25

30.6K 984 85
                                    


Chapter 25

"HOW ARE YOU feeling?." Tanong ni Everest kay Eros habang hinihintay nilang pumasok si Rhiane sa loob ng simbahan, sa dulo.

Kapansin-pansin na hindi ito mapakali at nakikita niya na namamawis na ito. Malamang ay sa sobrang kabang nararamdaman. Kanina pa naglilikot ang mga kamay nito at malalim din ang ginagawang paghinga nito.

"Magkakahalo ang nararamdaman ko ngayon, Ev." Sagot nito. "There's happiness,  worried and I'm scared and tense.."

He chuckled. "Ang isang Eros Herrera, kinakabahan, natatakot?." Namamanghang napailing siya sa pinsan niya. "You are unbelievable, Eros."

Eros glared at him. "Ganito rin ang mararamdaman mo kapag kinasal kayo ni Zyrene."

He was taken a back by what Eros said. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya ang mag-asawa, atleast not for now.

Hindi nalang niya sinagot ang pinsan at tumingin nalang sa pinto ng simbahan na bumukas. Napangiti siya nang magsimulang pumasok ang mga flower girls at page boys na siyang nanguna sa prosisyon.

Nagsalubong ang kilay niya nang tumayo mula sa di kalayuan si Zeus at nakatingin sa palapit na mga bata. May hawak itong kamera at nakatingi. Sinundan niya ng tingin kung saan ito nakatingin at nang makita niya ang isang babaeng flower girl na nakatingin kay Zeus.

Hindi niya alam pero kakaiba ang naging pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang maliit na bata. Siguro ay nagagandahan lang siya sa maliit na bata--no, there is really something about that little girl that he can't identify.

"Smile Bella." Dinig niyang sambit ni Zeus sa batang babae.

'Bella?.' Bulong niya sa isip at wala sa sariling napangiti.

"Caia, over here." Tawag na naman ni Zeus sa isa pang flower girl.

Napamaang nalang siya habang nagpapalipat lipat ng tingin sa dalawang batang babae. There not identical yet they look a like.

Are they twins?.

Dahil sa dalawang bata lang anf atensyon niya ay hindi na niya nalamayang nakalapit na pala si Rhiane sa harap nila. Saka lang niya namalayan nang siya ni Quin na katabi lang niya.

"Uupo na tayo."

Napabuntong-hininga siya saka sumunod sa mga groomsmen na naroon. Muli ay bumalik ang tingin niya sa dalawang bata na nasa harap katabi lang ng mga bridesmaid.

Ewan ba niya pero parang hinihila ng dalawang bata ang atensyon niya sa puntong hindi na sa dalawang ikinakasal ang atensyon niya.

Those two little girls are confusing the hell out of him!. Ano bang meron sa dalawang iyon at kanina pa niya tinitingnan?. Hindi niya alam kung ilang minuto niyang pinagmamasdan ang galaw ng dalawa.

He blew a loud breath at pilit na iniaalis ang tingin sa dalawa. Pero muling bumalik ang tingin niya nang lapitan ni Zeus ang mga ito. Dahil malayo ay hindi niya marinig kung ano ang sinasabi ng dalawa.

Mayroon rin itong sinabi kay Alexa na tinanguan lang ng pinsan niya. Seryoso ang mukha nito nakikipag-usap kay Alexa.

Muli ay tumango si Alexa at nagmamadaling lumabas si Zeus.

"Maraming ipapaliwanag iyang si Zeus sa atin." Napabaling siya nang magsalita si Lenux at tulad niya ay nakatingin rin pala ito sa mga bata. "Hindi niya sinabi sa atin na may anak na pala siya. I mean, we are his cousins right?. Dapat hindi siya naglilihim sa atin."

"Kaya siguro siya palaging wala." Ani naman ni Quin. "May inaasikaso na palang iba."

"Iyong Keenalyn ba?." Kapagkuwa'y sabat naman ni River na kapatid ni Rhiane.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon