi niya. Nanlumo ako pero hinayaan ko siyang magkwento kahit pa tumutulo na ang luha ko.

"Si Daddy ang private doctor niya kaya nalaman ko agad. Sabi ni Daddy sakin nakiusap daw sakanya si Coleen kung pwede daw bang dalawin ko siya." napalunok si Josh.

"Dinalaw ko siya sa bahay nila at nakita ko ang sitwasyon niya. Naalala ko ang Mommy ko na namatay din dahil sa brain tumor. Ganung ganun ang hitsura niya. Nung lumapit ako sakanya, parang bigla siyang nabuhayan. Nakita ko sa mga mata niya ang tuwa nung nakita niya ako kahit pa man hindi siya makapagsalita."

"Coleen, kumusta na ang pakiramdam mo? Sabi ni Daddy gusto mo daw akong makita." hinawakan ni Coleen ang kamay ko. Lumuluha siya.

"Josh, may gusto ako sayo simula pa nung high school." halos pabulong nalang ang pagsasalita ni Coleen noon.

"Pero nung nalaman ko na kayo na ni Andrea, nawalan na ako ng pag-isa. Inilihim ko yung nararamdaman ko dahil mahal niyo ang isa't isa." malungkot niyang sinabi sakin.

"Pero Josh, may favor sana ako sayo. Alam ko mahirap pero sana mapagbigyan mo ako. Para man lang sa mga huling araw ko dito sa mundong ito ay maging masaya ako.

"Tinanong ko noon si Coleen kung ano yung favor niya."

"Josh dalawang buwan nalang at magmamigrate na kami sa Australia. Baka dun na din ako mamamatay. Sana sa natitirang araw ko dito, maging boyfriend kita.

"Hindi mo naman siguro ako masisisi Rhea kung pinagbigyan ko ang hiling ng kaibigan mo. Gusto ko lang na maging masaya siya bago man lang niya tayo iwan. Isinakripisyo ko ang relasyon natin para sa kaibigan mo dahil alam kong gugustuhin mo ding masaya siya sa sandaling panahong ilalagi niya sa mundong ito. Ginawa ko yun dahil naalala ko ang Mommy ko. Hindi ko man lang napagbigyan ang hiling noon ni Mommy bago siya pumanaw at ayokong mangyari yun sa kaibigan mo. Aykong maging miserable ang konting panahong natitira para kay Coleen."

Lumuluha na din si Josh. Napaupo na lamang ako sa sahig ng rooftop. Lumapit siya sakin at niyakap niya ako.

"Pero Andrea, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Araw araw nandito ako sa rooftop at inaalala ko yung mga araw na tayo pa. Nung araw na nakipagbreak ako sayo gusto kong magwala dahil sinaktan kita at sinira ko ang buhay mo. Nung araw na nalaman mo ang tungkol samin ni Coleen, gusto kitang yakapin at gusto kong sabihin sayo na kulang yung isang sampal na ginawa mo sakin dahil sa sakit na idinulot ko sayo. Nung nakasama kita dito sa rooftop, gusto kong ipagsigawan kung gaano kita kamahal pero di ko magawa. Sorry Andrea."

Patuloy kaming nag-iyakan ni Josh. 

"Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdadaanan ni Coleen. Hindi ko din alam na ganun kalaki ang isinakripisyo mo para sa kaibigan ko. Kung alam ko lang Josh, sana hinayaan ko nalang kayo ng kaibigan ko. Sana hinayaan ko nalang siyang maging masaya sa piling mo. Napakamakasarili ko Josh. Yung sarili ko lang ang iniisip ko."

Hinawakan ni Josh ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo Andrea. Sigurado akong mahirap din ang pinagdaanan mo. Lahat tayo nagsakripisyo. Pero tapos na. Tapos na ang lahat ng pagpapanggap Rhea. Panahon na para ayusin natin ang nasira nating relasyon." bahagyang natigil si Josh sa pag-iyak.

"Josh mahal mo parin ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Rhea. Ginawa ko lahat ng to para sayo. At dito napatunayan ko kung gaano kita kamahal at kung gaano mo ako kamahal. Ayoko nang mawala ka pa sa piling ko. " sagot niya habang hinahagod ang buhok ko.

"Mahal na mahal din kita Josh. Mahal na mahal." sagot ko naman sa kanya. 

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ang aking mga labi.

"Wag mo na akong iiwan muli Josh." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi kita kailan man iniwan Rhea. Pansamantala akong nawala noon pero hindi kita iniwan." tugon ni Josh.

Tumayo kaming dalawa at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Nakaakbay siya sakin samantalang nakahawak naman ako sa beywang niya.

"Akala ko hindi na ulit mangyayari ito Josh. Akala ko hindi na kita makakasama pang muli dito." sambit ko sa kanya.

"Para tayo sa isa't isa Rhea. Tandaan mo yan."

Ngayon alam ko na. Lahat ay pagpapanggap lang. At lahat ay mga pagsubok lang. Mahirap masaktan. Masakit ang mabigo. Pero nasa sa atin kung magpapatalo ba tayo o matututong lumaban. Isa lamang ang natitiyak ko, na sa bawat paglubog ng araw, ay aasahan mong sisikat pang muli ito.

Gaya ng pagmamahalan namin ni Josh na bagaman naging mapait sa simula, sa huli naman ay naging masaya. 

Nang nabalot na ng dilim ang paligid. Tumunog ang cellphone ni Josh.

"Sandali lang, may text ako."

Binasa niya ang cellphone niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Niyakap niya ako at saka niya ibinulong

"RIP Coleen"

OUR SACRIFICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon