Ano nang gagawin ko? Natatakot ako, kinakabahan. Ate na ang turing ko kay Nica. Ayokong mag-away kami, ayokong magalit siya sakin.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ka-iisip sa nangyari kahapon. Naguguluhan na ko. Sobra.
Pagpasok ko ng classroom, wala sina Nica, Kaye, at Moshi. Nakatingin lang ang mga kaklase ko sakin. Lahat sila, sakin ang atensyon at ang sasama ng tingin, ang isa nga ay tumayo at gusto na kong sugurin pero inawat lang siya ng katabi niya, which is her friend.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng classroom. Di ko na lang sila pinansin at umupo. Nilabas ko muna ang phone ko para mag-messenger muna. Baka online sina Kaye, icha-chat ko na lang sila.
Nagmessenger muna ako at saktong online si Moshi.
Moshi Dyosa
⚪️Active nowMoshi, saan kayo? :(
Wait mo kami, stay ka lang sa room, okay? Labyu :*
Napatingin ako sa mga kaklase ko, ang sasama pa rin ng tingin nila sakin. Yung mga lalaki, mukhang dissapointed. Yung mga babae, mukhang pinapatay na nila ako sa isip nila.
Nag-facebook na lang ako at di sila pinansin. Ang dami kong notification.
Tinignan ko yung may naka-tag sakin.
O_O
Picture ko at ni Kevin. Naka-side view kami parehas. Na nasa apartment ko. Ito yung, inabot sakin ni Kevin yung phone ko kasi naiwan ko. Kaya sabog ang notification ko dahil dito sa naka-tag sakin.
Binasa ko yung caption sa picture.
Kevin and Candice? Are they living together? Is this true?
What?! Nakakagulat. Mali yung nasa caption. Mali sila. Mali sila ng iniisip. Kaya pala ang sasama ng tingin nila sakin at mukhang dissapointed.
Di ko na binasa ang mga comments na hanggang ngayon, ay marami pa ring nagco-comment.
Sino ba ang nagpost nito? Sheira Fernandez?
"Beshie... Are you okay? Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong ni Kaye ng makalapit sakin.
Nandito na pala sila. Pero si Nica, di tumingin sakin. Diretsyo lang siya umupo sa upuan niya.
"Omg, di siya pinansin ni Nica? Pansin niyo girls?"
"Yeah. We all know, silang dalawa ang pinaka-close sa kanila."
"Eh kasi naman. Malandi siya. That's why di siya pinansin ni Nica. Mang-aagaw kasi."
Di ko na lang pinansin ang mga usapan at bulungan ng mga kaklase ko.
"Loka ka girl ah. Di mo sinabi samin. Ano yun ha?" Mapanuksong sabi ni Moshi.
Nakanguso lang ako sa kanila. Di ako makapagpaliwanag. Lalo na't iniisip ko si Nica ngayon, galit siya. Ngayon lang siya nagalit ng ganyan sakin.
BINABASA MO ANG
Playing The Innocent
RomanceYou played me. You fooled me. You took my innocence. I trapped on my own innocence. *** Warning: SPG/R-18