Clueless

1K 67 19
                                    

Narrator:

  Sa biglaang pagbukas ng pinto, biglang pumasok si Fr. Alchris na kapatid ni Glaiza kasunod ang tatlong kabataang lalaki  habang sinasabayan ang pari sa kanyang latinong dasal.

Sa bawat pagwisik nito ng Holy Water kay Roman, paatras ng paatras ito pero hawak pa rin si Stargazer. Sa pag-abanse ni Fr. Alchris, palakas ng palakas ang kanyang pagsambit ng dasal hanggang sa nabitawan nito ang paranormal expert.

Hindi nag-aksaya ng oras si Stargazer. Agad siyang tumayo at tinungo si Glaiza, bitbit pa rin ang baril. Binaril muna nito ang humihingang si Sinag sa kanyang dibdib. Hindi man niya ito mapatay, alam niyang hindi ganun kadaling maghihilom ang sugat nito. Humandusay si Sinag na nanghihina sa ilang tama ng baril sa kanyang katawan.

"Magsama kayo ng ama mong demonyo..." sambit pa nito bago tuluyang pinuntahan si Glaiza. Nakita nito ang mahinang pagangat at pagbaba ng kanyang dibdib. Buhay pa ito at maaari pang mailigtas. "Glaiza... Glaiza, gumising ka..." mahinang tinampal nito ang pisngi ng dalaga. 

Umikot ang mga mata ni Glaiza sa ilalim ng mga nakasarang talukap ng mata nito. Nakahinga ang maestra nang makakita ng pag-asa na malalagpasan ng dalaga ang kanyang kasalukuyang estado.

"Glaiza..." muli niyang tawag at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Rhi...an...." pabulong na banggit ni Glaiza sa nanunuyo nitong labi.

"Glai, kailngan na nating umalis. Halika na..." inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ng batok ni Glaiza at buong lakas na iniangat upang tulungan itong makabangon. 

Animo'y isang kalawanging robot si Glaiza na nangangailangan ng langis upang makakilos ng mabilis. Hirap siyang iarko ang kanyang katawan at bawat buto niya ang lumalagutok.

"S...starga...zer, na...san si... Rhian?"

"Pupuntahan natin siya," sa narinig na'yon ni Glaiza ay sinikap niyang kumilos nang naaayon upang mabilis nilang mapuntahan ang babaeng minamahal. Akay akay siya ni Stargazer na lumapit sa isang babaeng walang malay dahil naitaboy siya ng hanging nagmula kay Sinag. 

"Rhian!" kahit nakakaramdam pa ito ng panghihina, pinilit nito ang katawan na abutin ang dalagang nasa isang sulok at halos matabunan ng mga wasak ng kahot ng isang lamesa. "Mahal.. Mahal..." tawag nito habang mahinhing iniuuga ang balikat nito.

The Dead Man's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon