Chapter 2

790 14 3
                                    

A/N: I'm dedicating this to my first fan :) mebzie24 . Thank you!

____________________________________________________________________________

"Okay class, you need to choose your partners. This research paper is gonna be tough." anunsyo sa klase ni Mr. Cruz, ang propesor namin sa literature. Isang research paper ang gagawin namin tungkol kay William Faulkner.

"Andrea, partner tayo ha?" excited na sabi sakin ni Nica habang niyuyugyog niya ang braso ko.

"Sige! Pero paano si Coleen?" at tinignan ko si Coleen, "Sino ang partner mo?" pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagdu-doodle at tumingin sa akin.

"Ano kaba, wag mo akong alalahanin Rhea, madami pa naman sigurong walang kapartner dyan. Magtatanong nalang ako mamaya." nakangiti niyang isinagot sa akin at saka itinuloy ang kanyang pagdu-doodle.

"Ganito nalang!" singit ni Nica sa usapan, "Kung sino man ang kapartner mo, sabay-sabay nalang tayong pumunta sa library mamaya."

"Nice idea Nica." sagot ko sabay appear sa kanya.

"Ah, hindi na. Baka sa internet nalang ako magreresearch. Baka kasi pareho pa ang mailagay natin sa research paper." pagtanggi ni Coleen.

Sa mga nakaraang araw, parang iba ang ikinikilos ni Coleen. Madalas siyang umuuwi ng maaga, hindi gaya ng dati na tumatambay muna kami sa waiting shed bago umuwi para magkwentuhan. Madalas din siyang tahimik, hindi tulad ng dati na ubod ng pagkadaldal. Hindi na din siya sumsabay sa amin kapag lunch break. May mga araw din na lumiliban siya sa klase at hindi niya sinasabi sa amin ang dahilan.

Habang naglalakad kami ni Nica papuntang library, laman parin ng usapan namin si Coleen dahil sa mga kakaibang ikinikilos niya.

"Sa tingin mo ba may problema siya satin kaya niya tayo iniiwasan?" tanong sakin ni Nica.

Napaisip ako sa tanong niya. Iniiwasan nga kaya kami ni Coleen? Sa anong dahilan naman kaya?

"Hindi ko alam Nica," sagot ko nalang sa kanya.

Habang naglalakad, isang lalaking nagmamadaling maglakad ang nakabunggo ko.

"Ano ba yan! Magdahan-dahan ka naman sa paglalakad!" bulyaw ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at napatigil ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nilapitan niya ako habang nakangiti.

"I'm really sorry Andrea. Late na kasi ako eh." paumanhin niya sakin na nanatiling nakangiti sa harapan ko.

Nang una'y di na ako makasagot. Narinig ko na naman ang malamig niyang boses. Nakita ko na namang muli sa malapitan ang ngiti niya at ang mapupungay niyang mata na kulay tsokolate.

"J-Josh... Late? Saan?" tanong ko sa kanya na halatang kinakabahan.

Si Nica naman ay nakatayo parin sa tabi ko at nagpipigil ng tawa.

"Ahm, research. I gotta go!" pagmamadali niyang sagot at tumakbo na siya papasok sa library.

Para akong yelong natutunaw. Pinagpawisan ako dun. Ilang minuto din akong hindi nakagalaw at ilang segundo ko ding pinigil ang hininga ko. Bumalik lang ako sa normal kong pag-iisip nang tapikin ako ni Nica sa pisngi.

"Hoy! Para kang istatwa dyan. Tara na!"

***********************************************************************************************************

"Nica tignan mo itong mga librong nahanap ko. William Faulkner's The Sound and the Fury, William Faulkner: The Making of a Modernist, William Faulkner: critical assessments at ito pa pala William Faulkner, his life and work. Ipapaphoto copy ba natin to o kokopyahin nalang natin yung parts. O kaya naman hiramin nalang natin lahat basta humingi tayo ng order slip sa librarian." tuloy tuloy kong pagsasalita pero hindi sumsagot si Nica.

Tumingin ako sa kanya pero hindi pala siya nakikinig. Malayo ang tingin niya Nilapitan ko siya para tignan kung ano yung kanina pa niya tinitignan na dahilan kung bakit hindi siya nakikinig sakin.

"Ano ba yung tinitignan mo at..." tanong ko sa kanya.

"Ka-kasi si Josh..." sagot niya sakin habang pinagpapawisan siya sa noo.

Tumingin ako sa dulong bahagi ng library kung saan nakaupo si Josh. Nakaakbay si Josh kay Coleen. Nakangiti si Coleen habang nagbabasa ng libro.

Nanginig ang tuhod ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin. Hindi ko namalayan nabitawan ko nalang yung mga librong hawak ko. Dahil sa ingay nito ay napatingin sakin ang mga estudyante kasama na sila Coleen at Josh. Tuloy tuloy na ang pagluha ko. Tumakbo ako palabas. Naiwan si Nica na siyang nagpulot ng mga librong nahulog ko.

Hindi ko kayang tignan si Josh habang kasama niya ang kaibigan ko. Si Coleen! Si Coleen ang babaeng naliligawan niya. Hindi. Baka girlfriend na niya.

Nakarating ako sa waiting shed. Tumigil ako dun at naupo habang humahagulgol. Ang bigat sa dibdib. Sa dinami-dami ng mga babae, bakit yung kaibigan ko pa? Si Coleen ba ang dahilan kaya ako iniwan ni Josh? Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit itong nararamdaman ko.

"Bakit si Coleen pa? Bakit yung kaibigan ko pa?" paulit ulit ko itong itinatanong sa sarili ko.

OUR SACRIFICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon