Cole's POV
Papunta ako ngayon kila Briella, wala naman kasi kami pasok ngayon eh. Gusto ko lang siya makita at makasama.
*Ding* *Dong*
Lumabas na yung katulong nila at pinapasok na ako, kilala na naman niya ako eh.
"Upo ka po muna sir" sabi nung katulong at nginitian ko nalang.
"Ano po gusto niyo inomin? Tubig? Juice? Coffee?" Pag-aalok nung katulong.
"Nothing. But thanks" sabi ko ng may ngiti.
"Tawagin ko lang po si ma'am" sabi nung katulong. Hahaha ang weird lang na ma'am ang tawag sa kanya.
Ilang saglit lang ay bumaba na si Briella.
"Ano ginagawa mo dito?" Taka niyang tanong.
"Ahm wala lang. Gusto lang kita makita, bawal ba?" Sagot ko.
"Hindi naman pero-" pinutol ko yung sasabihin niya ng magsalita uli ako "Ayaw mo ata ako makita eh. Alis nalang ako" kunwari lang malungkot ako para sumama siya.
"Hindi...." may binulong siya pero di ko naintindihan. Tumaas na uli siya para magpalit ng matapos siya umalis na kami.
____________
Pinagbuksan ko uli siya ng kotse at nagthank you naman siya. Pinaandar ko na yung kotse at umalis na kami. Sinira ko yung katahimikan ng tinanong ko siya.
"Briella. Saan mo nga pala gusto kumain?" Tanong ko.
"Hmm. Okay lang kahit saan basta masarap." Ngumiti siya. Aish, ang cute niya.
"Turo-turo? Nakain ka ba sa mga ganun?" Ine-expect ko na di pa siya nakain sa turo-turo pero mali ako.
_______________
"Ang sarap!!" Sabi niya at kumuha pa ng isaw at dugo.
"Oy, hinay hinay ka lang." Sabi ko at bigla siya napa-ubo. "Sabi ko sayo eh hinay hinay ka lang" inabot ko sa kanya yung palamig at ininom niya ng dali dali.
"Di ko akalain na ang takaw mo pala" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hindi naman. Hahaha. Ngayon lang kasi uli ako nakakain nito, di kasi ako pinapayagan nina mama at papa na kumain ng ganto." Pagdepensa niya sa sarili niya. Okay lang naman sakin ang matakaw na babae, I find it cute though.
"Sino naman nagturo sayo kumain ng ganyan?" Tanong ko.
"Yung best friend ko, si Kels- I mean Kelly." Sabi niya.
"Oo nga pala. Pwede ka ba sumama sa Batangas? May comeback kami eh" pagyaya ko sa kanya.
"Omoo. You mean magbabalik na Four Decades?!! Syempre sasama ako." Wala pagalinlangan siyang sumama.
"How did you know na Four Decades ang name ng band namin?" Nagtaka naman ako. So she is a fan of Four Decades.
"I'm a big fan of your band! I really love you-- and your siblings." Sabi niya. Naramdaman ko naman na namula ako.
"Ahh. It's already getting late. Hehe" sabi niya.
"Tara uwi na tayo." Inalalayan ko siyang tumayo at pinagbuksan uli ng pinto sa kotse.
_____________
Briella's POV
Hinatid na niya ako sa amin. Ang saya lang kasi umalis uli kami ng magkasama pero nakakahiya lang kasi ang dami ko nakain na isaw at dugo. Huhu. Tinawagan ko naman si Kelly.
YOU ARE READING
Perfect Harmony
Novela JuvenilInteresado ka ba sa apat na love story sa isang aklat? Ang istoryang ito ay tungkol sa apat na magkakapatid. Nasa isang bandang tinatawag na "four decades". Si Sniper na nabubully... Si Cole na may malalang sakit.... Si Grey na kulang sa oras...