A/N: This is dedicated to Ate Xang. Hope you can read my first story :)) Thanks for inspiring me!
_________________________________________________________________________
"Tama na Rhea! Itigil na natin to, wag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin."
"Pero mahal kita Josh, mahal na mahal. Hindi ko hahayaang maging ganito lang ang kahihinatnan ng relasyon natin. Ipaglalaban ko to Josh. Sana ikaw din ipaglaban mo ang relasyon natin."
"Bumibitiw na ako Rhea. Hindi ako ang lalaki para sa'yo."
"Wag Josh, please."
"Paalam Rhea!"
"Jooooossshhhhhh!"
"Anak, tanghali na bumangon kana diyan, may pasok kapa diba?" boses iyon ni Mama habang binubuksan ang bintana. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata na nasisilaw sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto.
"Opo Ma, babangon na." sagot ko naman habang inuunat ang mahahaba kong braso.
Palaisipan parin sakin hanggang ngayon ang panaginip ko kagabi. Ilang gabi ko na siyang napapanaginipan. Siguro nga masyado ko siyang iniisip. Dalawang buwan na din ang nakakalipas nang magbreak kami ni Josh. Isang pangyayari sa buhay ko na ayaw ko nang balikan. Masyadong masakit ang alaalang iyon. Hanggang ngayon nakamarka parin sa isipan ko ang mga salitang sinambit niya habang nagpapaalam.
"Anak, bat kapa nakatulala dyan? Kumain kana, naluto na ni yaya ang breakfast niyo. Sabay na kayo ng kuya mo." pagmamadali ni Mama habang inaayos niya ang kanyang mga gamit papuntang opisina.
Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, bumangon na din ako mula sa kama. Ito nga ang pinakamahirap na gawin sa paggising, ang bumangon mula sa masarap na pagkakahiga sa malambot na kama.
Nilapitan ako ni Mama, "Papasok na ako anak. Ingat ka ha." sabay halik sa aking noo at dali dali nang lumabas mula sa aking kwarto.
Malapit ang loob ko kay Mama, siya ang bestfriend ko. Kapag may problema ako siya ang una kong sinasabihan. Siya ang aking karamay sa bawat kalungkutan. Siya ang tagasuporta ko sa bawat pagsubok na kinakaharap ko. Siya ang tagapayo ko sa mga panahong di ko alam ang gagawin. Kaya naman karamihan sa mga sikreto ko, siya ang nakakaalam. Ako si Andrea pero madalas akong tawaging Rhea ng mga kaibigan ko. Isang simpleng babae mula sa may-kayang pamilya. Laki sa layaw, gayunpaman dala-dala ko parin ang disiplinang itinuro sa akin ng aking mga magulang. Si Papa ay kapitan ng barko, minsan sa isang taon lamang siya nakakauwi sa bansa kaya naman sa tuwing uuwi siya, sinusulit ko ang bawat pagkakataon. Si Mama naman ay manager ng isang tanyag na kumpanya. Dalawa lang kaming magkapatid, may kuya akong hindi ko madalas makasundo dahil sa ugali niya, masyadong makulit at mapang-asar. Isang taon lamang ang agwat naming dalawa. 18 years old na ako, apat na buwan na ang nakakalipas nang mag-debut ako. Si Josh pa nga ang 18th dance ko. Si Josh ang ex ko na hanggang ngayon mahal ko parin. Siya ang first boyfriend ko, halos dalawang taon din ang relasyon namin. Kaklase ko siya, may hitsura, habulin ng mga babae pero walang barkada kaya madalas napagkakamalang bading.
"Panget, halika na! Kumain kana bago ko pa maubos 'tong ulam," pag-aaya ni kuya habang kumakain. Panget ang tawagan naming dalawa, madalas kasi kaming mag-asaran.
Umupo ako sa harapan ni kuya at kumuha ng pagkain na nakahain sa mesa.
"Ang takaw mo panget! Nag-aya kapa kumain eh halos inubos mo na lahat ng ulam!".
Natawa si kuya kahit na puno ng pagkain ang bibig niya. Alam ko inaasar na naman niya ako.
"Panget hindi pala kita maihahatid sa school mo ngayon. Aalis kami ng gf ko, gagamitin ko yung sasakyan. Mag taxi ka nalang ha!".
Si kuya madalas ang naghahatid sa akin papuntang school.
"Sino naman sa mga gf mo? Asus magpapa-impress ka na naman niyan!" sagot ko naman sa kanya.
Babaero si kuya, halos bawat linggo paiba-iba ng girlfriend. Ganun din kaya si Josh kaya siya nakipagbreak sakin? Dahil madami kaming pinag-sabay sabay niya at kailangan na niyang magbawas kaya siya nakipaghiwalay. Hindi naman siguro. Alam ko wala sa katangian ni Josh ang manloko, siguro nga hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Mahirap mag-move on lalo na't araw-araw ko siyang nakikita sa classroom.
***********************************************************************************************************
"Hoy Andrea, kanina pa kami nagsasalita ni Nica dito at obviously, hindi ka nakikinig." tawag ni Coleen sa akin habang gumagawa siya ng doodle.
Tama nga si Coleen, kanina pa ako hindi nakikinig sa kanila. Iniisip ko parin si Josh. Ganito ako madalas kapag may iniisip, tahimik at walang pakialam sa mundo. Walang pumapasok sa utak ko. Si Coleen at Nica ang mga kaibigan ko, simula high school magkakasama na kami. Madalas kami tumambay sa may waiting shed malapit sa building namin. Napapalibutan ng mga halaman at puno.
Si Coleen ay anak mayaman, morena na may katamtamang tangkad at ang pinakamadaldal sa aming tatlo. Mahaba ang buhok niya, ni minsan hindi ko pa siya nakitang maiksi ang buhok. Magaling siyang magdrawing. Halos lahat ng notebooks niya may mga sketch ng anime o kaya naman doodle. Si Nica naman na mula din sa mayamang pamilya, chinita at nakasalamin ay isang Gazette writer.
"Pasensiya na, madami lang akong iniisip. Ano na nga ba yung pinag-uusapan natin?" tanong ko na halatang wala talaga ang aking atensyon sa kanila.
"Never mind! Alam mo kanina ka pa ganyan, nung tinawag ka ni Sir Cruz para magrecite kanina wala kang maisagot. Dahil na naman ba 'to kay Josh?" sabat ni Nica na may tonong iritable.
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Habang silang dalawa ay nakatitig sa akin, hindi parin ako makapagsalita.
Sumagot ako ng mahina, "Oo, napanaginipan ko na naman kasi siya," parang bulong lang ang tinig ko. Nahihiya kasi akong tanggapin ang katotohanan. Matagal na nila akong pinapayuhang mag move on subalit hanggang ngayon hindi ko parin magawa.
Nagtinginan nalang si Coleen at Nica sabay umiling. Ayaw na nilang sermonan pa ako ulit sapagkat kahit papaano, alam nilang mahirap din para sa aking tanggapin ang lahat. Sandali kaming nabalot ng katahimikan nang magsalita muli si Nica na iba na ang tono.
"Speaking of Josh, may nakalap akong balita at kailangan mong malaman 'to Rhea!" sabi ni Nica na parang may malaking pasabog na ilalantad.
"Ano yun?" agad agad na tanong ni Coleen na parang mas sabik pang malaman kesa sa'kin.
Huminga muna ng malalim si Nica at sinimulan ang pagsasalita, "May nakapagsabi kasi sakin na may nililigawan na daw si Josh na kaklase natin. Hindi ko lang sure kung ligaw lang ba o sila na."
Nagulat ako sa sinabi ni Nica. Parang sumikip yung dibdib ko. Dalawang buwan palang kaming break pero may nililigawan na agad siya? Hindi ba parang unfair yun? Hanggang ngayon hindi parin ako nakakamove on pero bakit siya? Bakit? Gusto kong umiyak dahil sa sakit. Pero ayokong makita ako ng mga kaibigan kong nasasaktan. Kaya pinili ko nalang na hindi umimik. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko.
"Sino kaya yung babaeng yun? Kilala mo ba Coleen?" tanong ni Nica habang nakaharap kay Coleen.
Kakaiba ang reaksyon ni Coleen, parang biglang natuliro. "H-hindi ko alam yan. Nga-ngayon ko lang narinig yang balitang yan," sagot niya na halatang nanginginig ang boses.
Tumingin si Nica sa akin ngunit iniiwas ko ang aking mga mata. Ayokong makita niya ang aking mga mata na halatang malapit nang lumuha.
"Rhea, sorry. Dapat hindi ko nalang sinabi sa'yo." pagsisising sabi ni Nica habang unti-unting iniyuyuko ang kanyang ulo.
Pinilit kong kalamahin ang sarili ko. Ngumiti ako, isang pekeng ngiti at tinapik ang kanyang balikat.
"Okay lang ako Nica, hindi ka dapat magsorry. May karapatan din akong malaman ang tungkol dun." sabi ko sa kanya upang hindi na niya sisihin pa ang kanyang sarili.
Maya-maya pa'y niyakap na din kami ni Coleen sabay sabing, "Ang drama niyo naman! Tama na yan!".
BINABASA MO ANG
OUR SACRIFICE
Teen FictionIto'y isang kwento tungkol sa pag-ibig at pagpaparaya. Si Josh ang unang boyfriend ni Andrea. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakipagbreak si Josh sa kanya. Labis na dinamdam ito ni Andrea lalo pa nang malaman niya na may mahal na itong i...