Dapat ba ko maging masaya? Tama ba tong desisyon kong lumayo sa pamilya ko?
Hay. Namimiss ko na ang pamilya ko. Kahit magulo ang pamilya namin, di pa rin maipagkakaila na pamilya ko pa rin sila.
Pero bakit ba ko naglayas? Di ko na maalala. Basta ang alam kong dahilan, nakakasawa at nakakapagod na ganun na lang ang pamilya namin, maya't maya away, sigawan, sakitan. Walang katapusang kaguluhan. Walang kapayapaan sa bahay.
Pati ako, nabubugbog na rin ni papa.
"Baby... I'm jealous. Sino ba yang iniisip mo?"
I just rolled my eyes.
"Ms. Candice. Pili na po kayo ng damit na nababagay sa inyo."
"Ito pong red Ms. Candice, bagay po 'to sa inyo."
Ewan ko ba sa mga katulong ni Kevin, papasok lang naman kami pero sila pa ang naghahanda ng damit na susuotin ko. Para naman akong donya. Hihi.
"Nako. Sabi ko naman sa inyo, wag na kayo mag-abala. Ako na bahala dito."
"E kasi po Ms. Candice..."
Medyo napapatingin sila kay Kevin.
"Wag kayong mag-alala. Di kayo papagalitan nitong si Sir Kevin nyo. Right, Kevin?"
Nakahalukipkip akong nakaharap kay Kevin.
"Yeah yeah yeah." Walang ganang sagot ni Kevin.
"See?" Kinuha ko na sa mga kamay nila ang mga damit.
Nakatungo silang umalis sa kwarto ko. Yes. Kwarto ko. Hihi.
Ang laki pa naman ng kwarto na 'to. Doble sa dati kong apartment.
Yes. Tinanggap ko ang deal ni Kevin. Sayang din naman. Lalo na't wala pa kong trabaho na nahahanap. Babayaran ko na lang siya pag may nahanap na kong trabaho at naipon.
"You're right baby. Mas okay na 'to, solo kita." Sabay akbay niya sakin.
"Lumayo ka nga. Maliligo na ko." Tinalikuran ko na siya.
"No kiss?" Hinigit niya ko.
"Shut up Kevin. Pagod ako."
Ngising-ngisi sya bago niya bitawan ang braso ko.
"Tired of what?"
"Stop it Kevin. Alam mo namang ang dami kong tinapos na school works. I'm still tired."
Tinalikuran ko na talaga siya. Buti naman. Di na umangal pa.
Isang linggo na rin akong nakatira dito kina Kevin.
Nung unang dating ko dito, dun lang pumasok sa isip ko na, ano na lang iisipin ng magulang nitong si Kevin. Baka isipin na, tinanan ako, o kaya kasi buntis ako. Paano naman ako mabubuntis? Di pa naman ako kasal. At... Di ko pa nagawa yun.
Nawala ang tinik sa dibdib ko. Nang sinabi sakin ni Kevin na nasa Singapore ang mom and dad nya for 10 months dahil sa business daw. Ganun nga talaga siguro ang mga pangmalakihang business, kailangan lumayo sa pamilya.
Tapos na kong maligo at dito na rin ako nagbihis at nag-ayos. Friday ngayon kaya nakasibilyan kami. Every friday kasi ang wash day namin.
"Not yet done Baby?"
"Umalis ka na Kevin. Mauna ka na."
Isa yan sa dahilan ko kung bakit dito na ko sa bathroom nagbibihis.
BINABASA MO ANG
Playing The Innocent
RomanceYou played me. You fooled me. You took my innocence. I trapped on my own innocence. *** Warning: SPG/R-18