29

35.2K 1.1K 101
                                    


Chapter 29

APAT NA oras ang hinintay nila bago lumabas si Eros sa O.R. at ibalita sa kanya na maayos na ang lagay ng kanyang anak. Ngayon ay nasa private room na ang anak niya at wala paring malay.

Hinahaplos niya ang buhok ng anak habang nagpapasalamat sa panginoon dahil niligtas pa nito ang kanyang anak. Pero naroon parin ang awa para sa kanyang anak. Mga kung anu-anong tubo ang nakasaksak sa katawan ng kanyang anak na hindi niya mawari kung para saan ang mga iyon.

Hindi niya napigilan ang mapaluha sa sitwasyon ng anak. Hinihiling niya na sana ay siya ang nasa ganoong kalagayan.

"Kumain kana." Bigla ay nagsalita si Zeus sa tabi niya sabay abot ng isang burger."Maayos na si Kirk. Kaya naman huwag mo na siyang alalahanin dahil bukas makalawa, gigising na siya. Sa ngayon, isipin mo naman ang sarili mo."

Tumango siya saka kinuha ang burger na bigay ni Zeus. "Thank you."

Ngumiti si Zeus. "You're welcome. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. I'm your bestfriend, remember?."

She chuckled and nod.

Zeus has been nice to her ever since. Noon ay iniisip niya na kaya siya nito tinutulungan ay dahil sa may gusto ito sa kanya. Pero kalaunan ay nawala na ang pagkagusto nito sa kanya. Instead he offered her a friendship na buong puso naman niyang tinanggap.

Zeus is like a brother to her, a good listener and a great adviser. Napaka-swerte niya na nakilala niya ito at napakaswerte ng babaeng mamahalin nito dahil napaka-maalaga at mapagpasensya si Zeus.

Si Zeus ang nagsilbing mga paa at kamay niya sa mga panahong pinagbubuntis pa niya ang mga anak niya. Ito narin ang naging katulong niya sa lahat at nagi-guilty siya dahil sa hindi na nito magawa ang mga bagay na ginagawa ng mga kalalakihang nagsasaya o kaya nakikipag-date.

Mabait ito sa mga anak niya kaya naman pumayag siya na maging ama-amahan ito ng mga anak niya panandilaan. At ngayon na nandito na si Everest, tiyak na hindi iyon papayag na makahati si Zeus sa atensyon ng mga anak.

Kaya nga ayaw niyang mawala ito sa buhay ng mga anak niya. Pero ayaw din naman niya na may isipin si Everest na hindi maganda sa binata. Kaya naman kahit na labag sa loob niya ay kailangan muna nitong dumistansya sa mga anak.

"Zeus.."

"I know." Pigil nito sa kanya. "Kahit na hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung ano ang nasa isip mo. At gano'n din ang sasabihin ko. I will keep my distance from your kids not because I want to but because I don't want to shade Everest from the kids. May karapatan siya sa mga bata, kumpara sa akin. Ayokong lumaki ang mga bata na iniisip na ako ang ama nila gayong nasa paligid si Everest." Anito.

Tipid siyang ngumiti. "Thank you for understanding."

Tumango lang ito.

Nag-usap pa sila sandali hanggang sa magpaalam ito sa kanya na uuwi lang saglit ngunit babalik rin naman.

Siya naman ay naiwan na nagbabantay sa anak niya. Nasa ganoong sitwasyon siya nang bumukas ang pinto dahilan para lingunin niya upang alamin kung sino ang pumasok. At halos lumundag sa sobrang lakas ang kanyang puso nang magtama nang makitang si Everest iyon at nagtama pa ang mga mata nila.

Malamig ang tingin nito at hindi niya iyon kayang salubungin kaya naman pasimple siyang nag-iwas ng tingin at mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya ang paglapit nito sa kama kung saan nakahiga ang kanyang anak.

Nasa anak lang niya ang tingin pero kita niya ang bawat galaw na ginawa ni Everest. Umupo ito sa gilid ng kama saka hinaplos ang buhok ni Kirk.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang dalawa bago ito nagsalita.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon