Chapter 16 - Supportive

15 0 0
                                    

Cole's POV

Lunch time pa din namin ngayon. Pero di pa din namin nakikita si Basty.
Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko para maglakad lakad at hanapin si Basty.

Napadaan ako sa may lugar kung saan aninag yung parking lot. May nakita akong babae at lalaki na parehas ng suot, siguro magjewa yun sila. Di ko sila mamukhaan gawa ng tirik na tirik yung araw kaya medyo against the light sila kaya di ko nalang sila pinansin.

Bumalik na ako sa mga kasama ko kanina ng makabalik ako sa kanila ay nakita ko si Basty. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"Basty, saan ka galing?" Tanong ko.

"Ah wala naman, may inasikaso lang akong importante." sagot niya. Teka, nakaputi si Basty, tas yung lalaki na nakita ko kanina ay si Basty? Sino kaya yung babae? Di ko namalayan na natulala na ako.


"Hoy! Ano iniisip mo?" Sabi ni Basty.

"Ha? Ah wala." Sagot ko. Natapos na yung lunch namin at pumunta na sa next class namin.

_____________

"To get a beautiful result from your blueprint you need to have the correct measurements and right equation." Hays ang boring ng lesson ni prof.

Di na ako nakinig at nagisip nalang. And bigla naman pumasok sa isip ko si Class rep. Di na din ako nakinig dahil nawala interest ko sa pagtuturo ni prof. Natapos na din klase namin kaya umuwi na ako.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at hinahanap ko ang kotse ko sa parking lot. Nakauwi na din ako agad. Binati ko sila mom at dad. Pati na din si Snipe na busy sa sala di ko na siya inistorbo. Kaya tumaas na ako sa kwarto ko at nagbihis.

Nasa kwarto ko ako ngayon nanood ng Steven Universe. Nasa kama ako ngayon nageenjoy manood. Nagulat ako ng biglang pumasok si Casey.

"Bakit hindi mo sinabi samin?! Sakin?!" Sigaw niya sakin. Ano problema niya? May ginawa ba ako? Kainis naman oh, nanonood ako eh, in-off ko yung tv para malaman kung ano tinutukoy niya.

"Alin?" Tanong ko na takang-taka.

"Alam ko na ang nangyari sayo sa theme park! Bakit hindi mo sinabi!? Mabuti na lang at may nakakita sayong kakilala mo!" Sigaw niya. Patay. Panigurado si Basty ang nagsabi nun sa kanya.

"Si Basty ba nagsabi sayo niyan? Sabi ko sa kanya wag sabi--" Naputol yung sasabihin ko ng nagsalita ulit siya. Halata kong galit talaga siya.

"Hindi na importante kung sino ang nagsabi sakin! Paano kung hindi lang yun yung nangyari sayo!? Paano kung lalong lumala yung sakit mo?! Paano kung isang araw mahimatay ka na lang bigla dahil sa lala ng sakit mo?! At hindi namin alam na lagi ng nangyayari sayo yun!? Alam kong ayaw mo lang kaming pag alalahanin pero, dammit Cole!" Sigaw niya at nagulat ako ng tumulo yung luha niya.

I felt guilty. Parang sinaksak ako sa dibdib ng makita ko siyang umiiyak ng dahil sakin. Caise I'm sorry.

Kaya niyakap ko siya at pinatahan.

"Sorry" sabi ko.

"Ahm Casey, pwede wag mo sabihin kay Mom at Dad? Please? Sasabihin ko na lagi sayo pag may iba akong nararamdaman basta wag mo lang sasabihin kay mom at dad." Pagmamakaawa ko.

Ayaw ko kasi magaalala si mom at dad sakin. Busy sila sa kompanya at baka di pa nila maasikaso yung kompanya dahil lang sakin.

"No." Tipid niyang sagot.

"What?! Please Cais. Don't tell mom and dad." Nagmakaawa pa din ako sa kanya.

"Hmmmm, okay--" naputol yung sasabihin niya ng nagsalita ako. "Yey! Thanks Casey!" Hinug ko siya tapos nagsalita ulit siya.

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now