A/N: This is supposed to be a part of Chapter 3 but I decided to separate it because it is especially dedicated to my Mom. I love you MOMMY!
_____________________________________________________________________________
Patuloy parin ang pagmumukmok ko sa kwarto. Pauli-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga nangyari. Narinig kong may pumasok sa kwarto ko kaya tumigil ako sa sa pag-iyak ngunit nakatakip parin ng unan ang mukha ko.
"Anak, Coleen called me and told me about what had happened awhile ago. Maybe you want to talk about it." malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos niya ang likod ko.
"Darling I'm here, you can tell everything to me. Sige na anak para mailabas mo ang sama ng loob."
Bumangon ako at humarap kay Mama. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Ma, you think mali yung ginawa ko? I was just being honest with how I really feel." mas kalmado na ang tinig ko.
"You know what Andrea, hindi mawawala sa love ang masaktan. Kakabit na ng pagmamahal ang sakit kaya't kelangan pag pumasok sa ganyang sitwasyon, panindigan mo. Lahat naman ng tao nakakaranas ng heartbreaks. Sa iba't ibang paraan nga lang. Normal lang masaktan, syempre nagmamahal ka eh. And what happened, okay lang yun pero that's enough. You don't have to go back to it over and over again kasi paulit-ulit mo lang sinasaktan ang sarili mo." banayad parin ang tinig ni Mama.
Pilit kong iniintindi lahat ng sinasabi ni Mama.
"Pero Ma, I still love Josh, you know that."
"Do you really love him or you just think you love him? May mga tao kasing ganyan anak, feeling nila mahal nila ang isang tao dahil yun ang nasa isip nila. It's only a state of mind Andrea. Maaaring ngayon pakiramdam mo mahal mo ang isang tao dahil yun ang gusto mong paniwalaan. You just need time. Kung kayo talaga, gagawa ng paraan si God para magkatuluyan kayo. You only have to wait. Things might not work out the way you want them to but eventually in the end things will fall into their proper places at the right time according to God's will. God never fails."
Kahit kelan talaga, words parin ni Mama ang best medicine.
"How about Coleen Ma?" huling tanong ko kay Mama.
"Well, matagal din ang pinagsamahan niyo ni Coleen anak. Hindi mo naman siguro hahayaang masira ang friendship niyo dahil lang sa isang guy diba? At alam ko na naiintindihan ka non. Tumawag nga siya para kumustahin ka. It only means na worried siya sayo. I think it would be best kung magbati na kayo. Ang dapat mo lang gawin anak is to accept the reality without being sorry for yourself."
Niyakap ko si Mama.
"Thanks Ma, I love you."
Niyakap din niya ako ng mahigpit.
"I love you most darling. Be strong."

BINABASA MO ANG
OUR SACRIFICE
Novela JuvenilIto'y isang kwento tungkol sa pag-ibig at pagpaparaya. Si Josh ang unang boyfriend ni Andrea. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakipagbreak si Josh sa kanya. Labis na dinamdam ito ni Andrea lalo pa nang malaman niya na may mahal na itong i...