26

31.4K 1.1K 67
                                    


Chapter 26

NAPANGITI SI Everest nang maramdaman na may daliring gumagapang sa noo niya pababa sa ilong papunta sa kanyang mga labi. Nakapikit man ay alam na niya kung sino iyon.

"Goodmorning." Bati niya rito saka iminulat ang kanyang mga mata.

He looked at Zyrene intently. Kung ganito araw-araw ang bubungad sa kanya paggising ay hindi siya magsasawang magising ng maaga.

Zyrene touching his face and every part of his body feels like heaven. Sa apat na taong nakasama niya ito ay hindi ito nabigong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap ang bawat pag-aalaga.

"Goodmorning." Bati nito sa kanya nang gumapang na ang kamay nito sa dibdib niya. "Did you have a goodnight sleep, last night?." Tanong nito sa nang-aakit na boses.

"You bet, I did." Sagot niya saka kinubabawan ang dalaga.

Siniil niya ng mapusok na halik si Zyrene sa labi, pababa sa leeg nito dahilan para mapaungol ito.

Ngunit hindi pa man niya nauumpisahang painitin ang katawang lupa niya nang may kumatok sa pinto.

"Fuck!." Malutong ang naging pagmura niya saka dahan-dahang bumangon sa kama. "Sino iyan?."

"It's Sera." Dinig niya ang iritasyon sa tinig nito.

"Anong kailangan mo?."

"Alam mo naman sigurong magbukas ng pinto diba?." Sarkastiko nitong ani.

"Wait." Sambit niya saka humarap kay Zyrene. "Put on your clothes." Utos niya rito saka nagmadaling pumasok sa walk in closet at  nagbihis. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang hindi maipintang mukha ni Sera. "Pwede bang ngumiti ka naman?. Umagang-umaga e."nakangising wika niya sa pinsan.

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "It's eleven forty already, Everest. You promise my kids that you'll take them to the mall."

Nawala ang ngisi niya. "Shoot."

"Yeah, shoot." Sarkastikong pag-uulit ni Sera. "Dahil lang diyan sa babae mo, nakalimutan mo ang pangako mo."

"Zyrene ang pangalan ng babaeng tinutukoy mo, Sera."

"Wala akong pakialam." Angil nito. "I don't know her, so I am not gonna treat her as such."

Pasimple niyang isinara ang pinto nang sa gano'n ay hindi marinig ni Zyrene ang sinabi nito.

"Sera."

"Hindi ko nga alam kung saan kangkungan mo pinulot ang babaeng iyan." Nakatiim ang bagang nitong ani. "Mas gusto ko pa si Sapphire kaysa sa babaeng iyan."

His face darkened at what she said. "Don't say her name."

Sera hissed. "Whatever. Basta ayoko sa babaeng iyan." Anito saka naglakad palayo sa kanya na sinundan naman niya.

"Bakit hindi mo siya kilalanin ng mabuti?. Para makita mo kung ano ang nakita ko sa kanya."

"Baka nasa hukay na iyan bago ko pa makilala." Wika nito saka humarap sa kanya. "At isa pa, lalaki ka babae ako. Ang nakita mo lang naman sa kanya ay iyong ganda niya at iyong kaseksihan niya. Other than that, wala na akong nakikita pang magandang bagay sa kanya."

"She is nice, Sera."

Sera chuckled sarcastically. "Nice?. Ayan ba ang nakita mo sa kanya?. Kung mahal mo nga ang babaeng iyan. Kulang pa ang salitang 'nice' para i-express mo ang feelings mo sa kanya. If you love her, then you should've been bragging about how great she is other than saying she's nice." Pagkasabi no'n ay inirapan siya nito at muli siya nitong tinalikuran.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon