Cole's POV
Naka-uwi na si Basty nun. Medyo natawa lang ako kasi bumaba si Casey ng naka-pangtulog pa at sinabihan niya pa ng "pervert" si Basty. Di naman siya ganun eh.
Nakaramdam ako ng boredom, at sakto yung oras dahil malapit na maglunch, ako lang tao sa bahay ngayon, si Snipe umalis dahil may practice daw, si Grey naman nasa audition, si Casey di ko alam kung saan lupalop siya nagpunta.
Baka naman She's stalking Basty, hahahaha. Si mom at dad nasa work naman.
Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong magluto nalang ng tanghalian namin. Mahilig din kasi ako magluto eh kaya minsan ako ang cook sa bahay minsan naman si mom, naisipan kong lutuin ay kare-kare.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Pagkaluto ko ng lunch namin ay pumunta ako sa kwarto ko, plano ko sana matulog ng may nakita akong papel sa lamesa ko, na-curious naman ako kung ano yun, dahil lagi kong tinatapon yung mga kalat ko.
Pagkabuklat ko nung papel ay nabasa ko yung letter nung class rep nila Snipe. Damn it! Magkikita nga pala kami. Nagmadali akong maligo at magbihis, ng matapos ako ay dumiretso na ako sa themepark na pupuntahan namin.
_____________
Nakadating na ako sa themepark, pero di ko siya makita. Tumakbo ako para hanapin siya sa buong themepark pero di ko siya nakita.
Nanghinayang lang ako dahil di kami nagkita. Pumunta kaya siya?
Saktong nakita ko naman sina Basty tsaka pamilya niya, lalapitan ko na sana sila ng bigla akong nahilo at nag dilim ang paningin ko.
_____________
"bro." Narinig kong sabi ng pamilyar na boses.
"Nasa langit na ba ako? Lord ito na ba yun? Love you Lord!" Sabi ko pagkamulat ko.
"Tanga! Wala ka pa sa langit. Tsaka ano nga pala ginagawa mo sa themepark at bakit mag-isa ka lang?" Sabi ni Basty.
"May imi-meet kasi ako, hinanap ko siya pero di ko siya nakita, tapos nakita ko kayo... tapos nahilo ako, tsaka sorry nga pala bro dahil nasira ko ata family bonding niyo." Sabi ko
"Pauwi na naman kami nun, teka tumakbo ka lang? Tas nahimatay ka na?" Pagtataka niya.
"Ah kasi, mahina yung puso ko kaya dapat di ako mapapagod, eh sa sobrang excited ko nalimutan ko na may sakit nga pala ako." Page-explain ko sa kanya.
"May sakit ka?!" Halata yung gulat sa mukha niya. "Kailan pa?" Tanong niya.
"Simula baby pa ako." Sagot ko. Nasira yung paguusap namin ng dumating si doc.
"Kapatid ka ba niya sir?" Tanong ni doc.
"Ah hindi po, kaibigan niya po ako." Sagot ni Basty.
"Well then, kailangan malaman na to ng family mo, dahil unti-unti ng lumala yung sakit mo sa puso. Hindi ka pwedeng mapagod dahil pag nangyari yun, You need a heart transplant na." Bigla naman akong natakot sa sinabi ni doc. Pagkasabi ni doc nun ay umalis na din siya.
"Makakarating po sa pamilya niya yun doc." Sigaw ni Basty.
"Basty, favor lang." Sabi ko.
"Ano yun?" Pagtataka ni Basty.
"Wag mo sana sabihin to sa pamilya ko, kasi ayaw ko sila magalala eh. Pwede ba?" Pagsagot ko sa tanong niya.
"Bakit naman? karapatan nilang malaman yun Cole, para narin umayos na ang pakiramdam mo at---" hindi ko na siya pinatapos.
"Please, Basty" bumuntong hininga siya at tumango. "Oo na, basta mag iingat ka"
YOU ARE READING
Perfect Harmony
Teen FictionInteresado ka ba sa apat na love story sa isang aklat? Ang istoryang ito ay tungkol sa apat na magkakapatid. Nasa isang bandang tinatawag na "four decades". Si Sniper na nabubully... Si Cole na may malalang sakit.... Si Grey na kulang sa oras...