Si Kevin yun ah. Sino yung babaeng kasama niya at ka-holding hands pa? Lumapit ako sa kanila.
"Kevin. Ate mo?" Napatingin naman sa akin yung babae at tumingin ulit kay Kevin. Si Kevin naman ay gulat na napatingin sakin.
"Excuse me? I'm not his—"
"Yeah. My cousin." Nagulat ako sa biglang pagsampal nung pinsan niya sa kanya.
***
Magkasama kami ni Kevin kumakain sa ice cream parlor. Date daw namin ngayon. Kinikilig tuloy ako.
May lumapit na babae samin.
"Who's that girl? Babe." Grabe naman ang taray nito. E kasi naman, yung isa niyang kilay, sobrang taas. Teka.. Tinawag niya bang babe si Kevin?
"Sino sya Kevin?" Tanong ko naman kay Kevin. Si Kevin para namang natataranta.
"My third cousin."
Binuhusan nung babae— third cousin si Kevin ng chocolate juice.
"Third cousin your face!" At tuluyan ng umalis yung babae.
Bakit ginawa yun ng pinsan niya sa kanya?
***
"Ang gwapo mo dito Baebabe oh." Tinitignan ko kasi ang mga old at recent photos ni Kevin gamit ang facebook account nya. Gwapo niya talaga."May nagchat pala sayo. Beatrice Quiren? Ang sabi... Hi Babe. I miss your hugs and kisses—" Inagaw agad sakin ni Kevin yung cellphone ko at may tinouch siya saglit at binalik agad sakin ang cellphone.
"Just nevermind her. She's my... closest cousin."
"Oooh. Okay."
***
Lumabas siya galing sa bathroom nang may towel sa bewang niya. Kaya agad kong tinakpan ang mga mata ko at tumalikod. Nakaupo kasi ako sa kama ko habang nagsusuklay, katatapos ko lang kasi maligo. Nagulat na lang ako nang nasa kwarto ko na pala si Kevin, buti na lang nakabihis na agad ako.
"Kevin naman!"
"Ooops! I'm sorry" Yung tawa niya, parang pang-asar o pang-asar talaga.
"You can face me now, babe."
Ang bilis niya naman yata makabihis.
O.O
Agad akong tumalikod. Akala ko nakabihis na siya. Sinusuot niya pa lang ang short niya, pero bakit ganun? E kasi...
"Why are you not wearing your brief Kevin?!"
***
BINABASA MO ANG
Playing The Innocent
RomanceYou played me. You fooled me. You took my innocence. I trapped on my own innocence. *** Warning: SPG/R-18