Chapter 26 - Back

25 0 0
                                    

Casey's POV

Mabilis na lumipas ang araw, dahil bukas na ang punta namin sa Batangas para sa comeback namin. Nandito kaming lahat sa sala, aalis kasi sina mom at dad dahil meron silang business trip.

"Oh, alis na kami ha. Grey yung mga kapatid mo" sabi ni mommy na tinanguhan naman ni kuya Grey.

"Ingat po kayo mom, dad" sabi naman ni Cole at humalik sa pisngi ni mom at yumakap kay dad.

Matapos ang mahabang pagpapaalam namin sa kanila ay nakaalis din sila. Medyo matatagalan daw kasi sila.

Tumaas na ako sa kwarto ko at nagshower. Pagkalabas ko ng banyo ay narinig kong nagriring ang phone ko.

Sinagot ko ito ng makitang si Via ang natawag.

Hello? Bungad ko habang kumukuha ng damit sa closet.

[Car! Hehe. Excited na talaga ako bukas] masaya niyang sabi kaya natawa ako.

Mauna ka na. Natatawa kong sabi.

[Ito naman. Masaya lang akong babalik na kayo. Fan na fan niyo kaya ako!]

I know.

Natapos din kaming nag usap dahil tinawag ako ni Cole para mag lunch.

_____________

Kinabukasan...

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Hindi kasi ako makatulog kaya anong oras narin akong natulog, pero maaga akong nagising. Seriously? Ilang oras ba naitulog ko?

Pumunta muna ako sa banyo bago bumaba para magbreakfast. Pag punta ko sa dining ay nadoon na si Cole, naghahanda na siya ng Breakfast

"Gigisingin ko palang sana kayo. Si Sniper gising na ba?" Tanong niya. Nagkibit balikat ako at umupo. "I don't know. Si kuya?" Tanong ko.

"Ahh pumunta sa garden eh. May tumawag sa kanya. Gisingin ko lang si Snipe, tanghaliin talaga yun" sabi ni Cole at umalis na papunta sa kwarto ni Snipe.

Kumuha ako ng bacon at nilagay ko ito sa pinggan ko nang dumating si Kuya Grey.

"Good morning" bati niya at umupo sa katapat kong upuan. "Morning"

Dumating na rin si Cole kasama si Sniper na antok na antok pa. "Good morning Snipe" natatawang bati ni Kuya kaya umiling ako at natawa din.

"Anong maganda sa umaga kung sabay mambubulabog yung alarm clock ko at yung malakas na boses ni Kuya Cole?" Inis niyang sabi at umupo sa tabi ni Kuya Grey. Nanlaki ang mata niya ng makitang may cheese na hinanda si Cole.

Natawa naman kami. Umupo si Cole sa tabi ko kaya nagsimula na kaming kumain. "Nakapag handa na ba kayo ng gamit?" Tanong ni Kuya.

"Yes/of course!" Sabay sabay naming sabi. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.

Sebastian:

Good morning! See you later.

Napangiti ako sa text niya. "Hoy Casey. Sino yan? Yung Basty ba? Ngingiti ngiti ka diyan" agad kong binaba ang phone ko ng magsalita si kuya Grey. Nakatingin na silang lahat sakin.

"H-huh? Hi-hindi, si V-via yun K-kuya" nauutal kong sabi. Tumingin ako kay Cole na may nakakalokong ngiti kaya siniko ko ng mahina. Tumawa naman siya.

Narinig ko rin ang pagbulong bulong ni kuya Grey at pagpipigil ng tawa ni Sniper. Aiisshh!

___________

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now