Chapter 22: Disaster /edited/

2.4K 69 0
                                    

Chrisha's POV

"Ano? Meron 'ka na bang nahanap, Chrisha?"
 

"Wala pa." 

Kasalukuyan kaming nasa Library upang humanap ng libro kung paano mahahanap ang taong may kapangyarihan na 'Life'.

"Sandali lang, guys. May babalikan lang ako sa dorm." Paalam ni Monica saamin ni Bella. Tumango lang kaming dalawa ni Bella at nagpauloy sa paghahanap.

Hindi man ako nakakasigurado, pero may kutob ako. May kutob ako na pwedeng ako yung may kapangyarihan na 'Life' alam 'kong baguhan lang sa'kin 'to dahil kakalipat 'ko lang dito. Pero sa mga nagagawa 'ko parang hind ordinaryo. Kayang 'kong magpalutang nang bagay, nang tao. Kaya 'kong kumontrol nang bagay, nang tao. Ano pa? Kayang-kaya 'ko din silang patayin. 

Ako na ba? Ako na ba ang taong may kapangyarihan na 'Life'? Kung ako man 'yon... magsasakripisyo ako alang-alang sa mga kaibigan 'ko, at estudyante dito sa DGU.

I'm willing to sacrifice everything, even my Life.

"Ang lalim ata nang iniisip mo, Chrisha?" Naramdaman 'ko ang kamay ni Bella sa balikat 'ko.

"May naisip lang ako."

"Pwede mong i-share sa'kin, saming dalawa ni Monica kapag bumalik na siya." Sambit ni Bella na nagpa-gaan nang loob 'ko. Masuwerte ako dahil nagkaroon ako nang kaibigan na kagaya nila.

"Pagbalik nalang dito ni Monica." Sagot 'ko.

Nakita 'kong ngumite sa'kin si Bella at tumango. Bumalik na kami sa ginagawa namin ang humanap nang libro tungkol sa kapangyarihang 'Life'.

Eto na siguro ang hinahanap namin.

'LIFE'

Ang title na nakita 'ko, manipis lang siya.

Agad 'ko namang kinuha iyon at pinuntahan si Bella.

"I found it." sambit 'ko at humanap na nang mauupuan.

Nang maka-hanap na kami nang uupuan, umupo kaming dalawa ni Bella at dali-daling binukla ang libro.

"Eto nga." Ngiteng sagot ni Bella.

"Sandali, basahin mo muna 'yan at ako ay bibili lang nang tubig." Paalam 'ko, kanina pa kasi ako naiinom eh. Wala naman kaming baon na ubig nila Bella, Monica at Ako.

Dali-dali akong lumabas sa Library para maka-bili nang mineral water na nasa bottle.

****

"Chrisha? Pwede ba tayong mag-usap?" Humarap naman agad ako sa likuran 'ko para makita kung sino yung nagsalita. 

"Aleah? Uhhh. Sure." Saad 'ko.

Umupo naman kami agad sa malapit na bench.

"May namamagitan ba sainyo ni Tristan?" Kunot-noong tanong niya. 

Literal na napa-taas yung kaliwang kilay 'ko sa tinanong niya.

"Tristan? Wala hah! Kaibigan lang turing 'ko sakaniya." Tanggi 'ko. Totoo naman ah, except sa kiss thing.

"Eh bakit tuwing kasama 'ko siya ang laging bukambibig niya, ikaw? Umamin 'ka nga!" At tuluyan nang nagtaas nang boses si Aleah. 

"Wala kaming relasyon!" Saka ako nag-cross arms.

"Chrisha, ayoko nang sinungaling." Sa tono niya para na siyang nagbabanta. 

Tumayo na ako dahil hindi nakakaintindi 'tong babaeng 'to.

"Ilang beses 'ko bang sasabihin na... WALA NGA KAMING RELASYON." Diniinan 'kotalaga yung last sentence kasi nanggigil na rin talaga ako sakaniya. Saka ako tumalikod at lalakad na sana palayo pero hinila ako paharap ni Aleah at....

*PAAKK!*

"Wag mo akong tatalikuran 'pag kinakausap kita!" 

Napahawak ako sa pisnge 'ko dahil malakas ang pagkakasampal niya.

Lahat ng atensyon nang lahat nasa amin. Nag-iinit yung dugo 'ko dito sa babaeng 'to. 

"Pasalamat 'ka, Aleah hindi mo pa naabot yung limit 'ko. Kung hindi... kanina 'ka pa naka-handusay at naliligo sa sarili mong dugo." Matalim na saad 'ko.

At saka siya tumawa na parang nang-iinis.

"Dapat na ba akong matakot? Hahahaha. Baka  nakakalimutan mo BAGO 'ka palang dito. Hindi mo pa ako kilala." Saka siya ngumite na parang nangiinsulto.

Masubukan ngang ipahiya 'tong bruha na 'to.

"Maaaring hindi pa kita lubusan na kilala, pero meron akong isang nalalaman sa'yo." Saka ako ngumisi.

Tinaasan niya ako nang kilay.

"Malandi ka, at nakakatuwa lang isipin na mag-pinsan pa yung nilandi mo." Diniinan 'ko yung word na 'malandi' para damang-dama niya.

Nakita 'ko kung paano siya mainis sa sinabi 'ko.

Kaya mas lalong lumawak 'yung ngisi.

"Hayup 'kang babae 'ka!" Saka siya sumugod sa'kin at agad akong sinabutan.

"Araayy!" Daing 'ko sa lakas nang pagkakasabunot niya, parang natatanggal yung anit 'ko.

"Chrisha?!" Rinig 'ko sa malayuan. 

"Aleah! Itigil mo nga 'yan!" Sigaw ni Tristan kay Aleah, pero si Aleah tuloy-tuloy pa din siya sa pagsabunot sa buhok 'ko.

Naramdaman 'ko nalang na hinihila niya na yung buhok 'ko. 

"Ouch~!" Ang sakit na talaga ng ulo 'ko. 

"Bitawan mo ako Dexter! Kakalbuhin 'ko yang babaeng 'yan!" Sigaw niya nang tuluyan niya nang mabitawan ang buhok 'ko.

Sa kaninang naka-yuko ako, tumingala ako na parang maiiyak at saka 'ko inayos ang buhok 'ko. Malamang sa malamang mukha na akong bruha ngayon. Naramdaman 'ko din ang ilang kalmot niya sa noo 'ko, mahapdi. Lalo na ang sampal niya sa'kin kanina.

Naramdaman 'ko nalang na niyakap ako sa likuran ni.. Tristan?

"Bakit nandiyan 'ka sa babaeng 'yan Tristan?! Ako yung girlriend mo!" Sigaw ni Aleah, habang pilit niyang kumakalas sa yakap ni Dexter sakaniya.

Hinarap ako ni Tristan sakaniya... 

"Hayop! Pagsisisihan mo 'to, Chrisha!" Rinig 'kong sigaw ni Aleah saming dalawa ni Tristan.

Hindi 'ko napansin humalik na rin ako pabalik kay Tristan. Naging malalim at mapusok ang halik naming dalawa. Nakakahiya naman kasi nasa harap kami nang maraming tao at nasa harap namin si Aleah, pero wala akong pake, ang nasa isip 'ko lang ay si Tristan. 

Naramdaman 'kong humawak sa baywang 'ko si Tristan. Feeling 'ko bumilis yung heart beat 'ko, parang meron akong nararamdaman sa tiyan 'ko na ewan, at sa bawat halik namin ni Tristan may parang kuryente na dumadaloy sa katawan 'ko. Hindi 'ko ma-explain na ewan.

Nang maramdaman 'ko na hindi na nga
ako maka-hinga, agad akong humarap sa gilid para bumitaw yung labi ni Tristan sa labi 'ko. Habol-habol 'ko ang hininga 'ko nang bumitaw ako sa halik. Rinig 'ko pa din ang sigaw ni Aleah, pero wala akong pakialam sakaniya.

Hinarap ni Tristan ang mukha 'ko sakaniya at tinapat niya ang noo niya sa noo 'ko. Kitang-kita 'ko ang ngiti sa labi ni Tristan kaya napangiti na din ako.

***
A/N: Sorry po kung natagalan ang UD. Para makabawi ako. Dalawang update ang gagawin 'ko. ^_^

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon