Ang Madilim Na Katotohanan...

1.4K 94 5
                                    

Its a dream within a dream. Ito lang ang maaari kong masabi sa nangyaring pagniniig namin. Mula sa aming kinahihigaan kung saan mismong mga damit namin ang aming naging sapin, payapa kaming nagmahalan. Pinaramdam kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Nakaunan siya sa kaliwang braso ko. Her face buried on my neck at pilit niyang isinisiksik ang hubad niyang katawan sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya na tila mataas na boltahe ng kuryente na gumagapang sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Mahal Ko?" ang sarap pakinggan ang tawag ko sa kanya.

"Hindi ko alam," sagot nito na hindi nagbabago ng pwesto.

"May pinagsisisihan ka ba?"

"Pinagsisisihan? Wala akong dapat pinagsisihan. Baka ikaw," tumingala ito at tumitig sa akin.

"Ako?" I paused and think for a moment. "Meron," napakunot siya at tila napikon ata. Napatawa ako sa itsura niya. Umupo ito ang pinagpapapalo ako dahil hindi ko mapigilang tumawa. "Teka sandali nga. Patapusin mo muna kasi akong magsalita," pareho man kaming may katamtamang pangangatawan, mas malakas ako sa kanya. Salamat sa gym.

Hinila ko siya para mapahiga ulit siya at umaibabaw ako. Gamit ang isang kamay, nagawa kong ipitin ang dalawang kamay nia sa may ulunan. Galit ang expression ng mukha niya pero di ko yun alintana. Sa pagkakapwesto ko sa ibabaw niya, maganda ang view na nakikita ko at hindi ako makapaniwalang naangkin at nagpaangkin ako sa pinakamagandang babae na nakilala ko. Nginitian ko siya. Ngiting nakakaloko. "Patapusin mo muna ang sasabihin ko, pwede,"

"Ano ba kasi ang pinagsisisihan mo?" painis nitong sagot.

"Pinagsisisihan ko kung bakit hindi ako nagpakilala sa'yo nung mga bata pa tayo. Siguro kung naging magkaibigan tayo, hindi magiging ganito ang mangyayari sa atin. Siguro magkasama na tayo sa iisang bahay. Nangangarap ng sabay. Siguro matagal na kitang nailayo sa Papa mo," napawi ang nakasimangot niyang mukha sa mga salitang binitawan ko. Huminto ang mga nakakulong niyang kamay na pumiglas sa pagkakahawak ko. Instead, she raised her arms and wrapped it around my neck. She closed her eyes as she awaits for me to land my lips on hers.

I didn't fail her. I gave what she wanted. I gave her a solemn kiss. Sa mundong amin lang. Sa mundo ng panaginip namin, muli kaming sumayaw sa salin ng tugtugin ng aming mga ungol. Dinadala kami sa langit sa bawat haplos. Sa pagexplore ng mga kamay samin sa bawat parte ng aming katawan para kaming dinuduyan sa ulap. She is such a gem. And I am so darn lucky to have her. No man had made me happy. And the happines so immeasurable, I found it in a woman. At kahit ano pa ang estado ng buhay niya. Kahit gano pa kakumplikado, kadelikado at kakaiba, mahal ko siya. At buong buhay kong ibibigay sa kanya ang kahit anong makapagpapaligaya sa kanya.

At sa muling pagsasalo namin, sabay naming ibinuhos ang iba't ibang kulay ng ligaya. Humihingal kaming magkayakap. Pawisan man at pagod, hindi nito kayang burahin ang ngiti ng tagumpay sa aming mga labi.

Sa maikling oras nang aming pamamahinga, isinuot na namin ang aming nakalatag na mga damit, at ngayo'y magkatabing nakaupo sa isang nakatumbang troso na una naming pinuwestuhan noon. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ako at kapwa kami nakatingin sa kalawakang walabg bituin at buwan.

"Glaiza, hindi na ba tayo magkakasama sa totoobg mundo?"

"Magkakasama tayo. Wag kang susuko,"

"Alam.na ni Papa na nagkikita tayo sa panaginip. Nagtataka nga ako na hindi niya pinuputol ang panaginip natin,"

"Wala ka pang sinasabi tungkol sa Papa mo. Sa totoo lang, gulong gulo ako. Ang alam ko mahigit isang linggo akong nasa Consuelo. Dalawang beses na tayong nagkausap. Ginamot ko pa nga sugat mo at kumain ka pa sa bahay. Naabutan ka pa nga ni Manang Loleng nun e. Naalala mo ba yun? Nangyari talaga yun diba. Kasi sabi nila dalawang araw pa lang ako. Nung pangalawang araw ko sinundo ako nila Mama at Papa. Sinasapian daw ako at balak pang pabendita sa kapatid kong pari. May kinalaman ba siya dito? Magikero ba ang Papa mo? Mangkukulam? Alam mo, hindi ako naniniwala kasi sa mga ganyan. Para sa akin lahat ng pangyayari ay may paliwanag. Tapos sabi pa ni Mang Gardo, nasunog daw ang bahay ninyo 20 years ago. Walang nailigtas pati daw ikaw nung limang taon ka pa lang. Hindi ko alam.kung san nila hinugot ang kwentong yan. Kasi kung di ka nakaligtas sa sunog noong bata ka pa, bakit nandito ka ngayon? Hindi ka naman multo at hindi ka mukhang multo.Isa pa, hindi totoong may multo,"  walang patid kong pag sasalita.

----------

Rhian's POV

Sa mahabang litanya ng aking mahal, taimtim akong nakikinig. Habang nagsasalita siya, sinisimulan ko nang buuin sa isip ko ang mga dapat kong sabihin at kung pano ko ito sasabihin. Sa kanya na nanggaling na hindi siya naniniwala sa mga bagay na hindi maipaliwanag. Pano ko ngayon sasabihin ang tungkol sa akin at kay Papa?

Sa pagtatapos ng kanyang tanong at kwento, naramdaman ko ang malamig na hanging dumapi sa batok ko. Malapit na si Papa. Siguro'y wala siya sa bahay kaya't may kahabaan ang oras namin ni Glaiza ngayon. Pero sa pagdating ng malamig na hangin, alam kong siya na yun. Padating na si Papa at malapit na niya akong gisingin para asikasuhin ang kanyang pagkain.

"Mahal," ginaya ko ang pangalang itininawag ni Glaiza sa akin. Naramdaman niya siguro na nanginig ang katawan ko. Umungol nan siya bilang sagot.

Umayos ako ng upo at umikot paharap sa kanya.

"Glaiza, mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko inaasahang darating ka ulit sa buhay ko. Na magiging ganito tayo. Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nandito ka at minahal mo ako," pigilan ko man, pilit na tumatakas ang mga luha ko. Lalong lumamig ang hanging dumampi sa batok ko. Umiiksi na ang oras namin. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawi ang buhok na tumatakip sa mata ko. Sa ganung munting kilos, nabawasan ang takot at kaba ko.

"Natatakot akong sabihin sa'yo ang totoo. Dahil baka pagnalaman mo ay di ka maniwala. Sa'yo ba naanggaling na dinka naniniwala sa mga bagay na walang eksplinasyon. Baka talikuran at iwan mo ako. Glaiza, hindi ko kaya. Ikamamatay ko. Minsan na akong namatay simula nang ikinulong ako ni Papa. Nabuhay ako nang dumating ka. Ayaw ko na ulit makulongnsa dilim," dito na sumuko ang kalooban ko at di ko na napigilang umiyak.

Ikinapo ni Glaiza ang mga pisngi ko sa kanyang mga palad at tumitig sa mga mata ko. Hinahanap ang sentro ng aking pagkatao.

"Wag kang matakot. Dito lang ako. Hinding hindi mangyayari ang ikinatatakot mo. Hindi kita iiwan o tatalikuran. Ikaw ang mundo ko, Rhian. Ikaw ang buhay ko,"

Walang pagsidlan ang kaligayahan ko sa narinig ko mula sa kanya. Sa bawat lalaking nakilala ko, ni isa wala akong naramdamang espesyal. Kahit na kay Jerome na sumugal na iligtas ako. Si Glaiza ang liwanag sa madilim na mindong kinalakihan ko. Sa isang babaeng tulad ko ang ipinagdadasal at hinihintay kong kaligtasan.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung sakali mang hindi na masundan pa itong pagkikita namin, dadalhin ko sa alaala ko ang mahigpit niyang yakap.

"Kailangan kita Rhian, dahil mahal kita," mahina nitong bulong.

"Glaiza, si Papa..." ibinulong ko sa kanya ang simula ng katotohanang bumabalot sa akin at sa aking ama...

----------

Hanggang dito muna ha... Baka hindi nanaman ako makakatulog pag itinuloy ko... Tatakutin ko nanaman ang sarili ko habang sinusulat ko yung susunod na mangyayari eh... Itutuloy ko pag morning na.. Hehehehe... Goodnight at maraming salamat po sa nagaabang ng updates ko...

The Dead Man's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon