Officially...

1.5K 89 14
                                    

Rhian:

Sa pananalita ni Billie, pakiramdan ko ay meron silang nakaraan ni Glaiza. Komportable itong makipag-usap at tipong gagawin niya ang lahat para sa kanya. Nginitian ako ni Glaiza na nagsasabing wala akong dapat ipagalala. Wala nga ba dapat? At saka nung ipinapakilala niya ako sa lalaking ito, bakit natigilan siya? Nahihiya ba siyang sabihin dito na ako ang babaeng mahal niya? Gusto kong magtanong pero hindi ito ang tamang oras. May mahalaga kaming pakay dito.

"Billie, we are facing something. But let me tell you, its unbelievable. Nothing you have ever seen before. Me myself can't believe it too but I've seen  it with my very own eyes," panguna ni Glaiza. Hindi ko ito naintindihan. Ni hindi nga ako nakatapos ng elementarya dahil pinatigil ako ni Papa nang pinalayas niya si Mama at kinulong ako sa bahay. Si Manang Cristy ang nagturo sa akin sumulat, magbasa at mabilang. Sana itagalog na lang nila ang usapan.

"Glai, you never beat around the bush. Lagi kang straight to the point. Well, except nung iniwan mo ako in the middle of the night,"

Nagulat ako sa sinabi ni Billie. Anong ibig niyang sabihin na iniwan siya bmni Glaiza? Parang tambol ang naging tibok ng puso ko. Napalingon ako sa babaeng katabi ko nang pinisil nito ang aking kamay.

"Shut up Billie. Please don't bring up the past. This is more important than that," parang sinasadya ata ni Glaiza na hindi magtagalog para hindi ko maintindihan ang kanilang usapan

"Very well. Tell it to me straight then," Lumipat ng upuan si Billie. Mula sa ilalim ng lamesa sa gitna ng sala, humila ito ng isang upuan na may gulong at pumwesto sa tapat ni Glaiza na hindi nito ininda.

"This creatures are more like supernaturals. Hindi sila mga tao,"

"Mutants? Meta-humans? Aliens? What?"

"Be serious,'

"I am. May mga ganong nilalang naman talaga ah. They are scientifically proven," umayos ito ng pagkakaupo.

"More like they are evil spirits,"

"Multo?"

"I actually don't know," at tumingin silang pareho sa akin na parang kinukumpirma ang kanilang pinaguusapan. "Rhian, linawin mo yung mga sinabi mo sa akin. Kasi nalilito pa rin ako,"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula kay Glaiza. Sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya, parang di pa rin siya naniniwala.

"Tulad ng sinabi ko s'yo, nung nabubuhay pa si Papa kasali siya sa isang kulto. At nung namatay siya, ako ang tagapasok ng mga lalaking nagiging biktima niya. Kinukonsumo niya ang mga kaluluwa ng mga lalaki para magkaroon siya ng katawan,"

"Wait wait wait... Back up just a bit," iniangat pa ni Billie ang dalawang kamay nito para patigilin ako magsalita pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. "You mean...."

"Ahm Billie, Rhian can't understand other languages except tagalog," si Glaiza naman ngayon ang pumutol ng sasabihin ni Billie. Kahot di ako nakakaintindi ng Ingles, alam kong sinabihan niya ito na magtagalog lang. Tumango naman ang lalaki. ,

"Patay na ang tatay mo pero kumakain ng kaluluwa ng tao?" nagtataka nitong tanong.

"Oo,"

"Glai, parang impossible naman yata yan. Patay na eh. And we both know there's no such thing as ghosts,"

"Alam ko. Di ko pa nkakaharap ang Papa niya pero yung mga kampon niya nakaharap ko na. Kinuha pa nila ang Mama ni Rhian. That is why we need your help na iligtas siya,"

"Baka naman may nagpapanggap lang na tatay mo," humarap si Billie sa akin.

"Nagpapanggap? Iniisip mo ba na gawa gawa ko lang ang sinasabi ko sa inyo?" nakaramdam ako ng inis.

The Dead Man's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon