Fate and Faith

1.2K 78 20
                                    

Glaiza:

Pabalik balik sa alaala ko ang nangyari sa mundong ginawa ni Roman.  It was creepy and scary to the highest level at kahit kelan di ko naisip na mangyayari sakin ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan. I was thankful though na nabuksan ang isip ko sa mga ganyang bagay, lalo na at nakilala ko si Rhian dahil dun.

Yes its scary but rewarding. Ganun pala talaga pag mahal mo ang isang tao, ang impossible magiging possible. Magagawa mo ang di mo nagagawa. Nagiging matapang ka para mailigtas siya.

Stargazer is busy studying the marks that appeared in between my fingers. Tama siya, they are fascinating. Never in my life I have seen this. Unti unting nawawala ang sakit ng nasunog kong kamay. Actually nakakatakot siyang tignan.

"Mahal," boses ni Rhian ang nagpahiwalay ng mga mata ko sa pagtingin sa kamay ko. At napangiti ako sa tawag niya sa akin. Haaay, ang sarap pakinggan.

"Gusto mo bang ipagluto kita? Baka nagugutom ka na, pati sila," the way na asikasuhan niya ako, I picture her as a perfect wife.

"Wag ka na magluto. Utusan ko na lang sina Manang Loleng. Dito ka na lang sa tabi ko," umurong ako sa kama upang bigyan siya ng lugar. Lumapit naman ito at pumwesto sa tabi ko.

"Mahal, pasensya ka na sa nangyari. Iniwan ka pa ng mga magulang mo dahil sa akin. Baka pati kapatid mo talikuran ka," malungkot niyang sabi. Hindi niya dapat sinisisi ang sarili nia dahil nung nalaman ko ang tungkol sa kanya, pwede ko siyang iwasan. Pwede ko siyang talikuran, pero hindi ko ginawa dahil mahal ko siya.

"Wag mo nang alalahanin yun. Anak nila ako, eventually mapapatawad din nila ako. Nagmahal ako e, di lang siguro sa kasariang inaasahan nila. Magugustuhan ka rin nila in time. Sa ngayon, kailangan nating tapusin itong kinahaharap natin. Pagnatapos na ito, yung sa atin naman ang haharapin natin,"

"Ano yung sa atin?" pagtatakang tanong ni Rhian na animo'y inosenteng paslit.

Natawa naman ako. Natawa hindi dahil sa tanong niya. Walang katawa tawa dun. Natawa ako dahil sa tuwa at kilig. Dahil sa naiisip ko para sa magiging buhay namin.

"Huy, nakakainis ka. Di naman ako nagbiro para tumawa ka ah," at tumalikod pa ito sa akin na parang batang nagtampo.

"Hindi kita pinagtatawanan. Saka hindi ako natawa kasi pinagtatawanan kita. Hindi yun. Natutuwa kasi ako sa iniisip ko para sa atin,"

"Ano nga yun?"

"Dahil gusto kong magsama tayo sa iisang bahay. Gusto ko na tuwing uuwi ako galing office, ikaw ang uuwian ko. Ang gusto ko.... magpakasal tayo..." I was expecting an ear to ear smile from her. An excited hug or maybe a kiss, pero blanko ang expression niya. "May problema ba? Ayaw mo ba na magsama tayo sa iisang bahay? Ayaw mo ba na magpakasal tayo?"

"Hindi naman sa ganon, pero baka lalong magalit ang pamilya mo sa'yo. Baka di ka na nila tanggapin. Saka pano yung kapatid mo na pari?"

"Tulad ng sinabi ko sa'yo, matatanggap din nila tayo someday. Kaya wag kang magalala. Akala ko naman ayaw mo,"

"Aba, gusto ko. Wala na akong ibang gusto pang makasama kundi ikaw," hindi man siya kumakanta, pero yung sinabi niya mas maganda pa kesa sa isang awitin.

Parang magnet na unti unti naming isinasara ang distansya ng aming mga labi. Sa kauna unahang pagkakataon, mahahalikan ko siya sa tunay na mundo.

"Aray!!" bigla niyang inilayo ang kanyang mukha ng di sinasadyang mahawakan ng itim na kamay ko ang kamay niya. Hindi ko naman ito pinisil pero nasaktan siya

"Bakit? Hi..hindi ko naman pinisil ang kamay mo,"

"Napaso kasi ako ng kamay mo. Mainit kasi,"

Hinawakan ko ang sariling kong nasunog na kanang kamay. Normal naman ang temperatura nito para sa akin. Pero bakit para sa kanya ay mainit daw.

The Dead Man's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon