Chapter 9

61 11 1
                                    

Napahawak ako sa buhok ko na para bang sinasabunutan ko sarili ko. Naiinis ako!


"Baliw ka ba Kevin?! Basta basta ka na lang manghihila!" Masama ang titig ko sa kanya.


Nagkibit-balikat lang siya at sumipol sipol lang. Patay malisya?


"Nag-uusap pa yung dalawa tapos eeksena tayo! Naman Kevin!" Napakagat labi na lang ako sa inis.


Pero bakit kaya umiiyak si Nica nun? At parang inaaway si Red? Close na ba sila? Pero diba, crush ni Nica si Red? Kahit sabi ni Nica, na dati lang daw naman yun. Ano kayang nangyari?


"Baebabe.."


Hinarap ko si Kevin na nakayakap sa bewang ko at nakagat-labi. Masama pa rin ang titig ko sa kanya.


"Let's go?"


Tinulak ko siya ng malakas kaso parang walang nangyari sa pagtulak ko sa kanya. Mahina yata ako? E kasi naman. Hinalikan niya ang pisnge ko. Napatalikod agad ako.


"Bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ko sa kanya pero nakatalikod pa rin ako sa kanya.


"Because you're so damn sexy" Diretsyo at cool niyang sagot.


Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Nakatingin lang sa kotseng itim na naka-park. Ito lang kasi ang naka-park. Di ko alam kung may tao ba dun o wala. Nakakahiya naman kung may tao sa loob.


"Baebabe naman.." Hinila niya ko paharap sa kanya at hawak-hawak ang dalawa kong kamay.


"Tara na nga." Yun na lang sinabi ko at inagaw ang kamay kong hawak niya. Pero inaagaw niya pa rin pero iniiwas ko kaya ang ginawa ko na lang ay tumakbo. Hanggang sa umabot sa habulan.


"Baebabe!" Sigaw niya sakin habang natakbo. Lumingon ako sa kanya habang natakbo. Ang bilis niya tumakbo, malapit niya na kong maabutan. Pero pagdating sa takbuhan, dito ako magaling.


Natatawa ako sa kanya kasi para siyang bata na nakanguso at tumatakbo na para bang hinahabol ang lollipop niyang inagaw.


Habang natakbo, dinikit ko ang braso ko sa dibdib ko. E kasi alam niyo na, nahihirapan akong tumakbo kasi.. kasi naalog siya.


"Ah!" Natumba ako at napaupo. May nabangga kasi ako. Di ko kasi napansin, kakatakbo at lingon kay Kevin.


"I'm sorry Miss. Are you okay?"


Tumingala ako at may lalaking nakayuko na nakaabot ang kamay sakin. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.


Aabutin ko na sana ang kamay niya para tumayo, nahirapan kasi akong tumayo parang ang hapdi ng braso at tuhod ko. Kaso may bumuhat agad sakin. Napatingin ako sa lalaking bumuhat sakin, si Kevin pala. Di ko alam pero napangiti na lang ako. Namalayan ko na lang na nakakapit na pala ang mga kamay ko sa leeg niya.


"I'm sorry again Miss. I didn't mean to hurt you."


"Nako hindi! Ako yung may kasalanan, ako yung nakabangga sayo."


Napatingin ulit ako kay Kevin. Napa-goosebumps ako, biglang nag-iba yung expression niya, parang ang lamig na ang lalim.


Magsasalita pa sana yung lalaking nabangga ko, pero tinalikuran lang siya ni Kevin. Naglalakad si Kevin palayo sa lalaki habang buhat ako. Napatingin na lang ako sa likuran, panay yuko niya at magkadikit ang mga palad nya, halata ang sincere sa pagsosorry niya. Ako ang may kasalanan pero siya ang humihingi ng patawad.


Playing The InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon