Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad lang kami saglit. Maaga pa naman eh, para pumunta agad ng room. Nagkwentuhan lang ang mga boys habang ako nakatungo lang sa daan. Iniisip 'ko, kung makipag-hiwalay kaya ako kay Tristan? May possibility ba na lubayan ako ni Aleah?Pshhh! Hindi 'ka susuko, Chrisha! Hindi 'ka talaga susuko! Mahal mo si Tristan diba? Edi paglaban mo hanggang kamatayan. Mahal niyo isa't isa, huwag mong sirain dahil lang sa isang tao.
"Ang lalim ata ng iniisip mo, Chrisha?" Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Blake sa tabi 'ko.
"Ahhh. May naisip lang." Palusot 'ko. Kahit ang totoo, pinagiisipan 'ko na kung hihiwalayan 'ko ba si Tristan o hindi? Ay fota! Hindi mo siya hihiwalayan, Chrisha!
Napahawak ako sa sentinido 'ko dahil sumasakit yung ulo 'ko. It's my decision. And my decision is... I'm not breaking up with Tristan. Kung yung mga iba kaya nilang iwan ang mahal nila sa buhay, pwes ako hindi.
Hindi ako ganun kabilis sumuko. At may tiwala naman ako kila Blake na hindi ako mapapatay ni Aleah dahil may lima akong nakapagbantay.
"Punta na tayo sa room?" Yaya 'ko ng makaramdam ako nang pagod sa paglalakad.
"Sige. Mga pre, tara na sa classroom." Utos ni Blake sa apat. Tumango naman silang apat at nagdiretso na sa classroom namin.
"Alam 'ko yang iniisip mo, Chrisha. Huwag mo naman sanang iwan si Master. Ngayon lang ulit siya nagmahal ng totoo." Utas ni Blake. Napa-kunot naman yung noo 'ko 'Ngayon lang ULIT?' so, may naging mahal na siya dati?
"Ulit? Bakit? Nagmahal na ba siya dati?" Tanong 'ko kay Blake. Nakita 'kong napalaki yung mata ni Blake sa tinanong 'ko.
"I think I'm not the one who have the right to answer that." Sagot niya. "Si Tristan dapat ang sumagot niyan." Dugtong pa nito.
"Bakit? Bawal mo bang sabihin sa'kin?" At tuluyan na nga akong na-curious.
"Hindi naman sa ganoon. Pero wala ako sa posisyon para sabihin 'yan. Dapat kay Tristan mismo manggaling ang sagot." Saka narinig 'ko siyang bumuntunghininga at narinig 'ko ang malutong niyang mura.
Lalo tuloy akong na-curious. Hindi naman ako magagalit kung meron man siyang ex or what. Hindi naman ganun kababaw yung galit 'ko eh. Pero going back kay Monica and Bella? I don't know pero kasi para talagang sobra akong nasaktan sa ginawa nila. Alam niyo yung feeling na palayasin kayo nang magulang niyo sa bahay niyo. Pero alam 'ko namang magkaka-ayos din kami eh, but not now.
Hindi 'ko namalayan na nasa tapat na pala kami nang classroom namin. Agad naman akong pumasok at umupo na sa upuan 'ko, umupo na din yung lima. Hindi maiiwasan may mapatingin sakanilang lima, dahil nga biniyayaan sila ng gwapong mukha. Siyempre hindi naman mawawala ang mga malalandi, haliparot at matatalandit na babae sa mga Univeristy. Kaya minsan may napapatili, napapatulala, minsan pa nga napapa-tulo laway.
"Nakakainis na yung mga babae sa likod natin hah?" Narinig 'ko si Calvin na nagrereklamo.
Lumingon naman ako sa likod at nakita ang grupo ng babae na parang nilalandi nga si Calvin kasi yung isa kalabit ng kalabit sakaniya.
"Tingin 'ka?" Saka ako tiniisan nang kilay nung isang babae.
BINABASA MO ANG
Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//
Misteri / ThrillerHanda kana 'bang pumasok sa University na hindi nasasaklaw nang gobyerno? Na kahit pumatay ka legal? Ngunit hindi lang ito basta-basta patayan. Tuklasin at alamin 'DEVIL'S GOD UNIVERSITY' (HIGHEST RANK ACHIEVED) #3 IN HORROR-THRILLER CURRENT RANK...