Chapter 6

695 11 0
                                        

A/N: Dedicated to the first person who inboxed me. Thanks ate Shan :)

At malapit na matapos. Super ko atang nahabaan! Okay lang yan basta keep reading.

___________________________________________________________________________

"Sabi ni Coleen 3:00 nandito na siya. 4pm na wala parin siya. Ubos ko na tong frappe ko." pagrereklamo ko kay Nica habang kumakain siya ng cake.

"Nagtext siya sakin. Malapit na daw siya. Natraffic lang kasi siya. Chill ka lang dyan. Umorder ka nalang ulit ng isa pang frappe" tugon naman ni Nica.

Napag-usapan kasi naming tatlo na magstarbucks. Actually idea talaga ito ni Coleen. Gusto daw niyang makasama kami at may mahalaga din kasi siyang sasabihin samin. Pero hindi namin alam kung tungkol saan yon.

Ilang minuto pa ng paghihintay ay may isang babaeng lumapit samin. Maiksi ang buhok, nakashades at nakangiti. Tumabi siya sa amin.

"Kanina pa ba kayo dyan?" tanong niya sa aming dalawa. 

Nagtinginan lang kami ni Nica dahil hindi naman namin makilala kung sino ang babaeng yon.

Pagkatapos ay tinanggal niya ang salamin niya sabay sabing, "Hello it's me!"

"Coleen?" gulat na nasambit naming dalawa ni Nica.

Hindi namin siya namukhaan, iba pala ang hitsura niya kapag maiksi ang buhok niya. Parang kahapon lang hanggang beywang ang buhok niya tapos ngayon hanggang sa leeg nalang. Gayunpaman, maganda parin siya.

"Anong nangyari? Bat ka nagpagupit? Akala ko ba mahal na mahal mo ang buhok mo?" nagtatakang tanong ni Nica.

"OA kayong dalawa ha! Syempre gusto ko naman ng new look." natatawang sabi ni Coleen.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan. Hindi ako sanay." dagdag ko naman. 

"Ano nga pala yung sasabihin mo samin ni Rhea?" pag-iiba ni Nica.

Naging seryoso ang mukha ni Coleen. Tumingin siya sa bag niya at may mga papel siyang kinuha. Iniabot niya sa amin yun at ipinabasa.

"Magma-migrate? Sa Australia?" napasigaw ako. 

Nakaayos na ang lahat ng papeles niya at bukas na din ang flight niya.

"Bakit naman biglaan?" malungkot na tanong ni Nica.

"Actually last month pa yan. Pero hindi ko na sinabi sa inyo. Ayoko kasing malungkot kayo." malungkot din na sagot ni Coleen.

Nalulungkot ako. Hindi pa kami masyadong nakabalik sa dati ni Coleen mula nang nag-away kami dahil kay Josh at malalaman ko nalang na aalis na siya papuntang Australia. Hindi din namin alam kung kailan siya babalik at kung makakabalik pa nga ba siya.

"Paano na si Josh? Alam na ba niya ang tungkol dito? tanong ko sa kanya.

"Nasabi ko na sa kanya ang tungkol dito. Naiintindihan naman niya yon." sagot niya pagkatapos ay bumuntong hininga. 

Natahimik kaming tatlo. Nadadama namin ang lungkot lalo na para kay Coleen sa kanyang pag-alis. Gayunpaman, pinilit nalang naming maging masaya at sulitin ang natitirang oras na magkakasama kaming tatlo.

"Pwede ka ba namin ihatid bukas sa airport?" tanong ni Nica.

Umiling si Coleen.

"Wag nalang." mahina niyang isinagot.

Siguro nga ayaw nalang ni Coleen na makita kami sa pag-alis niya upang hindi siya mahirapan. Naiintindihan namin iyon. Nakakapanghinayang nga lang sapagkat ito na pala ang huling pagkakataon na magkakasama kaming tatlo at hindi namin alam kung mauulit pa ba ito.

Matapos ang ilang oras, nagpaalam na kami sa isa't isa. Napakarami naming ibinilin kay Coleen. Nag-iyakan na kaming tatlo kahit na nagtitinginan ang ibang mga customer sa amin. Bago umalis, may inabot sa akin si Coleen.

"Pakibigay nalang to kay Josh. Sulat ko para sa kanya." 

Ano kayang nilalaman ng sulat na ito? Siguro goodbye letter niya ito kay Josh.

Nang makauwi na ako sa bahay, tinititigan ko parin ang sulat ni Coleen na nakalagay sa maliit na sobre. Ano kayang nakalagay dito? Gusto kong basahin pero hindi naman ito para sakin. Tatanungin ko nalang siguro bukas si Josh tungkol dito. Bago ako matulog ay tinext ko siya.

Kita tayo bukas sa dating tambayan. 3pm.

Pagkatapos ay nagreply siya.

See you.

OUR SACRIFICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon