21

34.9K 1K 43
                                    


Pasensya na po kayo sa mga typos ko. Mahirap pumindot sa tab e. Hehehe

As requested!, jugjugan daw.

Chapter 21

MASAYANG NANANANGHALIAN sina Sapphire kasama ang kapatid at mga kaibigan sa isang fast food chain. At tulad kanina, si Ken na naman ang pinakamaingay. Tawag pansin sa iba ang sobra nitong kaingayan.

"Tumahimik ka nga." Sermon na naman ng kapatid niyang si Mye sa lalaking ubod ng ingay.

Ngumuso lang ito at bumaling sa anak niyang nakakandong kay Gen. "Don't be like your tita's, okay?. Mga kj. Be like daddy, always happy." Kausap nito sa anak na isang taon palang ang edad habang nilalaro nito ang kamay ng bata.

Napangiti siya ng ngumiti ang bata. Tuloy ay hindi niya maiwasang maimahe si Everest habang nilalaro ang anak nito na nasa sinapupunan palang niya. Ano kayang pakiramdam ng pag-aalaga ng isang Everest sa isang bata kung sakali?. Alam kaya nitong magbuhat?, magpaligo o magpatahan ng sanggol?.

She chuckled. It would be a disaster if that happen. Siguro ay susuko ito sa bata.

Pero ang ngiti niya ay naging mapait nang maalalang hindi pala pwedeng maging sila ni Everest. Masyadong maraming hadlang. Too much people blocking every open doors that there is. Iyong alam niyang malulusutan nilang pareho, pero mayroon parin palang nakaharang.

Wala sa sariling napahaplos siya sa tiyan niya at nagbaba ng tingin. Naging malungkot ang mukha niya habang pinakatitigan ang tiyan na hindi pa kalakihan. Ngayon ay ang tanging nasa isip niya ay ano ang magiging buhay niya kung wala na si Everest. Kaya ba niyang palakihin ang batang nasa sinapupunan niya ng mag-isa?. Kaya ba niyang maging masaya kahit na wala si Everest sa buhay nilang mag-ina?.

Would it be nice to picture a life without Everest in it?. Totally not.

Everest is her happiness, her strenght and her everything. Magiging mahirap ang daang haharapin niya kung wala ang binata.

"Nagpa-check up kana ba?." Kapagkuwa'y tanong sa kanya ng kapatid.

Umiling siya. "Hindi pa e. Wala akong time."

"Pag-uwi natin, magpacheck up ka."

Tumango siya at muling ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Pagkatapos nilang mananghalian ay kaagad silang nagtungo sa La Trinidad kung saan naroon ang strawberry farm. Ten minutes ang naging byahe nila mula sa kinainan papunta roon.

"Wow." Usal ni Ken saka binuhat ang anak nito at parang batang tumalon talon. "Lets pick strawberries!. A lot of strawberries!."

The baby giggled.

"Naku Gen. Ilayo mo sa asawa mo ang pamangkin ko." Wika ni Carla na balut na balut ang mukha."Baka maging isip bata."

Ngumiti lang si Gen saka sinundan ang mag-ama nito.

Sila naman ay tumingin-tingin ng kung ano-ano na nasa mga nakahilerang tindahan. Mga t-shirt na may nakasulat na I love baguio, mga bonnet, sarong at kung ano-ano pa.

At dahil abala ang mga kasama niya sa pamimili ay siya naman ay nagtungo na sa farm kung nasaan nakatanim ang mga strawberries. Sumunod siya kay Ken at Gen na naroon na at pumipitas ng strawberry kasama ang anak ng mga ito.

"Ate!." Tawag sa kanya ni Ken habang kumakaway."Pipitas ka ba ng strawberry?!."

Umiling siya.

Tumango lang ito saka muling humarap sa mag-ina nito at pumitas narin ng strawberry. Siya naman ay naglakad-lakad sa mahabang daan ng farm.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon