18

33.4K 1K 21
                                    


Chapter 18

SALUBONG ANG kilay ni Everest habang pinagmamasdan si Sapphire na kanina pa sumusuka ng tubig. Walang iba kundi tubig lang. Duwal ito ng duwal kahit na wala pa namang kinain.

Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari iyon kay Sapphire. Niyaya niya ito na dadalhin niya sa ospital para ipatingin pero tumanggi ito.

Napapansin rin niya ang pabago-bago nitong ugali. Ang pagiging emosyonal at lahat. Nag-aalala na siya para rito at wala siyang magawa kundi ang panoorin lang ito.

"Water."

Aligagang tumango siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang bumalik na siya sa kwartong tinutulugan nila ay nasa kama na ito at nakahiga habang nakatingin sa kisame.

Nang makita siya nito ay nanlalata itong bumangon at inabot ang baso na hawak niya. Pinanood niya itong inumin ang tubig.

"Sigurado kang ayaw mong magpadala sa ospital?." Nag-aalalang tanong niya kay Sapphire. "You've been vomitting for two days now. Ni hindi ka makakain ng maayos dahil ayaw mo sa mga ulam. Kung magre-request ka naman ng gusto mo ay hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang mga iyon. Magtapat ka nga sa akin, ano ba talaga ang problema mo?. May sakit ka ba?."

Marahas itong umiling saka inilapag sa bedside table ang baso na ginamit at humarap sa kanya. "Ayos lang ako. Hindi naman kailangan na dalhin pa ako sa ospital e."

"Well, you've been vomiting for two days so I guess you are really okay." He said in so much sarcasm. "Kailan pa naging okay ang pagsusuka, Sapphire?."

Sapphire sighed. "I am really fine. Huwag ka nalang magtanong."

"Sabi mo e." Sambit niya. "Pero kung nagsuka ka pa niyan, dadalhin na talaga kita sa ospital."

Hindi ito nagsalita. Mataman lang itong nakatingin sa kanya at para bang may gustong sabihin na hindi naman nito masabi.

"Bakit ka ganyan makatingin?." Kunot-noong tanong niya.

"Gusto ko lang sana magtanong sa'yo."

"Ano iyon?." Naiinis niyang tanong.

"What if ahm.." Kinagat pa nito ang labi  dahilan para mabuhay ang pagnanasa niyang maangkin ang mga ito. Sa mapupulang labi nito lang siya nakatuon at lihim siyang napapalunok sa tuwing ibubuka nito ang mga labi at ititiklop din bandang huli.

Damn!. Those luscious lips of hers!. Masarap tikman at ulit-ulitin.

"Anong sasabihin mo?."

Ngumuso ito saka inosenteng tumingin sa kanya. At dahil doon, nawala ang inis na naramdaman niya rito. "Gusto kong kumain ng tinapay na may--"

"Daing na may bangus sa loob." Pagtatapos niya.

Ngumiti si Sapphire. "Alam mo na talaga kung ano ang gusto ko."

He tsked. "One of a kind kasi e. Hindi mabibili sa kahit na saan."

Sapphire chuckled. "Sige na, hahanapan mo naman ako diba?."

Matamis siyang ngumiti. Magrereklamo pa sana siya kaso lang ang hindi na niya nagawa dahil sa napaka-inosenteng tingin ni Sapphire. Animo'y bata na umaasang maibibigay ang gusto rito.

"Yes, baby. As if naman na makakatanggi ako sa'yo, diba?." Nakangiting wika niya. "I'll go find the food that you want to eat, right now."

Sapphire beamed in happiness. "Yehey!. I'll wait for it."

Tumango lang siya saka ito tinalikuran at nagtungo sa kusina. Tinawag niya ang katulong ni Nathalie na marunong magbake ng tinapay upang gumawa ito ng tinapay na may daing sa loob.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon