34

41.1K 1.2K 91
                                    

Chapter 34

HINDI NA TUMULOY sina Everest at ang mga bata sa dapat na pupuntahan nila. Nawalan na siya ng gana dahil sa sinabi ni Sapphire. Kaya naman si Celeste na ang inutusan niyang samahan ang mga bata at siya naman ay pinuntahan ang bar ni Lewis.

Sakto naman na naro'n ito at si Casper at sa hindi inaasahan ay makikita rin niya si Chianne na nakapambihis babae na. She is wearing a light makeup and her hair are curled. Naka-heels din ito at galaw babae na rin. Ibang iba na sa Chianne na dating kilala niya.

"So, anong maipaglilingkod namin sa'yo?."tanong ni Lewis habang nagsasalin ng alak sa basa. "Gusto mo ba ng babae. Marami ako."

He tsked. Sa apat na taong hindi nila pagkikita ni Lewis ay hindi parin pala ito nagbabago. Hanggang ngayon ay babaero parin ito.

He hissed at him. "Babae na nga ang problema ko, dadagdag ka pa?."

"Babae?." Kunot noong tanong naman ni Chianne. "Si Sapphire ba?. Nagkita na kayo? Anong sabi mo sa kanya nang makita mo siya? Inaway mo ba?." Sunod sunod na tanong ni Chianne.

"Oo, she is one of my problem."

Lewis chuckled then leaned in. "Kailan ka na namroblema sa babae?. You said you always had it controlled, pero kay Sapphire palang tumataob kana. Bilib na talaga ako sa kanya, napatino ka--"

"We had a triplets."

Awtomatikong nabitawan ni Chianne ang hawak na baso dahilan para mabasag ito pero ang tatlo ay naiwang nakatingin sa kanya at mga nakanganga.

"I got her pregnant four years ago."

Iyon ang bagay na hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya noon. Na nabuntis siya. Hindi dahil ayaw niyang sabihin kundi dahil masyadong maraming nangyari at nang huli silang magkita-kita no'n ay ang panahong akala niya'y pina-abort na ni Sapphire ang mga anak niya. He has no reason to brag at that time.

"So your problem is?. . paano takasan ang pagiging ama?." Tanong ni Lewis.

"Paano itanggi ang mga bata?." Nakangising tanong naman ni Casper.

He hissed at both of them. Wala talaga siyang makukuhang matinong sagot sa dalawang kaibigan. Kung nandito lang si Kile ay tiyak na matutulungan siya nito.

Speaking of Kile, where is that man now?.Nawalan na siya ng balita sa lalaking iyon. Maging kay Zachary at kay Aquarius ay wala narin siyang balita. Where are they?.

"Nasaan si Kile?, sila Zach at Aquarius?."

Lewis chuckled. "Ayon, busy sa buhay may-asawa. Si Kile at Zach pero si Aquarius may hinahanap na babae. Iyong girlfriend niya na ayaw namang magpahanap."

Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tumitig kay Lewis. "May asawa na si Kile at Zach?. Bakit hindi ko alam?."

"Kasi nga naging busy ka. We all lost contact from you, kaya hindi naman nasabi sa'yo. Anyway, back to your problem, ano ba talaga ang problema mo?."

He heaved a sigh then started telling his story. Every detail sa kung paano sila nagkahiwalay ni Sapphire at kung ano nangyari sa kanya sa amerika at kung paano siya nagka-girlfriend at bumalik sa pilipinas at muling mag-krus ang landas nila ni Sapphire at makilala niya ang kanyang mga anak.

At ang pagiging magulo ng utak niya ay ikinwento rin niya sa mga ito. Kung sino ang mahal niya at kung sino ang gusto niya.

Pagkatapos niyang magkwento ay hindi niya inaasahang babatukan siya ni Chianne ng sobrang lakas, kulang nalang ay lumabas ang utak niya sa ulo.

Pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan. "Why did you do that for?."

"Ng matauhan ka!." Singhal nito sa kanya."Napakadali lang ng sagot diyan sa tanong mo. Ikaw lang ang nagpapa-komplikado. Listen. ." saad nito saka siya pinaharap. "You said you love Sapphire and you like this Zyrene. Magkaiba ang like sa love, tol!." Anito saka siya malakas na hinampas sa dibdib. "At hindi mo kayang iwan si Zyrene kasi nga, gusto mo lang tumanaw ng utang na loob sa kanya. Hindi mo siya kayang iwan kasi feeling mo, manunumbat siya sa'yo sa lahat ng mga ginawa niya para makaahon ka sa lusak noon."

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon