Cole's POV
Bumaba na ako para magluto ng breakfast. Pagkaluto ko ay ginising ko na sila at sabay sabay na kumain. Di pa din nauwi sila mom at dad. Baka matagalan pa sila dun at baka din ine-enjoy na nila yung business trip nila kaya okay na din yun para naman may kalayaan din kami sa mga pupuntahan namin madalas kasi kailangan pa namin magsabi bago payagan. Tumaas na ako para magshower at pumunta na sa school. Sabi kasi ni Briella na di ko na muna siya masusundo at mahahatid kasi yung kuya na niya daw ang gagawa nun.
________________
Pumunta na ako sa classroom at nagsimula na magklase yung prof namin. Natapos na kami magklase sa umaga kaya lunch break na namin ngayon. Pumunta muna ako sa classroom nina Briella pero half day lang daw schedule nila ngayon. Aish. Magisa lang tuloy ako kakain.
_______________
Briella's POV
Half day lang kami ngayon. Kaya pumunta muna ako grocery store para bumili ng makakain namin ni Kelly. Medyo makulimlim. Hays. Ano ba yan. Wala pa naman akong dalang payong. Kainis naman oh. Itetext ko sana si kuya kaso low batt na yung cellphone ko. At ayan na nga, umulan na. Aish... tagal naman ng taxi. Naisipan ko na tumakbo na para makapunta sa sakayan ng tricycle pero bakit parang nawala na ulan? Ahh may nangshare ng payong. Humarap naman ako para magpasalamat at nagulat sa nakita ko.
"Clyde?! Ikaw na ba yan Clyde? Omg. Ang gwapo mo ha." Si Clyde ay childhood bestfriend ko pero umalis sila para mang-ibang bansa madalas ko naman makita sa fb yung mukha niya kaya alam kong siya yun.
"Lette-Lette!! Haha. Miss na kita!" Naghug kaming dalawa. Aish. Lette-Lette talaga? Mukhang pang matanda yung pangalan eh. Ang badoy.
"Alam mo Clyde. Ang badoy ng Lette-Lette. It's Briella. Parehas kayo ni Kelly pero siya naman Scarlette ang tawag niya sakin." Lagi nalang sila ganyan. Hmp.
"Anyways, pupunta si Kelly sa bahay. Wanna meet her?" Pagyaya ko sa kanya at pumayag naman siya. Sumakay kami sa kotse niya at pumunta na sa bahay.
"Kuya!! I'm home. May kaibigan akong kasama!" Sabi ko.
"Si Cole ba yan?" Tanong niya. Bakit naman niya natanong kung si Cole? Hmmm. Speaking of Cole di pa kami nagkikita ngayong araw. Nakakalungkot. Which reminds me what happened last night.
Flaskback
"Nililigawan mo ba siya?" Tanong naman niya kay Cole at nakita ko naman na namula si Cole. Parehas naming iniintay ni kuya yung magiging sagot ni Cole.
"Kung pwede po ba." What?!!! Seriously? Kung pwede daw ba? Hihimatayin na ako sa sobrang kilig. Aish. Relax lang. Sagot naman ni kuya ang inaabangan ko.
"Kung payag si papa." Yun lang.
"So payag ka kuya?" Tanong ko.
"Kung payag si papa." Aish. Payag nga siya.
"Salamat po ng marami." Ang saya saya ni Cole. Ako din. Pero kailangan niya muna dumaan sa kamay ni papa. Huhu.
"By the way, ang sarap ng luto niya. I like it. Sana pagluto mo din ako ni Gab." Sabi ni ate Aubrey.
"Edi magpapaturo ako kay Cole. Kung sakaling pumayag si papa na manligaw siya. Then ipagluluto na kita." Sabi ni kuya. Ang cute naman nila. Natapos na kaming kumain at dessert naman daw kainin namin.
"May dala si Cole na Ice cream. Kuya." Sabi ko nung tatayo na siya para bumili ng ice cream. Kinuha ko na yung ice cream at nagulat. Whaaaatttt?! Strawberry na cookies n cream. Omooo!!! Naglagay na ako sa mga baso ng ice cream at nilagay na sa lamesa yung mga baso at yung mismong ice cream din.
YOU ARE READING
Perfect Harmony
Teen FictionInteresado ka ba sa apat na love story sa isang aklat? Ang istoryang ito ay tungkol sa apat na magkakapatid. Nasa isang bandang tinatawag na "four decades". Si Sniper na nabubully... Si Cole na may malalang sakit.... Si Grey na kulang sa oras...