27

32.9K 1.2K 157
                                    


Chapter 27

NAPAKURAP-KURAP nalang si Everest nang makita niyang may kasamang dalawang bata babae ang kanyang lolo. At hindi lang basta bata iyon sa kanya. It was two girls from Eros and Rhiane's wedding.

Nilukob ng kakaibang tuwa ang puso niya at sinalubong ang mga ito. Tuwang-tuwa ang lolo niya habang nakikinig sa kwento ng bata na sa pagkakatanda niya ay si Bella.

Hindi siya magaling mangilala ng tao, lalo na kapag bata, ngunit kakat'wang natatandaan niya at napag-sino niya kung sino sa dalawa si Caia at si Bella.

Natutuwa siya sa dalawang bata.

"Everest." Tawag sa kanya ng lolo niya.

He cleared his throat before talking. "Yes, lolo?."

Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng conciousness habang nakatingin sa dalawang batang babae na inosenteng nakatingin sa kanya.

His grandfather laughed. "I steal them away from the mother."

Kunot ang noo niyang tumitig sa lolo."What?. Lolo naman, baka idemanda nila tayo sa ginawa mo."

His lolo tsked. "If you have that sense of humor of yours, you will realized that I was just joking." Natigilan siya nang bigla ay sumeryoso ang mukha nito. "And because of that, you will be this three beautiful angel's babysitter for two hours then.." Lumapit ito sa kanya at may ibinigay na papel. "That is the address of their house. Ikaw narin ang maghatid. Nirarayuma na ako sa kakalakad at kakagawa ng paraan sa inyo. Nakaka-stress kayo."

'Paraan?.'

"Lolo. Dalawa lang ang bata."

Tinuro lang nito ang sasakyan saka siya nito sinenyasahan na kunin ang natitirang batang nasa loob ng sasakyan ng kanyang lolo.

Kaagad siyang nagtungo roon at binuksan ang backseat. At doon, naroon ang yaya ng mga bata at nakakundong dito ang isang batang lalaki na inosente at matamlay na nakatingin sa kanya.

His heart just beat faster than its normal.Parang may bumara sa lalamunan niya na kung ano, but it's not a bad thing. It's a good thing kind of feeling.

"Hi.." Bati niya sa batang lalaki.

Kinawayan lang siya nito.

"Ako nalang ang magbubuhat sa kanya."hindi na niya hinintay pa ang sagot ng yaya nito at kaagad na binuhat ang bata.

Lihim siyang napangiti ng lumundag sa tuwa ang puso niya. Nakakatuwa ang uri ng pagkakatitig sa kanya ng bata. Animo'y nanunuri at nangingilala.

At dahil doon ay malaya niyang napag-aralan ang mukha ng bata. He has that blonde hair just like him, 'and Zeus'. Lihim siyang umingos. His eyes are color blue just like him, 'and Zeus'. Nakaramdam siya ng panlulumo. The boy has that straight nose, red thin lips, thick and cool eyebrows just like him. Ang puso niya ay nagdiwang nang wala siyang makitang kahit na anong paghahalintulad no'n kay Zeus.

Burn Zeus, burn.

Napakurap pa siya nang makita na may dimples sa magkabilang pisngi ang bata. At tumatalon-talon sa tuwa ang puso niya. He has a dimples too.

"You two look alike, don't you think?." Bigla ay nangibabaw ang tinig ni Celeste dahilan para lingunin niya ito.

Nakapameywang ito at nakatayo sa bukas na pinto ng kotse nito. Na miss niya ang pinsan niya. Ito lang naman ang pinsang hindi niya nakita sa kasal ni Eros.

At ayon sa kapatid nitong si Alexa ay nagtatago ito dahil sa ipinagkasundo ito ng lolo nila sa isang lalaki. Pero nagtataka siya dahil narito sa harap niya ang pinsan. He knows Celeste, hindi ito lalapit sa bitag at alam nitong hindi na makawala pa.

HERRERA SERIES 4: The Badboy's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon