Chrisha's POV
"Babe? Baka hinahanap 'ka na ng mga kasamahan mo?" Tanong 'ko kay Tristan, kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway habang si Tristan nakahawak sa baywang 'ko. Tsansing eh.
"Hindi pa. Saka nage-enjoy pa akong kasama 'ka eh." Saka pa niya mas lalong pinagdikit ang katawan namin.
"Tsumatsansing 'kana eh." Saka 'ko tinanggal yung kamay niya sa baywang 'ko.
"Kahit na. Natikman 'ko na naman eh." Saka niya ulit binalik ang pagkakahawak niya sa baywang 'ko. Bigla naman akong namula, sabi 'ko sainyo naiilang pa din ako eh.
"Babe? Kailan ulit natin gagawin 'yon?" Kusang nanlaki ang mata 'ko at dali-dali 'ko siyang hinampas.
"Hindi na mauulit 'yon!" Sambit 'ko.
"Baka hanap-hanapin mo mga halik 'ko babe." Saka siya kumindat sa'kin. Inirapan 'ko lang siya. Hindi 'ko alam na ganito pala ka-pervert 'tong Tristan na 'to.
"Che! Hanap-hanapin mo mukha mo." Saka na ako naunang naglakad.
"Babe... Wag na pabebe. Alam 'kong gusto mo din eh." Narinig 'ko ang pagtakbo niya at hinawakan nanaman ang baywang 'ko.
"Ako'y tigil-tigilan mo Tristan ah. Mababatukan na talaga kita." Naiinis na saad 'ko. Kainis naman 'tong Tristan na 'to eh.
"Kiss nalang. Miss 'ko na laway mo eh." Saka siya tumawa.
Saka 'ko tinaas sa ere ang kamay 'ko pinipigilan 'ko na batukan siya. Nakakagigil na eh.
"Grabe naman 'tong si Babe. Napaka-sadista mo talaga!" Saka niya piningot yung ilong 'ko.
Nag-pout nalang ako. Ba't ganun? Bakit parang siya yung babae samin dahil napaka-kulit niya. Babae ba 'to? Akala 'ko badboy kasi pinaka-kinakatakutan sa DGU. Pero bakit parang kung umakto parang bata.
"Hoy, babe! Matanong nga... Bakla 'ka ba? Ba't parang mas clingy 'ka pa kaysa sa'kin? Umamin 'ka nga! Bakla 'ka ba?" Nakataas na kilay na tanong 'ko.
Nakita 'ko ang pagkunot nang noo niya at saka siya tumawa. Hala? Baliw lang? "Naku, babe. Para-paraan mo din ano? Sinasabi mong bakla ako para ano? Para gawin ulit na tin yung ginawa na'tin---" tinakpan 'ko nga ang bunganga niya. Nakakahiya kaya! Tas ano? Ako pumaparaan? Neknek niya!
"Tae! Nagtatanong lang ako! Tas anong sinasabi mo diyan na para gawin ulit natin? Excuse me! Hindi ako ganun noh! Kung ganon pwes! Bakla 'ka nga! Bakla!" Saka 'ko siya binelatan.
"Ah ganon, bakla pala ah." At hindi 'ko inaasahan bigla niyang sinugod yung labi 'ko. Pilit 'ko siyang tinutulak pero hindi 'ko matulak kasi napaka-higpit nang pagkakayakap niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//
Mystery / ThrillerHanda kana 'bang pumasok sa University na hindi nasasaklaw nang gobyerno? Na kahit pumatay ka legal? Ngunit hindi lang ito basta-basta patayan. Tuklasin at alamin 'DEVIL'S GOD UNIVERSITY' (HIGHEST RANK ACHIEVED) #3 IN HORROR-THRILLER CURRENT RANK...